****
Hindi ko alam ang gagawin ko. Paano nga ba? Gusto ko na ding makausap si Mike. Ang tagal nya nang hindi nagpaparamdam at after nung araw na ginawa nya akong tanga, ngayon ko nalang ulit siya makikita. Pumasok kami sa Araneta ng maaga, grabe ang mga tao sa labas, andaming stalls ng T-shirt, caps, banners at anu-ano pa. May nga drums na nagtatambulan, mga tao na naghihiyawan. Sa loob naman, nagsisimula ng magpunuan ng mga upuan. Buti nalang, nandito kami sa baba, reserved seats lahat. Sa may upper box, para silang mga langgam na kumpol kumpol sa dami. Andaming nagsisigawan, may mga cartolina, tarpaulin na nakasabit kung saan saan.
May isang grupo ng mga babae, may hawak hawak silang malaking yellow na cartolina, nakalagay, 5-Riguerra, I LOVE YOU. Napatitig nalang ako sa kanila.
“Hoy, kakapal nyo, jowa ng best friend ko yan!” nakita din ata ni Jerich kaya nagsisisigaw nanaman dun sa mga babae. Hindi naman nila ito marinig dahil nasa taas sila kaya parang useless din.
“Tumahimik ka nga, nakakahiya!” saway ko. “Hindi ko boyfriend si Mike.”
“Dun na din ang hantungan nyo!” sabi nya at bumalik sa upuan.
Binuksan ni Jerich yung phone nya, wala pa din kasi si Kris, praning praning kasi ito eh, feeling nya iindyanin na sya ng kadate nya. Si Denise naman, frantic na din, susunod nalang din daw kasi si Alfred. Hindi pa din sya makakapasok unless dumating na si Kris kaya nakadepende sila sa isa’t isa.
Ten minutes bago magstart ang game, nagsimula ng pagtititili itong si Jerich.
“ANDITO NA SYA! NASA LABAS!” hinatak nya kami ni Denise patayo, halos kaladkarin kami palabas, “TARA, PUNTAHAN NATIN SYA!”
Dali dali kaming lumabas ng dome, hanggang sa may bungad lang kasi syempre hindi naman kami pwede lumabas talaga, sasalubungin lang naming sya. Habang tumatakbo kami, nagring yung cellphone ko.
“Angelie, saan kayo? Nandito na ako.” si Alfred!
“Ui! Andito na din si Alfred!” sabi ko sa kanila.
Tumingin saakin si Denise.
“Gaga! Malamang, sya tatawagan nun, may number ka ba nya?” nabasa agad ni Jerich expression ni Denise.
“Ay, oo nga, sige, salubungin na natin.” Natawang sang-ayon ni Denise.
Nakita namin si Kris, naka stripes na polo papasok na mismo ng entrance. Dun nalang kami nagantay sa may hagdan papaakyat. Paglinga nya, agad nya kaming nakita kasi grabe makatili tong baklang kasama naming.
“KRIS!”
Ngumiti si Kris ng lumapit. May itsura sya, malaki ang build up ng katawan, parang Mike lang, square jaw at may highlights na red sa left side ng buhok.
“Naalala mo naman sila diba? Si Angelie at Denise.” Pakilala ni Jerich.
Nagshake hands kami. “Oo, kayo yung magkakasama na nakaupo sa harap diba?”
“Yes. Ito kasing si Angelie, ayaw magpadistract kaya kinakaladkad kami sa harap.” Tawa naman itong si Denise.
Pero alam kong aligaga na sya. Hindi pa din kasi naming matanaw si Alfred.
BINABASA MO ANG
Liempo ( A story of Rival Colleges)
RomanceSi Mike ay isang basketball player sa isang University samantalang si Angelie naman ay isang ordinaryong estudyante sa ibang university. Dahil sa kwek-kwek at liempo, nagkrus ang mga landas nila na nagbunga ng isang nakakatawa, nakakainis at nakakak...