Chapter 28

1.4K 10 4
                                    

continuation of Alfred's POV:

Bumalik ako sa SC office at kinuha yung bag ko. Pinagtataka ko ay sino yung nagsend kay Angelie ng picture. Concerned lang ba yung tao o sinisiraan sila? Bakit sa dinami dami pa ng litrato, yung may kahalikan pa si Mike? Sa sobrang curious ko, pumunta ako sa library at dun naupo para magsearch. Kinuha ko yung laptop ko sa bag at nagsimulang tumingin sa facebook ng mga pictures. Ruth, sino sya at anong kinalaman nya dito? Bakit nya hinalikan si Mike? O bakit sya hinalikan ni Mike? Nagdirect ako sa google at tinype ang pangalan ni Michael Riguerra.

Maraming lumabas, madalas galing sa sports web page. Tinignan ko yung biography nya. Pinanganak noong April 20, 1991—Aba, mas matanda pa pala sakin to ah saka sa susunod na buwan na birthday nya. Tubong Laguna pala yung loko. Binasa ko pa yung mga nakasulat, sa height nya daw na 5“11, sya ang pangalawa sa pinakamaliit sa team nila, at madalas sya ang point guard or shooting guard. Pero wala naman tong kinalaman sa gusto kong malaman eh. Pake ko kung ano posisyon nya sa team? Nagsearch pa ako ng pwedeng related at may isa akong nakita. My Scandal sya nung isang taon. Nung tinignan ko, sa isang club lang naman to kasama ang napakadaming babae na isa isa nyang hinalikan. Ano to? Lasing sya? Baka naman isa dito sa mga babaeng to yung Ruth na sinasabi ni Angelie. Posible naman na mangyari to, sikat si Mike, lalaki sya at napakadaming babae sa paligid. Pero napaisip ako, ito nga ba yung litrato na pinadala sa kanya?

“Huy!” may kumalabit sa likod ko.

“Oh, Cy.”

“Why suddenly interested in basketball?” nakatingin sya sa screen ng laptop ko.

Sinara ko agad. “Wala, curious lang.”

“Diba boyfriend ni Angelie basketball player?” tanong nya tapos umupo sa bakanteng table sa tabi ko.

Hindi nalang ako sumagot.

“May problema ka Kits?” tanong nanaman nya.

Kahit kalian, hindi pa din nya nakalimutan yung pang asar nya sakin nung first year. Kits- as in singkit. Hindi naman grabe pagkasignkit ko na parang hapon, instsik ang lahi ko at hindi ganun talaga kasingkit yung mata namin. Kibit balikat ako na sumagot sa kanya.

“Kilala kita. Duh, hindi ka naman mahilig magresearch research.”

“Wala, nacurious lang ako.”

“Iniimbistigahan mo yung boyfriend ni Angelie noh? Ano, may gusto ka sa kanya?”

“Ano ka ba, kaibigan ko lang sya.”

“Utut mo! Nako Kits, gasgas na yan.”

Di nalang ako umimik. Matagal na kaming magkakilala ni Cy, first year pa lang kaya basado nya na lahat ng kinikilos ko. pero hindi porket matagal na kayong magkasama, alam na nila lahat ng tungkol sayo, minsan, may mga bagay lang na hindi mo sadyang ipinapaaalam sa iba. Tumayo na ako at ibinalik sa bag ko yung laptop.

“Hoy Kits. Pikon to ah, binibiro ka lang eh.” Tawag nya.

Biro? Joke? Ano ba talaga? Totoo nga ba?

“May aayusin pa ako, mauna na ko Cy.”

“Alam mo, kapag nagwawalk out ka sa mga ganitong usapan, ibig sabihin totoo.” Hinabol nya ako habang palabas na kami ng library.

Napatingin ako sa kanya. Bakit sa iba pa kailangan manggaling? Bakit hindi ko kayang maging sigurado sa sarili kong emosyon? Ano ba nararamdaman ko kay Angelie? Kaibigan ko sya, concern ako sa kanya, parang nakakabatang kapatid na inaalagaan, pinoprotektahan, ganun din naman kanila Denise at Jerich pero alam ko sa sarili ko na nakakalamang talaga si Anj.

“San ba lakad mo?” hinawakan nya yung braso ko, tulad ng madalas nyang ginagawa nung mga bata pa kami.

“Wala, dyan dyan lang.”

Liempo ( A story of Rival Colleges)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon