Chapter 2: Fiance

10.9K 215 32
                                    

-Kathryn's POV-

For the last 30 minutes ay hinihintay ko ang bestfriend ko. Tiningnan ko uli ang wristwatch ko at nakita na sobrang late na kami. In 10 minutes, kung wala pa sya dito sa pintuan ng apartment ko at wala syang baong magandang dahilan ay iiwanan ko na sya.

"Aaaaarrrrgggghhh! Sinasabi ko na nga ba!" Inis kong sigaw dahil naiisip ko na ang possibleng dahilan kung bakit na naman sya late.

Dapat ay immeet namin sina Michelle at ang barkada sa 71 Gramercy ngayong gabi. Request yun ni Michelle nung tumawag sya sa kin kanina sa opisina.

---FLASHBACK---

"Kath!" Narinig kong bati ni Michelle sa kabilang linya.

"Oh Teh. Kamusta?" Casual na tanong ko sa kanya.

"Wala naman teh. Gusto ko lang sana itanong kung pwede ka mamayang gabi?"

"Ngayong gabi?" Tiningnan ko ang calendar ko sa desktop para icheck kung anong araw ngayon.

Tuesday. Hmmm...

"Oo tonight. Alam ko Tuesday ngayon pero sana makapunta ka. Punta kami dun ni Dom around 8pm." Sagot naman nya.

"Sure sige punta ko. Ano bang meron ngayon?" Tanong ko sa kanya kasi nakakapagtaka na nagyaya sila ngayon. Sigurado akong hindi naman namin barkada night ngayon dahil Tuesday.

Usually every Friday kami lumalabas ng barkada para uminom and end the work week together.

"You'll know when you get there. Ieexpect kita ha?" Nagmamadaling sabi ni Michelle. Narealize ko na hindi naman nito sasabihin sa akin ang dahilan.

"Oo pupunta ko. Yung iba ba nagconfirm na?"

"Yup. Ininform na sila ni Dom."

"Okay sige. See you mamaya." Pag-assure ko sa kanya. At saka binaba na namin ang telephone.

Nang pilit kong inaalyze ang conversation namin ni Michelle, napansin ko ang excitement sa boses nya. Parang kinikilig na ewan. Plus, medyo out of the blue pa ang invitation nya.

"Oh my God! Engaged na sila!!!" Bigla kong naisip. Naeexcite at kinikilig na rin ako kaya kailangan kong ishare sa ibang tao.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang bestfriend ko.

"DJ!!!" Sigaw ko pagkasagot nya sa linya.

"Excited ka ba? Anong meron?" He sounds calm. Lagi naman!

"Tumawag sa kin si Mich. Sabi nya magkita daw tayo mamaya sa 71 Gramercy."

"Ah oo. Tinawagan din ako ni Dom."

"Pupunta ka ba?" Tanong ko sa kanya nang naalala kong dahil Tuesday ay malamang may date ito kasama si...

Binuksan ko ang planner ko at binuklat ito sa date ngayon.

Si Daphne ang babae nya ngayon.

Yeah I know! I have the worst case of "getting-over-DJ-but-really-cant-make-myself-do-so."

Ilang taon na kong nagpapanggap na nakagetover na ko sa kanya. Lalo na sa harap nya at sa mga kaibigan namin.

Sobrang crush ko si DJ noong highschool pa lang kami at nung college ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na magconfess sa kanya.

Pero anong ginawa nya? Harap harapan nya kong tinanggihan. Sakit sa puso! Kaya matagal din kaming naging aso't pusa hanggang sa eventually ay naging okay na rin kami. At heto na nga kami ngayon.

"I promised Dom na pupunta ako." Nabalik sa kasalukuyan ang utak ko nang narinig ko ang sagot ni DJ.

"I supposed tinakot ka nyang tatapusin ang pambabae mo kung hindi ka dadating noh?" Natawa ako dahil laging ginagawang panakot ng barkada kay DJ iyon.

"Parang ganun na nga. Kailangan mo ba ng ride?"

"Nasa talyer pa rin ang kotse ko. Do you mind picking me up?"

"Of course I don't mind. Ikaw pa ba? I'll just see you tonight. Sunduin kita ng mga 7pm."

---END OF FLASHBACK---

"DJ!!! Bakit ba ang tagal tagal mo?" Inis na inis na sigaw ko at napansin kong kanina pa ko lakad ng lakad sa loob apartment.

Napatigil ako sa harap ng full length mirror ko. Tonight, pinili kong magsuot ng little black dress at ang shoes na worth 5000 na binili ko last week. At dahil sa sapatos na ito kaya ako nagkautang kay DJ dahil pinilit nyang bagay sa kin ang shoes at dapat kong bilhin. I'd have to say na may taste talaga sya when it comes to dressing (and undressing) women. Marami syang practice pagdating dyan.

Kelan ko kaya mapprove ang theory ko na yun? Napailing ako and warned myself that I'm really losing it. Mag-best friends lang kami.

__________

-Daniel's POV-

"Oh f*ck!" I panicked.

Hinanap ko yung sapatos ko sa ilalim ng kama.

"Daniel, san ka pupunta?" Narinig kong tanong sa kin ng isang malandi...este malambing na boses.

"Kailangan ko nang umalis..." Ano nga pangalan nito?

Hindi ko alam kung nahawaan ba ako ng Dory syndrome dahil lagi kong nakakalimutan ang pangalan ng mga babaeng nakakadate ko. Thanks to Kath, dahil sya ang pumilit sa kin na panoorin ang Finding Nemo. Pero di ko naman pwedeng ideny na nagenjoy din akong panoorin yun. Not that I endjoyed the film kahit na medyo natatawa din ako. Pero mas nagenjoy akong panoorin at pakinggan si Kath na tumatawa. She was so easy to please.

I mean, hindi ko sya kailangang dalhin sa mga sosyal na restaurant o kaya magshopping sa mga high end shops. Kahit dalhin ko lang sya sa KFC para umorder ng bucket of fries at large Coke ay abot langit na ang makukuha kong pasasalamat mula sa kanya. Of course, she'll flash her sincere, genuine sun-shiny smile.

Sa wakas ay nahanap ko na rin ang sapatos ko at nagmamadaling kinuha ang susi ng kotse.

"Bye...uh... see you tomorrow!" Paalam ko sa kanya bago pa ko tuluyang lumabas ng apartment nya.

Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko na naiintindihan ang gusto nyang sabihin sa kin.

"Daphne!!!" That's it. Naalala ko pangalan nya nung nasa loob na ko ng kotse.

Tiningnan ko ang oras sa relo ko at nakita kong late na ko. As in sobrang late. More like "You're dead DJ late".

Malamang ay dalawang beses akong masesermonan ngayong gabi. First ay si Kath na dapat ay sinundo ko 20 minutes ago. I swear naiimagine ko na ang dagger looks nya.

At napangiti ako. A silly smile. She actually looks cute pag galit.

At syempre papagalitan din ako ni Michelle. Deadly pa naman yun pag nagagalit. Sisiguraduhin kong lalayo ako sa kanya ng mga isang dipa ngayong gabi. Buti na lang at andyan si Kath para gawin kong shield. Sigurado akong di nya kayang saktan si Kath.

Pero first things first. Kailangan ko nang magandang reason kung bakit ako late.

Bago pa man ako nag-attempt na kumatok sa pintuan ng apartment nya, sinisigurado ko muna ang idadahilan ko sa pagiging late ko. Siguro kailangan kong magoffer na ayusin ang doorbell nya one of these days. Kumatok ako pero walang reaction. Kumatok muli ako. Sinubukan kong lakasan baka kasi hindi nya naririnig.

Nang kakatok ako sa pangatlong beses ay bumukas ang pintuan. Nagulat pa ako nang nakita ko si Kath. Inexpect ko naman ang dagger look nya pero kunwari ay nagulat pa rin ako. Pero sa totoo, nagulat talaga ko.

Bakit?

Yung dress na suot nya ang ikinagulat ko. The one that I told her that would look good on her. Kahit pa medyo maiksi, hindi masyadong bastos tingnan. She looked sexy in it. Tiningnan ko sya from head to foot.

Yung sapatos nya! Yan yung binili ko para sa kanya. Tiningnan ko muli ang legs nya bago ako tumingin pataas.

"Late ka na naman!" Narinig kong sabi nya. Galit na galit sya. Nakataas pa ang isang kilay sa akin.

"Sorry. Kasi ano..."

"Ano? Got caught under the sheets again?" Diretsong tanong nya.

Kilalang kilala nya talaga ako.

Napayuko na lang ako.

"Sorry."

"Whatever, DJ! Kailangan na nating umalis. Papatayin na tayo ni Michelle." Sinara nya ng pintuan ng apartment nya at nagpatiuna na syang naglakad papunta sa kotse ko.

Alam kong hindi pa nya ko napapatawad kaya nagmabagal talaga ako habang naglalakad.

"Ano bang ginagawa mo, DJ? Lalo mo lang tayong dinedelay!" Sigaw nya nang napansin nyang hindi pa rin ako nagmamadali.

"Nagsorry na ko pero hindi mo pa rin ako pinapatawad." I was acting like a little boy. Alam kong hindi nya mareresist ang ganitong pagarte ko.

Tumigil sya sa paglalakad at nagbuntong hininga.

Iyon ang sign na hinihintay ko. Alam kong bibigay din sya.

"Okay fine. Stop acting like a kid." Sabi nya. "Halika na, DJ!"

Agad akong tumakbo papunta sa kanya.

In another 15 minutes ay nakarating na kami sa 71 Gramercy.

"Buti naman at andito na kayo. Bakit ang tagal nyo?" Tanong ni Michelle kay Kathryn.

Tiningnan lang ako ni Kath at alam na agad ni Michelle na ako ang cause of delay.

"Hindi na dapat ako nagtanong." Masungit na sambit ni Michelle.

"Ang importante andito na kami ni Kath." Depensa ko naman.

"Why don't we stop this clamor and let's get things started?" Singit naman ni Alex sa usapan.

Laking pasalamat ko at ngayon pa naisip ni Alex na umepal sa usapan ng iba.

Pumunta na kami sa usual na table naming.

Three lovely couples and...

Ano nga bang tawag sa min ni Kath?

Hmmm....

"DJ, kayo lang ni Kath naiiba sa mga couples dito." Jon interrupted my thoughts.

"Anong sinasabi mo, Jon? Hindi kaya kami naiiba. And for the record, hindi nga kami couple." Pagtama ni Kath kay Jon.

"Yeah yeah. We know, you're just best friends." Dagdag ni Alex.

"Still kakaiba kayong dalawa. Pareho kayo." Pilit ni Jon.

"Anong meron at pinagttripan nyo na naman kami?" Tanong ko habang naupo sa couch.

"Hanggang kelan nyo ba kami pagttripan? Ilang taon na kami pa rin favorite nyo. Baka pwedeng magiba naman ng topic?" Sabi ni Kath.

"Dom, bakit nyo nga ba kami pinapunta dito?" Pagiiba ni Jon ng usapan.

"Oo nga, anong meron?" Tanong ko naman.

Bago pa man magsalita si Dominic ay kinuha nito ang inorder na champagne. Ibinuhos nya sa baso ang champagne at binigyan kami isa isa.

"Michelle finally agreed to marry me. So, I'm officially announcing our engagement ngayong gabi." Masayang sambit ni Dominic.

Kitang kita ko ang saya sa mukha nina Dominic and Michelle. Agad naming lumapit kay Michelle ang mga girls para yakapin at icongratulate ito. Habang hinihintay naming silang bumalik sa upuan at ituloy ang inuman.

__________

-Kathryn's POV-

Matagal ko nang alam na sina Michelle and Dominic talaga ang magkakatuluyan. Sa nakikita ko, Michelle couldn't be happier. Kitang kita ko sa mga mata nya.

Niyakap ko sya nang mahigpit letting her know kung gaano ako kasaya para sa kanya.

"Magiging mabuting asawa ka kay Dom at masaya ako na masaya ka." Bulong ko sa kanya.

"Thanks, Kath." Bumitiw kami sa pagyayakapan pero patuloy pa rin ang paghawak nya sa kamay ko. "Malapit mo na rin mahanap ang happiness mo, Kath. Im sure."

Bigla akong nailing sa sinabi nya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Alam ko namang sya pa rin ang love mo. Kahit anong pagdedeny pa ang gawin mo para ipakita na ang nararamdaman mo para sa kanya ay para sa isang kaibigan lang, I know how you really feel." Patuloy ni Michelle.

Ngumiti na lamang ako sa kanya para iassure na ayos lang ako sa ganitong situation.

Siguro ay masyado kaming nafocus nina Ingrid and Chie sa kwento ni Michelle kung paano nag propose sa kanya si Dominic kaya hindi ko napansing umalis sa table namin si DJ. At nang marealize ko iyon ay pasikretong hinanap ko sya nang mga mata ko.

Hindi nagtagal at nakita ko rin sya. Paano ko naman di agad mapapansin eh ang gwapo kaya nya! Kahit pa madilim sa loob ng bar ay nakita ko agad sya sya na may kasamang ibang babae. Medyo natauhan ako sa nakita ko.

At sakto namang tumingin din sya sa akin at nahuli nyang nakatingin ako sa kanya.

Nagulat ako nang parang sinesenyasan nya ako na hindi ko masyadong magets.

"What?" Senyas ko rin sa kanya.

Patuloy lang sa pagdaldal ang babaeng kasama nya at hindi ata nito napapansin ang crazy signals na ginagawa ni DJ.

Matapos ang ilan pang nakakabaliw na signals, nagets ko din ang gustong sabihin ni DJ. Kaya nagexcuse muna ko sa barkada at pumunta sa kinatatayuan ni DJ na may dala dalang baso ng champagne.

"DJ, baby!" I tried my best para maging makakatotohanan ang pagtawag ko sa kanya. I guess dahil sa dami ng practice over the years kapag magisa lang ako at nangangarap eh mukhang convincing naman ang acting ko.

"Baby, hinahanap mo ba ko? Sorry hindi agad ako nakabalik agad sa table. By the way, baby, this is Zharm." Inilapit ako ni DJ sa kanya at nilagay ang kamay nya sa bewang ko.

"Hi Zharm, I'm Kath." Sweet na bati ko sa babae.

"Kath is my fiancé." Muntik ko nang maibuga yung iniinom kong champagne nang marinig kong pinakilala akong fiancé ni DJ.

Bago yun ha? Ilang beses na kaming napunta sa ganitong sitwasyon ni DJ pero madalas ay girlfriend lang ang pakilala nya sa akin.

"You're getting married, DJ?" Tanong ni Zharm.

"Found my love." Sagot naman ni DJ sa kanya.

Alam kong nagulat si girl sa revelation ni DJ.

Hello? Ako rin gulat na gulat.

Pero hindi naman yun nagging hadlang para ipagpatuloy namin ang pang-aasar sa kanya.

Hinihintay ko lang ang usual signals ni DJ.

Kamot sa noo means asarin nang konti. Halik sa noo means asarin ng sakto lang. Kiss sa pisngi ay asarin nang bongga.

Makalipas ang ilang segundo ay hinawakan ako ni DJ nang mahigpit sa bewang at hinalikan ako sa pisngi.

There goes my cue!

"So kelan naging kayo ni DJ?" Sinimulan ko na ang interrogation kay girl.

Hinila ko ang kamay ni DJ para yakapin nya ko ng tuluyan at ipakita dito sa babaeng to na he's all over me.

"Alam mo rin ang tungkol sa mga ex nya?" Naiinis na tanong ni Zharm.

Para lalong inisin si girl ay may binulong sa akin si DJ (Sa totoo lang wala naman syang sinabi, nangiinis lang talaga.) Maya maya ay tumawa kaming dalawa at binaling muli ang atensyon namin kay Zharm.

"So ikaw pala yun? Ginawa mo yun?" Tanong ko na kunwari ay nagulat.

Tiningnan nya ng masama si DJ.

"Sinabi mo sa kanya yun?" Tanong ni Zharm kay DJ kahit pa wala naman talaga kong alam sa pinagsasabi nya.

"Syempre. Sinasabi ko sa kanya lahat. Papakasalan ko nga sya diba?" Mabilis na sagot naman ni DJ.

"You...son...of...a...." Gusto sanang hampasin ni Zharm si DJ pero napigilan ko sya agad.

"Hands off, okay?! Akin lang sya." Gusto kong matawa sa sinabi ko pero kailangan kong magpanggap na mataray.

"Sorry, Z. Possessive lang talaga ang fiancé ko." Paliwanag ni DJ.

"Hindi kaya ako possessive. I'm just guarding what's mine. Kaya pwede ba keep your little paws off my fiancé. And by the way, ano nga sabi mo baby? Hindi sya magaling, right?" Patuloy na pangaasar ko habang pinaglalaruan ko ang tenga ni DJ.

Naramdaman kong medyo nagshiver si DJ at may goosebumps sa kamay nya dahil sa ginagawa ko.

"Hindi...magaling..." Nakapikit na sabi ni DJ.

"Whatever!!!" Galit na galit na sigaw ni Zharm at saka nagwalkout sa bar. Halatang napahiya ito.

__________

-Daniel's POV-

Habang pinapanood ko si Zharm, isa sa mga ex girlfriend ko na tumatakbo palabas ng bar, ay hindi ko mapigilang tumawa.

"Ang galing mo!" Sabi ko kay at saka tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Kahit pa gusto ko pang yakapin sya ay naramdaman kong medyo tinulak nya na ko palayo.

"May utang ka sa kin dahil dun noh!" Sagot naman nya sa kin.

Oh my God eto nay un.

"So anong gusto mong kapalit?" Tanong ko.

"Hmm... Medyo third degree na help yun so that means... 1 week na magiging slave kita!" Bulalas nya.

Wow!!! One week with Kath? Sobrang saya nun. Pero syempre kunwari di ako excited.

"What? Hindi ba pwedeng one day lang?" Gusto ko nga sana for a lifetime na pero di ko pa kaya.

Not yet.

"Unfair! Third degree help kaya yun!" Sabi nya habang naglalakad pabalik sa table naming.

Alam ko namang di nya ko agad papalusutin and I was really hoping na hindi sya papayag na paiksiin ang parusa.

So another week of being her slave. I just can't wait.

__________

Author's Note: Oookaaaay feeling ko ang boring ng chap na to. Pero syempre di pwedeng mawala ang mga "key" characters ng bawat KN fanfic. At ayoko ng marami silang exposure kaya ayan hi and hello lang ang ganap ni Z. Hahahaha. I tried to delve away from the usual barkada nila kaya medyo iba ang set ng friends nila dito. Hope you liked it. Comments please!

Slam DunkWhere stories live. Discover now