-Daniel's POV-
Fourth day.
Hindi masyadong marami ang trabaho ngayon sa opisina. Tapos na ko sa mga meetings ko after lunch pati na rin ang mga paperworks.
Pinaglalaruan ko ang cellphone ko at binasa uli ang text ni Kath kaninang umaga.
*I'm challenging you to a game of poker. 4th day mo na bilang alipin ko. Sunduin mo ko sa opisina ng mga 6pm, okay? *
Napangiti ako.
Nagulat na lamang ako nang magring ang office phone ko.
"DJ."
"Ma?"
"Yayain mo si Kath na dito na kayo maghapunan sa bahay mamaya. Maghahanda ako ng special na dinner." Sa pagkakasabi ni Mama, halatang hindi nya ko tinatanong kung pwedeng dun ba kami magdinner, kundi inuutusan nya ko na dun kami magdinner.
"Tatanungin ko sya kung okay lang sa kanya, Ma."
"Fine. Pero siguraduhin mong isasama mo sya ha?"
"Ma, diba sabi ko tatanungin ko muna."
"Okay okay." Narinig kong nagbuntong hininga si Mama.
"Pero sigurado naman akong hindi nya tatanggihan ang invitation mo." Sabi ko sa kanya. Matagal na rin since last kaming nagdinner sa bahay. Simula nung tumira ko sa sarili kong apartment ay hindi na ko nakakauwi masyado sa mansion.
"Magkita na lang tayo mamaya Nak ha?"
"Sige, Ma. See you."
"Wag mong kalimutang..."
"Alam ko na, Ma. Tatanungin ko si Kath."
"Sabihin mo namimiss na naming sya ng Papa mo."
"Opo."
"Bye Nak. Love you."
Pagkatapos namin magusap ni Mama ay tinawagan ko agad si Kath.
"DJ?"
"Uhmm.. Kath... Aside sa poker, ano pang plano natin tonight?"
"Wala naman. Bakit?"
"Tumawag kasi si Mama, sabi nya dalhin daw kita sa mansion para magdinner. Ano, game ka ba?"
"Sure. Matagal ko na rin namang di nakikita sina Tito at Tita."
"Sunduin na lang kita sa pinagusapan nating time?"
"Sige. Pero dahil pupunta tayo sa bahay nyo, gusto ko magbihis muna. Ayoko naming pumuntang nakapang-opisina pa. Daan muna tayo sa apartment ko."
"Okay sige."
"Thanks. Kita na lang tayo mamaya."
"Okay. Bye, Kath."
__________
-Kathryn's POV-
"Kath! DJ!" Bati ni Tita Karla pagpasok namin sa bahay nila.
"Kamusta, Tita?" Bumeso ako at yumakap sa kanya.
"Mabuti naman ako hija. Ikaw, kamusta?"
"Okay na okay po ako, Tita."
Lumapit din si Tito Rommel. Tinapik nya si DJ sa balikat at tiningnan ako.
"Kath, mukhang mas gumanda ka kesa nung huli mong punta dito ah." Compliment nya sa akin at saka ako niyakap.
See? Ngayon alam nyo na san nagmana si DJ sa pambobola? It's in the genes.
"Hindi nyo na ho ako kailangang bolahin, Tito."
"Pa, wag nyo na syang bolahin ng sobra. Lalaki na ulo nyan." Sita ni DJ sa Papa nya.
"Tama na nga yan! Halika na kumain na tayo, sigurado akong gutom na kayo." Hinila na ko ni Tita Karla patungo sa dining area nila.
Narinig kong nagring ang cellphone ni DJ.
Nagexcuse sya para sagutin ang tawag at nakita kong lumayo sya sa amin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin na baka isa yun sa mga girlfriend nya at ipinagdasal ko na sana ay hindi naman nya kami takasan ngayong gabi para pumunta doon.
Matapos ang ilang minuto ay pumasok na sya sa dining area at umupo sa tabi ko.
"Si Jon yun." Bulong nya sa akin.
"Ano daw kailangan nya?"
"Kailangan nya daw ng kasama. Kaya inimbitahan ko syang sumama sa tin dito at dito na magdinner." Paliwanag ni DJ. "Ma, I hope you don't mind, inimbitahan kong magdinner dito si Jon."
"Ayos lang yan, Nak. Sa dami ng hinanda ng Mama mo, kaya magpakain ng isang battalion." Biro ni Tito Rommel.
"Oo nga, Pa. Anyway, sinabi ko naman sa kanyang mauuna na tayong kumain at humabol na lang sya. Mga 10 minutes daw andito na sya." Sabi ni DJ.
"Oh sya kumain na tayo at ipinagluto ko kayo ng mga paborito nyo." Iniabot ni Tita Karla sa amin ang iba't ibang putahe.
"Namiss ko to, Ma. Namiss ko ang luto mo." Sabi ni DJ sa Mama nya.
"Kung namiss mo, bakit ang dalang mong bumisita dito?" Tanong ni Tita Karla. Boom!
"Wag ka mag-alala, Ma. Dadalaw na ko ng mas madalas." Paglalambing ni DJ.
"Promises. Promises. Puro ka promise. Buti pa sa mga babae mo may oras ka, sa sarili mong ina, wala." Nagtatampong litanya ni Tita Karla. Nakita kong napayuko si DJ sa pagkapahiya. At ako? Well, naeenjoy ko ang buong drama.
"Promise ko nga sayo yun, Ma." Tumayo si DJ at lumapit sa Mama nya. Niyakap nya ito at kiniss sa cheeks.
"O sige, maniniwala na ko sa yo. Pero siguraduhin mong tutuparin mo yang promise mo ha?"
"I love you, Ma." Masayang sambit ni DJ at hinalikan uli ang Mama nya sa pisngi.
"At ikaw rin Kathryn. Dapat dalasan mo rin ang pagdalaw dito." Nagulat naman ako na nadamay ako sa usapan nila. Napatango na lamang ako.
Bumalik na si DJ sa tabi ko at dumila pa.
"Akala mo makakaligtas ka noh?" Natatawang sabi ni DJ sa tabi ko. Kaya hinampas ko sya sa tyan.
"Ma!!! Sinaktan ako ni Kath!!!" Sigaw nya na parang bata.
"Mga bata tama na yan. Kumain na kayo." Saway ni Tito Rommel.
Mga 10 minutes ang nakalipas ay dumating na nga si Jon.
"Good evening everybody!" Masiglang bati nito at saka bumeso kay Tita at sumaludo kay Tito.
"Maupo ka na, Jon. Kumuha ka na ng pagkain mo." Anyaya ni Tita Karla.
"Wow! Ano pong okasyon, Tita? Ang dami nyo atang hinanda." Pansin ni Jon sa mga pagkain sa mesa.
"Wala naman. Dahil minsan lang umuwi dito yang kaibigan mo kaya pinaghanda ko ng mga paborito nya." Paliwanag ni Tita Karla.
"Jon, nasan si Ingrid?" Tanong ko. Napansin kong gusto na ni DJ na ibahin ang usapan kanina pa kasi sya ang bida.
"Nasa Davao for work." Sagot ni Jon habang busy sa pagnguya.
"Ahh kaya pala naghahanap ka ng kasama ngayon? Nalulungkot ka noh?" Asar ni DJ sa kanya.
"Parang ganun na nga." Diretsong sagot ni Jon na walang pakialam sa pangaasar nitong bestfriend ko.
"Kamusta na ba kayo ni Ingrid? Makakarinig na ba kami ng wedding bells soon? Balita ko ikakasal na daw sina Dominic at Michelle." Tanong ni Tito Rommel kay Jon.
"Okay naman po kami, Tito. Pero hindi pa naming napaguusapan ang kasal."
"At least ikaw may steady na girlfriend. Di tulad ng IBA DYAN." Singit ni Tita Karla na halatang pinaparinggan si DJ.
"Ako na naman?" Naiinis na tanong ni DJ.
"Eh kelan ka ba kasi magdadala ng babae dito at ipapakilala mong girlfriend mo?" Tanong pabalik ni Tita Karla.
"Ma... pwede ba wag na natin pagusapan. Promise ko sayo dadating tayo dyan. Wag nyoko madaliin."
Alam kong ayaw ni DJ ng ganitong topic. Pero kita ko rin sa mga magulang nya na gusto na ng mga ito na magsettle down na ang anak nya at magkaroon ng sariling pamilya.
"Naku paki damihan ho ang pasensya nyo sa paghihintay sa panahon na yun." Ganti na pang-aasar ni Jon.
Tiningnan ng masama ni DJ ang kaibigan para manahimik pero mukhang walang balak sumunod si Jon.
"Kung titingnan, Tita, hindi ho ba bagay itong sina DJ at Kath? They'll make a lovely pair." Pagpapatuloy na pang-aasar ni Jon.
Nabilaukan ako nang marinig ko ang pangalan ko. Pasalamat itong si Jon dahil may respeto ako sa magulang ni DJ kung hindi kanina ko pa sya sinakal.
"Oy Jon. Bakit ako nadamay dyan?" Depensa ko.
"Sa totoo lang, Kath, tama naman si Jon. Bagay kayo ni DJ. Alam kong magbestfriend kayong dalawa, pero naisip ko lang...hindi mo ba gusto ang anak ko?" Tanong sa akin ni Tita na hindi ko alam kung magsasabi ba ko ng totoo o ngingiti na lang ako kesa magsinungaling.
At syempre pinili kong ngumiti na lang.
Nakita kong tumingin sa akin si DJ at parang naghihintay ng sagot ko.
"Tama naman tong si 'Ling at si Jon, Kath. Hindi ko alam kung ano ang gusto nitong si DJ sa isang babae, pero kung mas bata ako at mga kasing edad mo, hindi na ko magaaksaya ng panahon maghanap pa ng iba at liligawan na kita. Hindi ba't ganun din ang gagawin mo, Jon kung wala si Ingrid sa buhay mo?" Sabi naman ni Tito Rommel.
"Oo naman, Tito. Sigurado naman akong hindi magagalit sa kin si DJ kapag niligawan ko itong si Kath. Diba, bro? Best friends lang naman kayo diba?" Sagot naman ni Jon na halatang inaasar si DJ.
"Kung okay lang kay Kath... walang problema sa kin." Sabi ni DJ ng mahina.
Hindi ako makalingon kay DJ at nang tingnan ko naman si Jon ay nakangisi ito sa akin.
"Okay lang ba, Kath? I mean, hypothetically speaking... magugustuhan mo ba ko?" Halatang halatang nang-aasar lang talaga tong si Jon.
"Sa totoo lang, brad. Feeling ko hindi ka nya type." Singit ni DJ sa usapan.
Sasagot na sana ako pero naunahan ako ni DJ. Actually, yun din sana sasabihin ko.
Tiningnan ako ni Jon at parang hinihintay na magsalita ako.
"Hindi kita type, sorry." Sabi ko sa kanya.
"Ouch! Sakit naman nun." Pag-iinarte ni Jon.
"Sabi ko sayo eh." Pang-aasar pa ni DJ.
"Wag nyo na nga kong idamay dyan." Pagsaway ko sa kanila.
"Narinig nyo yun, boys? Tama na yang asaran." Buti naman at sinuportahan ako ni Tito Rommel.
"Bago natin tapusin tong topic na to, pwede bang may isa na lang akong gustong sabihin?" Request naman ni Tita.
"Sige, Ling. Ano ba yun?" Tanong ni Tito Rommel.
"Kath, just in case na mag-26 na si DJ at ikaw naman ay 25, at single pa rin kayo pareho... Sana iconsider mong pakasalan ang anak ko. I hope na mabigyan nyo ko ng apo habang kaya ko pang makipaglaro sa kanila." Pakiusap ni Tita Karla.
Hala! Anyare? Nabigla ako sa pakiusap nya. Alam kong namumula na ang mukha ko habang naiimagine kong nakasuot ako ng wedding gown at naglalakad sa simbahan para pakasalan si DJ. My dream guy.
"Ako? Papakasalan ko si DJ?" Tanong ko utak ko na di ko namalayang nasabi ko pala.
"Anong mali sa pagpapakasal sa kin? Alam kong maraming babaeng nagkakadarapang pakasalan ako." Sabi ni DJ na parang kinakabahan sa sagot ko sa tanong nya.
Tiningnan ko si Jon.
"Nagbblush ka." Bulong nya.
"Bakit ko naman papakasalan ang isang taong tulo laway sa unan?" Tanong ko pabalik kay DJ para pagtakpan ang pagbblush ko. Pero sa totoo lang, wala naman akong pakialam kahit tulo laway pa sya. Kahit ngayon na ang kasal, game ako!
"Ah ganon? At sino naman ang gustong pakasalan ang isang babaeng parang lalaki kung humilik?" Sagot naman ni DJ habang tawa ng tawa sa tabi ko.
"Ha? Humihilik ka?" Gulat na tanong ni Jon sa akin.
Tiningnan ko ng masama si DJ.
"Gusto mo marinig, Brad? Nirecord ko sa phone ko." Tumatawang nilabas ni DJ ang cellphone nya.
"Hindi mo paparinig sa kanya yun!" Sigaw ko sabay agaw sa phone nya.
"Oy parinig ako!" Pagmamakaawa ni Jon at nakikiagaw sa cellphone ni DJ.
"No!" Sigaw ko.
"Mga bata. Umayos kayo. Nasa harapan kayo ng pagkain oh. Magbehave muna kayo." Saway sa amin ni Tito Rommel.
At dahil doon ay tumigil na sa pag-agaw ng phone si Jon. Para makasiguradong di nila makuha iyon ay nilagay ko sa gitna ng hita ko. Alam kong nakita ni DJ ang ginawa ko pero wala akong pakialam.
__________
-Daniel's POV-
Pagkatapos magdinner ay nagpunta na sina Mama at Papa sa kwarto nila para matulog. Buti naman at kanina pa ko nasa hot seat dahil sa kanila.
Medyo hindi ko kinaya ang mga usapan kaninang dinner. Kahit pa ineexpect ko ang ganung topic galing sa mga magulang ko, hindi ko pa rin alam ang isasagot ko.
Simula kasi nang nagkaroon ng mga steady na girlfriend ang mga kaibigan ko, lagi nang nagrerequest si Mama na makigaya ako.
And tonight is not an exception. Pero may addition.
Alam ko namang gustong gusto nila Mama si Kath. Lagi nilang sinasabi na parang sya ang anak na babae na wala sila pero hindi ko naman alam na ganun nila ito kagusto. Na gusto nilang maging asawa ko.
They like her for me.
I like her for me.
Nadamay pa tuloy sya sa pag-hotseat nila sa kin. Alam kong sobrang uncomfortable sya sa nangyari kanina. Ni hindi nga sya makatingin ng diretso sa akin.
Sabi ni Mama sa kanya na pakasalan ako pag 26 na ako at wala pa rin kaming karelasyon. Sa totoo lang, I doubt na may karelasyon na ko that thime.
I'm turning 24. Meron pa kong 2 years.
So kailangan ko lang palipasin ang 2 years at pwede na nya kong pakasalan.
Alam kong mukhang tanga akong nakangisi kanina habang kumakain habang naiimagine kong inaalok ako ni Kath ng kasal.
Habang nakaluhod.
Mukhang tanga diba? Ako dapat ang nakaluhod at nagaalok ng kasal.
Pero pano kung sa loob ng dalawang taon ay makahanap sya ng boyfriend at magpakasal?
Nagsimula na kong magpanic.
"Hindi pwedeng mangyari yun!"
Narealize ko ang lahat ng pwedeng mangyari sa loob ng 2 taon.
Pano kung makahanap ako ng iba at magpakasal?
Magiging pareho pa rin kaya ang samahan naming ni Kath? Habang iniisip ko lalong ayoko na lang magisip.
Alam kong mawawala sa akin ang best girl kapag nagpakasal ako sa iba. Dapat meron akong gawin.
I need to be on guard.
Kailangan ko nang magtayo ng bakod sa paligid nya para wala syang makilalang iba at lalong walang makarelasyon sa loob ng susunod na dalawang taon.
Habang tinitingnan ko sya ngayon, alam kong mawawalan ng kwenta ang buhay ko kung wala sya.
Dahil doon ay naipangako ko sa sarili ko that I will keep her for life.
"Tutunganga na lang ba tayo dito magdamag?" Reklamo ni Jon.
"Wala kaming planong lumabas ngayon." Sagot ko sa kanya hoping na isipin nyang wala kaming kwentang kasama ni Kath at magdesisyon na syang umuwi na lang.
Ayoko namang maging rude pero kanina pa ko naiirita dito kay Jon.
"Eh kung maglaro kaya tayo ng poker?" Yaya ni Kath kay Jon.
"Poker?" Parang napaisip si Jon.
Alam kong hindi talaga magaling si Jon sa card games. Based on experience, wala syang swerte dito.
"Sige na nga." Nagulat ako sa sagot ni Jon.
"Sigurado ka ba?" Tanong ko sa kanya baka sakaling marealize nya na wala syang panalo dito at magback out na lang.
"Oo. Malay mo manalo ako ng isang game." Sagot naman nya.
Siguro iniisip nyang hindi naman mas magaling si Kath sa kanya sa poker. Pero baka mashock na lang sya mamaya.
Naglaro kami sa kama ko.
Clueless si Jon kung gaano kaswerte tong si Kath sa poker kaya siguro agad syang pumayag na maglaro nang may pustahang pera.
Pagkatapos ng 6 games, alternately kaming nanalo ni Jon. Nakikita ko nang nagbubuild up ang confidence ni Jon. Pero alam kong pinapanalo lang kami ni Kath. Para maramdaman naman naming kung pano ang manalo.
At tama nga ako!
Ngayon nasa 14th set na kami at tig 3 panalo pa rin kami ni Jon. Puro si Kath na ang nanalo simula sa 7th set hanggang ngayon.
At nanalo na naman sya...
Naffrustrate na si Jon.
"Isa pang game?" Tanong ni Kath.
"Deal!" Sabi ni Jon habang nilalabas last na pera nya sa wallet.
"Sure ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Alam mong mangyayari to noh, DJ?" Nakatitig na tanong nya.
"Ang alin?" Kunwari ay maang-maangan ako.
"Na poker queen si Kath!"
"Sinubukan kitang balaan kanina." Natatawa kong sagot.
"Sigurado ka bang hindi ka nandadaya?" Tanong ni Jon si Kath.
"Kaya ba kanina ka pa nakatitig sa kin? Kala ko pa naman you're checking me out." Nang-aasar na sagot sa kanya ni Kath.
At napahagalpak ako ng tawa. She never fails to amaze me.
Obviously, si Kath na naman ang nanalo.
"Wala na kong pera!" Reklamo ni Jon habang inilipag ang wallet nya.
"Tumatanggap din naman ako ng cheke." Pang-aasar na naman ni Kath.
"Sigurado ka bang hindi mo talaga kami dinadaya?" Tanong ulit ni Jon.
"Binabantayan mo ko the whole time, pano ko makakapandaya?" Sagot ni Kath.
"Fine. Ano kaya kung lagyan natin ng twist 'tong game?" Suggestion ni Jon.
Pagkarinig ko nun ay bahagya akong napangiti. Alam ko na ang iniisip nya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Kath.
"Strip Poker!" Sabay naming sigaw ni Jon.
Isa ang Strip Poker sa mga tactics naming dati para makascore sa mga chicks. Kahit pa halos hubad na si Jon bago pa man naming itigil ang laro, wala naman syang pakialam dahil ako na ang bahalang ipanalo ang ibang laro para mapaghubad naman ang mga girls.
I don't mind winning back then dahil natutuwa naman akong makitang naghuhubad ang mga babae sa harapan ko. Nice and slow. Gaya ng gusto ko.
With that in mind, napabalik ako sa realidad. Paano kung Manalo kami ni Jon? Eh di maghuhubad si Kath?
I suddenly felt torn.
Okay namang makita si Kath na almost naked. Napipicture ko na nga iyon sa mga oras na ito. Pero ibig sabihin noon ay makikita rin sya ni Jon.
"Sige." Confident na sagot ni Kath na parang inaassure ako na walang makikita si Jon na bagay na di ko pa nakikita.
"Ako muna magddeal ng first set, okay? And part ng rules na di kasama ang alahas or any accessories sa game." Explain ni Jon.
Hala! Kahit pang confident naman ako na magmumukha pa rin disente si Kath after this, I can't stop myself from checking her out. Nagbilang ako. 4 na talo lang and she'll end up naked.
Sa pangatlong game, natalo si Kath. Nakita kong huminga sya ng malalim at nag-isip. Tapos bigla syang tumayo.
"Pwede bang tumalikod kayo?" Request nya sa amin.
At sa utak ko sabi ko, one down, 3 to go.
Una nyang tinanggal ang denim skirt nya.
Matapos ang ilang laro, nalilito na ko kung dapat ba ko magwish na makakuha ng magandang card para manalo o mas gugustuhin ko ba dapat na matalo? This is so effing hard.
Habang tinitingnan ko ang legs ni Kath ay parang nagkakagulo ang manly needs ko. At sigurado akong ganun din ang epekto nito kay Jon. Nakikita ko syang nadidistract at sumusulyap sa legs ng bestfriend ko. Nagkunwari akong umubo para makuha ang attention nya.
Naka-boxers na lang kami ni Jon at natalo uli si Kath. Tinanggal nya ang bra nya kaya naka tshirt at underwear na lang sya.
"Jon, paki abot nga yung isang unan sa likod mo." Utos ni Kath para ipangtakip sa sarili nya.
Pero imbes na ibigay ni Jon ang malaking unan, binigyan nya ito ng maliit na throw pillow.
"Yung mas malaki!" Nagbblush n autos uli ni Kath.
"Maliit ka naman. Okay na yan." Pang-aasar ni Jon.
Kaya ako na mismo ang kumuha ng malaking unan para takpan ang gusto nyang takpan. Nang inabot nya iyon mula sa akin ay nakita ko na kung bakit kailangan nya ng mas malaking unan. Her nipples are beginning to show through her shirt.
"Thanks." Sabi ni Kath na nag-iiwas ng tingin sa akin.
Natakot ako na baka nakita nya kong nakatingin sa dibdib nya.
"Guys, sa tingin ko we've played enough tonight." Napagdesisyunan kong itigil na ang laro for my sanity and Kath's security.
"Ano?" Reklamo ni Jon na nagtataka sa ginawa ko.
"Narinig mo ko, brad. Tama na muna ang mga card games ngayong gabi." Ulit ko.
"Pero feeling ko mananalo pa ko ng isang laro o di kaya dalawa." Pilyong sabi ni Jon.
Dalawang panalo pa ay magiging hubad na si Kath.
"No!" Seryosong sabi ko.
"Para namang mananalo ka." Narinig kong kantiyaw ni Kath kay Jon.
"Malay mo, you'll end up naked sa harap namin." Kantiyaw pabalik ni Jon.
"Napaka-pervert mo!" Pinaghahampas ni Kath si Jon ng unan.
"Aray! Tama na! DJ! Patigilin mo sya." Sigaw ni Jon habang paulit ulit syang pinapalo ng unan.
"Dapat lang sayo yan! Maniac mo kasi" Tinawanan ko lang sya.
"Kung magsalita ka naman! Nakita kitang tinitingnan din sya kanina!" Dinamay pa ko ni Jon.
"Isusumbong ko kay Ingrid kung gaano ka kabastos." Sabi ni Kath at hinampas ng isa pang beses si Jon.
"At ikaw... Pareho lang kayo! Mga pervert!" Duro sa akin ni Kath tapos ay pumasok sa loob ng walk-in closet ko habang tinatakpan pa rin ang sarili nya ng unan.
Nang bumalik si Kath, nakita kong suot na nya ang isa sa mga tshirt ko.
"Magssleep over ka?" Tanong sa kanya ni Jon.
Tumango naman sya.
"Oo kasi tinatamad na kong magdrive at late na rin. Kung gusto mo dito ka na rin matulog." Singit ko sa usapan.
"Yehey!" At parang batang tumalon si Jon at pumwesto na sa kama.
Sa susunod na isang oras ay nagkwentuhan lang kami at maya't maya pa ay nakatulog na ang dalawang kasama ko.
Buti naman at nakatulog na sila. Pwede ko nang panooring matulog si Kath.
Pero naistorbo ako nang Makita kong gumalaw si Jon.
Lumapit sya kay Kath at isinisik nya ang ulo nya sa leeg nito tapos niyakap nya.
"Jon!" Bulong ko habang pilit syang ginigising. Tinitingnan ko kasi kung pumaparaan lang to para maka-chansing kay Kath.
Pero di sya gumalaw.
Kaya't pinitik ko ang ilong nya.
Wala pa ring reaction.
Kaya I did the next best thing.
"Kath? Kath..." Ginigising ko sya.
Dahan dahang nagmulat ng mata si Kath at nagulat na nakayakap sa kanya si Jon.
Nagets naman nya ang gusto kong mangyari nang magkatitigan kami kaya't nagpalit kami ng puwesto. Ako sa gitna nilang dalawa.
Finally!Nang makatulog na uli si Kath ay tinitigan ko sya.
She looked so sweet.
Nakita ko ang mapula nyang labi. It looked inviting lalo na sa anggulo ng mukha nya.
Kagabi, muntik na kong mawalan ng control. Muntik ko na syang halikan. At iyon din ang nararamdaman ko sa mga oras na ito.
Pero hindi pwede. Kailangan kong pigilan ang sarili ko.
Kailangan ko na lang maghintay ng 2 years.
Excited na ako!
Kaya hinalikan ko na lang sya sa noo.
"Good night, Kath." Bulong ko at natulog ng may ngiti sa aking mga labi.
__________
Author's Note: Malapit na ang katapusan ng tagtuyot. Hihihi.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.