-Daniel's POV-
Sa wakas ay Christmas Eve na.
At gaya ng nakasanayan na, nagkakaroon kami ng dinner kasama ang barkada. Ngayong taon ay sa bahay kami nila Ingrid.
"Shit!" Sigaw ko. Late na naman ako.
Pag-pasok ko sa loob ng bahay nila Ingrid ay naririnig ko na ang boses ng mga kaibigan ko.
"Merry Christmas!" Bati ko agad sa kanila pagkapasok ko sala.
"Late ka na naman, DJ!" Sermon ni Michelle.
"Sorry. Traffic kasi.
"Dapat maaga kang umalis, alam mo namang laging traffic pag ganitong araw." Naiinis na sabi pa din ni Michelle.
"Babe, wag mo ng sermunan si DJ. Paskong pasko eh." Suporta sa kin ni Dom.
"Eto oh. Inom ka muna. Dinner will be ready in 10 minutes." Inabutan ako ng brandy ni Ingrid.
"Thank you. Nasan sina Kath and Chie?" Tanong ko kay Ingrid.
"Nasa taas may inaayos pero pababa na rin yun."
"Ah okay."
Pagkatapos ng ilang minuto...
"DJ! Andito ka na rin sa wakas!" Bati ni Kath sa kin habang pababa sya ng hagdan na may dala dalang mga regalo.
Tumayo ako para lumapit sa kanya.
"Kailangan mo ba ng tulong magbuhat nyan?" Offer ko sa kanya.
"Sige. Bakit ngayon ka lang?"
"Di naman importante bakit ako late, 10 minutes lang naman."
"Siguro may kasama na naman yang babae bago pumunta dito." Narinig kong sabi ni Alex.
"Wala kaya!"
"Whatever. Dahil andito na tayong lahat, tara na kain na tayo?" Singit ni Michelle.
"Good idea. Gutom na ko." Sabi ni Dominic at naglakad na papunta sa dining room.
At napansin kong lahat sila ay papunta na sa dining room bukod sa ming dalawa ni Kath. Naiwan kami kasi nilagay pa nya yung mga regalo nya sa Christmas Tree.
"So, alin dito ang akin?" Tanong ko sa kanya habang chinicheck ko ang mga tags sa mga regalo.
"Mamaya na, okay?" Sita nya sa kin sabay hampas sa kamay ko.
"Aray! Ang sakit nun ha? As if naman bubuksan ko na agad. Gusto ko lang namang malaman."
"Maghintay ka nga kasi mamaya." At nagsimula na din syang maglakad papunta sa dining room.
"Fine!" Sumunod na lang ako sa kanya.
Pero nang malapit na sya sa may border ng sala at dining area, agad akong naglakad sa tabi nya at hinawakan ang braso nya.
"Ano na naman?" Naiinis na tanong niya.
"Uhmm... Diba Christmas tradition ang magkiss under the mistletoe?" Bulong ko sa kanya sabay turo mistletoe sa taas ng ulo naming.
Hindi ko na sya hinintay na sumagot, hinila ko na sya papalapit sa kin.
Nilagay nya ang kamay nya sa dibdib ko.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.