Chapter 12
Tiffany's POV :
" Haaayyy ! " - sambit ko lang sabay buka ng mga braso ko pagkagising ko .
Naupo nalang ako sa kama ko. Ang dami talagang nangyari kahapon, ang tagal nga magsink-in ng mga nangyari kahapon sa utak ko eh.
Ang ewan talaga ng Luhan na yun ! Palaging seryoso at nagyayabang pero biglang magiging parang bata. Ay EWAN !! Ang gulo talaga . Tapos nalaman ko pang may past pala sila Kuya at Amanda. Basta ang dami kong nalaman kahapon tapos may nakilala din akong mga gwapong nilalang. Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil sa mga nakakagulong pangyayari.
Hay ! Mamaya ko na yan iisipin, maliligo muna ako.
Matapos kong maligo, pumunta na ako sa kwarto ni Kuya, hindi naman lock kaya pumasok na ako. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ni Kuya, and there, I found him sleeping.
" Hoy Kai !! Gising na !! "- sabi ko sabay talon patungo sa kama niya.
Ayaw paring gumising.
" Kuya !! wake-up ! " - sabay yugyug ko sa balikat ni Kuya.
" Tiff , 'wag kang magulo ! " - sabay tabon niya ng kumot .
" Kuya ! Dali na !"- at hinablot ko yung kumot. At nagtatalon-talon sa ibabaw ng kama niya. " HOoh ! Ho0h! " sigaw ko habang tumatalon.
" Arggh!! Okey-okey !! Eat your breakfast.... Susunod ako.! " at bumangon na ako. Hehe . Pwede na pala akong mag-apply ng tagagising hhehe.
" Bilisan mo ah, may gagawin pa kami ! " -sigaw ko at nagpunta na sa Kusina.
" Tiffany kain ka na! " - sabi ni Yaya sa akin at umupo na ako .
" Ya ! Mag-gagatas nalang po ako . " sagot ko kay yaya at nagtimpla na ako ng gatas.
" Ikaw talaga bata ka ! Siya nga pala pinagbilin ng Mommy mo na umuwi daw kayo ng maaga ng Kuya mo ! " - sabi ni Yaya.At tumango nalang ako bilang sagot.
Nakita kong bumaba na si Kuya sa hagdan kaya niyaya ko na siyang kumain.
" Tiff 'di na ako kakain, malalate na tayo lika nah ! "- yun lang at nauna na si Kuya sa kotse kaya sumunod nalang ako.
Ang tahimik ni Kuya . Hindi siya nagtatanong tungkol sa amin ni Luhan, buti nalang nakalimutan niya kung hindi baka mapagalitan na naman ako.
BINABASA MO ANG
BORN to LOVE {EXO}
FanficSi girl makulit, palaban, madaldal, mabait pero minsan ay mataray. On the other side, isang Grupo ang binubuo ng isang dosenang naggwa-gwapohang lalaki, makukulit, may cold , may hot ,may pinaghalo, may parang araw-araw may dalaw, merong happy virus...