Chapter 7: The Great Threat

7.6K 200 29
                                    

-Kathryn's POV-

Hindi kami matapos tapos ng mga girls sa pagchichismisan tungkol sa encounter namin with James Reid kanina sa grocery.

"Gosh! Swerte mo, Kath. Feeling ko may crush sya sayo." Kinikilig na sabi ni Michelle.

"Ano ka ba naman, Michelle. Crush agad?" Pigil ko sa kilig ko everytime maiisip ko ang posibilidad na isang kagaya ni James ay magkakacrush sa akin.

"Nakita kaya namin kung pano ka nya titigan kanina." Pagsupporta pa nitong si Ingrid.

"OA kayong dalawa." Saway ko sa kanila.

"Kung wala syang interest sayo, bakit nya inask yung number mo?" Pag-point out ni Michelle.

At wala akong maisagot doon.

"Oo nga. Buti na lang naibigay naming yung number mo. Masyado kang tulaley sa kanya kanina di ka makapagsalita." Sabi ni Ingrid.

"Eh kasi..." Naghahanap ako ng palusot.

"Eh kasi ano?" Tanong ni Michelle.

"Shy lang ako. Yun lang yun." Shy? Alam ko namang tama silang dalawa na tulala talaga ko kanina.

Nakita kong umiling sila at halatang di naniwala sa sinabi ko.

"Pustahan tayo mamaya lang tatawag nay un sayo." Sabi pa ni Michelle.

"At dapat ready tayo pag tumawag sya." Sabi naman ni Ingrid.

"Bahala nga kayo dyan!" Pag-iwas ko sa usapan habang pinapark ang kotse papasok sa beach house ni DJ.

__________

-Daniel's POV-

"Andito na sila!" Pag-announce ni Jon sa pagdating ng mga girls. Nagmadali kaming lumabas para salubungin sila.

"Bakit ang tagal nyo? Gutom na kami." Inis na sabi ni Dominic.

"Ang hirap kaya magisip ng pagkain na bagay sa maarte nyong tyan." Irap ni Michelle sa fiancé nya.

Si Ingrid naman ay dumiretso kay Jon at hinalikan ito sa cheeks.

"Buti naman at andito na kayong lahat." Masayang sabi ni Kath.

"Not everybody. Wala dito si Chie." Nakapout na reklamo ni Alex.

"Ay oo nga. Sorry, Alex." Agad na nilapitan ni Kath si Alex at niyakap.

"Kelan ba sya babalik?" Tanong ko.

"Sa Tuesday pa." Malungkot na sagot ni Alex.

"Pagtiisan mo na muna kaming kasama." Biro ko sa kanya. "Girls, ano bang binili nyong food?"

"Naisip naming may mabubuti kayong puso para magbarbecue for us para may makain tayo sa lunch." Sagot ni Michelle.

"Ano? Ang tagal lutuin nun. Gutom na ko." Reklamo ni Dom.

"Konting tiis lang naman. Bumili naman kami ng makakain habang nagluluto kayo." Pag-papaamo ni Michelle sa kanya.

Parang batang nagdabog si Dom pero alam naman nyang wala syang choice.

"Sige na magsimula na kayong magluto, kami na magaayos ng ibang pinamili namin." Sabi naman ni Ingrid.

Nagsisimula na silang ayusin ang mga pagkain nang may marinig akong tumutunog na cellphone. Kay Kath pala yun.

*Sino naman kaya ang tumatawag sa kanya?* Tanong ko sa utak ko.

Nakita kong biglang nagkumpulan sina Ingrid at Michelle sa paligid ni Kath na parang sobrang excited.

"OMG. Sya na yan, Kath! Go answer it na." Pilit sa kanya ni Michelle.

Sya? Sino sya? Lumapit ako sa kanila para malaman ko kung sino.

"Hello?" Sagot ni Kath.

Nakita kong pinapatahimik nya sina Ingrid at Michelle na nagtitili sa excitement.

I did the next best thing, hinila ko si Ingrid palayo sa kanila.

"Sino tumawag sa kanya?" Tanong ko.

Napansin kong nasa tabi na namin sina Dom, Jon, and Alex at naghihintay din ng sagot ni Ingrid.

"Hindi kayo maniniwala pero nameet naming kanina si James Reid sa grocery store." Excited na sagot ni Ingrid.

"James who?" Tanong ko. Wala akong idea kung sino sya.

"Sino uli?" Narinig ko ring tanong ni Dom.

"James Reid." Ulit ni Ingrid.

"Who the hell is he?" Tanong ko uli.

"Artista yun." Sagot naman ni Alex.

"Kilala mo sya?" Tanong ko kay Alex.

"I've heard of him. Nababasa ko sya sa mga entertainment magazines." Simpleng sagot naman nya.

"Okay fine. Pero bakit sya tumatawag kay Kath?" Hindi ko napigilang itanong.

"Hiningi nya yung number ni Kath kanina."

"At binigay nya naman?" Agad agad? Kath naman!

"Hindi. Ako nagbigay ng number ni Kath kay James." Pag-explain ni Ingrid.

"BAKIT?" Ay medyo napalakas pala yung boses ko.

"Feeling ko kasi may gusto sya kay Kath. Dapat nakita mo kung pano sya nakatitig sa kanya kanina. Sinabi pa nga nya na maganda daw si Kath. Alam ko namang maganda talaga si Kath, pero I mean galing yun kay James Reid kaya sobrang bongga nun." Mabilis na sabi ni Ingrid na parang sobrang saya pa.

Napalingon ako kay Kath.

"Tanungin mo kung gusto nyang maglunch dito." Narinig kong suggestion ni Michelle kay Kath.

Medyo naghesitate si Kath pero dahil mapilit si Michelle ay ginawa na rin nya.

"Tinatanong ni Michelle if gusto mo daw maglunch kasama namin. Nagbabarbecue kasi kami." Sabi ni Kath sa kausap.

Matapos ang ilang segundo ay nakita kong nag-thumbs up si Kath kay Michelle.

__________

-Kathryn's POV-

"Ingrid! Pupunta sya dito." Masiglang sabi ni Michelle.

"Hoy. Bakit naman excited ka dyan?" Naiinis na tanong ni Dom.

"Eh kasi ininvite namin si James dito for lunch. I hope you guys don't mind." Nakasmile pa ring sabi ni Michelle.

"Ah yung artista." Sabi ni Dom.

"Yes!" Kinikilig na sagot ni Michelle.

"Tigilan mo nga pag-arte ng ganyan!" Naiinis na si Dom.

"Sorry. Di ko mapigilan." Nagpeace sign pa si Michelle.

"Kath! Magkwento ka. Anong sabi nya?" Tanong ni Ingrid.

"Nalaman ko na dyan lang sya sa kabilang bahay nakatira." Kwento ko sa kanila.

"Wow talaga?" Kinikilig na rin si Ingrid.

"Oo. Nakita daw nya yung kotse ko na dumaan kaya sya napatawag. Tapos punta daw sya dito after an hour."

"Ang swerte mo Kath. Bongga kaya ni James." Narinig kong sabi ni Michelle.

Pinipigilan kong mapangiti. At the corner of my eye, nakita ko si DJ na nakikinig sa usapan namin at nakasimangot.

"Ininvite mo pala sya?" Tanong nya.

"Yup. I hope you don't mind."

"Of course he doesn't. Why would he?" Si Alex ang sumagot para kay DJ.

"Mabuti kung ganun. Sige magffreshen up lang ako." Paalam ko sa kanila at dumiretso na sa kwarto ko.

__________

-Daniel's POV-

After an hour, halos tapos na kaming magbarbecue at kakain na kami nang marinig ko na namang nagring ang phone ni Kath.

Hindi ko na kailangan pang tanungin kung sino yun dahil siguradong akong yung James na naman yun.

"Andito na sya!" Narinig kong sabi ni Kath. "Ingrid, Michelle. Tara sunduin natin sya sa labas."

Maya maya pa ay bumalik na ang girls na may kasamang lalaking naka casual pants at plain white shirt.

"I brought something for dessert. Cake lang naman." The James guy said.

"Hindi ka na dapat nag-abala. Pero salamat." Nakangiting sabi ni Michelle.

So eto pala yung James.

"Guys, si James nga pala." Pagpapakilala ni Kath. "James, si Dominic, fiancé ni Michelle. Si Jon, boyfriend ni Ingrid. Si Alex and ito naman si DJ, bestfriend ko."

Nakipagkamay sa kanya yung tatlo kong kaibigan at ako? Tinanguan ko lang sya. Suplado ako sa personal.

"Pwede na ba tayong kumain?" Singit ni Dom.

"Oo sige. Tara na." Sabi ni Michelle.

Naupo na kaming lahat sa lamesa. Naupo yung pesteng James na yun sa gitna namin Kath. Nakakainis talaga!

"Sana magustuhan mo yung food." Narinig kong bulong ni Kath sa kanya.

"Sigurado akong I will like it. Thanks sa pag-invite pala." Sabi nung James na yun at hinawakan ang kamay ni Kath na nakapatong sa table.

Hoy! Nakita ko yun. Parang sasabog puso ko sa galit.

"Kath, paabot nga ako ng toyo." Alam kong nagulat si Kath sa kin pero kailangan kong makuha ang pansin nya.

"Eto oh." Sabay abot sa kin ng toyo. Aanhin ko nga to ulit?

"Thank you. Pati pala yung corn paabot din." Inabot naman nya ang plato na may corn.

"Ikaw yung artista diba?" Narinig kong tanong ni Alex dun sa James nay un.

"Yes ako nga yun." Simpleng sagot naman ni hayop.

"Eh anong ginagawa mo dito?" Di ko napigilang mahalata ang inis sa boses ko.

"Kabibili ko lang kasi ng bahay dito at naisip kong magpahinga from work kaya ako andito." Paliwanag naman nya.

"First time mo ba dito?" Tanong ni Michelle sa kanya.

"No. Ilang beses na rin pero dun ako nagsstay sa bahay ng manager ko noon dahil di ko pa nabibili yung bahay ko dito."

"Oh I see. Mag-isa ka lang ba?" Si Ingrid naman nagtanong.

"Oo and yung aso ko. Mabuti nga at nameet ko kayo kanina sa grocery kasi medyo nalulungkot na rin ako mag-isa."

"Siguradong marami sa mga fans mo ang nasa paligid at naghihintay na makita ka." Nagbblush na sabi ni Michelle.

"Yun nga ang iniiwasan ko. Kaya pasikreto talaga pag pumupunta ako dito."

"Sooner or later malalaman din nila kung saan ang hide out mo." Sabi naman sa kanya ni Kath.

"Maybe...but I hope not." Sabi ni James at ngumiti.

Mukha namang mabait na tao si James Reid. Pero hindi ko maiwasang mainis pag nakikita ko sya. Hindi ako makapaniwalang kinikilig sina Michelle, Ingrid, at Kath dahil sa kanya. Hello? Sinong may kailangan sa kanya? Nandito naman kami ng barkada ko. Kung looks lang din, mas gwapo ako sa kanya.

Buti na lang mabilis ding natapos ang lunch. Sa sobrang saya ko na tapos na kaming kumain, ako pa nagvolunteer na magligpit ng pinagkainan. Akala ko aalis na yung James na yun pagkatapos makikain, pero mali pala ko. Nag-offer pa si Kath sa kanya ng dessert. Ako din naman inofferan, pero wala na kong gana. Hindi nga rin ako nakakain ng maayos kaninang lunch. Busy kasi ko sa pag-oobserve sa James na yun.

Err. Cautious lang naman ako baka kasi kung anong gawin kay Kath.

Gusto ko lang naman syang protektahan.

"Anong tingin mo sa guy na yun?" Tanong sa kin ni Alex.

"Anong ibig mong sabihin?" Pabalang na sagot ko sa kanya.

"Alam mo ang ibig kong sabihin, bro. He's into your bestfriend. Tama sina Ingrid and Michelle, gusto nya si Kath."

"Masyado pang maaga para sabihin yan. At saka di pa natin sya masyadong kilala."

"Sign of protest ba yan?"

"Anong protest pinagsasabi mo dyan?"

"Ano ka ba, DJ. Hindi ako magugulat kung magliligawan na si Kath at si James by the end of this week."

"Ano naman ngayon?" Agad kong pinagtakpan ang panic na bigla kong nafeel.

"So you wouldn't mind?"

"Wala naman akong pakialam." Patuloy na pagsisinungaling ko. In reality, I really do mind. Paano kung saktan ng James na yun si Kath? O di kaya mag-fall si Kath sa kanya? Paano na ko? Anong mangyayari sa kin after 2 years?

"Are you sure?" Tanong uli ni Alex na halatang hindi convinced sa sagot ko.

"Bakit di ka maghanap ng ibang guguluhin mo? Pasok muna ko sa kwarto ko para magpahinga at magshower." Pag-iwas ko sa panggugulo niya.

"Sigurado ka bang gusto mong iwan si Kath at yung James na yun dito?" Pang-asar talaga mukha nito ni Alex.

"Bahala ka na dyan. Sigurado naman akong di mo papabayaang may mangyari habang wala ako."

__________

-Kathryn's POV-

Nag-eenjoy naman ako while kinikilala ko si James. Bukod sa ang daming pwedeng malaman tungkol sa kanya, narealize ko na isa lang syang simpleng tao na may complicated na buhay.

"So tell me more about you." Umupo si James sa tabi ko. Nasa may pool area kami ngayon.

"Wala naman masyadong interesting topic about me."

"I don't think so. I find you interesting." Nakatingin sya ngayon sa akin. Naiilang ako kapag tinitingnan nya ko parang kanina habang kumakain kami.

"Talaga? Ano bang gusto mong malaman tungkol sa kin?" Hindi ako makatingin sa kanya.

"Magtatanong ako ng ilang questions tapos sagutin mo na lang."

"Sige okay lang sa kin."

"Dahil alam ko na kung anong name mo and age, my first question is, anong work mo?" Natatawang tanong nya.

Medyo natawa din ako.

"Ang lame ng first question ko diba? Sagutin mo na lang muna tapos magiisip pa ko ng iba."

"Okay. Nagwwork ako sa advertising company. I'm an art coordinator."

"Next question...hmm... are you single? Attached? Married? Separated? Or in between relationships?" Tanong uli ni James.

"Personalan agad ha?"

"I hope you don't mind me asking that. Pero sana sagutin mo. It has something to do with my next question sana." Parang nagmamakaawa naman tong isang to.

Medyo nacurious tuloy ako sa next question nya.

"Single." Sagot ko.

"Okay...so for my next question..." Medyo tumitigil sya at nagbuntong hininga. "Will you go out with me on a date sometime soon?"

Nagulat ako sa tanong nya. Lumingon ako sa mga girls and I saw them mouthing something at me.

"Say yes." Kumindat pa si Michelle pagkasabi nyan.

"Go girl." Sabi naman ni Ingrid with an okay sign.

Binaling ko uli kay James ang attention ko dahil naghihintay sya sa sagot ko.

"How soon are we talking about?" What the hell! Bahala na nga. Wala namang mawawala. Might as well grab a chance to go on a date with James Reid.

"As soon as possible?" Nag-aalangang sagot nya. "How about magmeet tayo mamayang gabi sa may tabing dagat?"

"Agad agad?"

"Wag muna nating iconsider na date. Gusto lang kitang makita ulit."

"Okay."

"I'll see you around 9? Hihintayin kita." Nakangiting sabi nya bago tuluyang magpaalam sa akin.

Pagkaalis ni James ay lumapit na uli sa akin ang mga girls.

"Anong sabi nya?" Sabay na sabi ni Ingrid at Michelle.

"Niyaya nya kong makipagkita sa kanya mamayang gabi sa tabing dagat."

"Talaga? Oh my God! Ang swerto mo, girl." Excited na sabi ni Ingrid.

"Mukha naman syang mabait at gusto ka nya." Sabi sa akin ni Michelle.

At tuluyan na ngang nagtitili yung dalawa sa excitement.

"Anong kaguluhan to?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko. Si DJ.

__________

-Daniel's POV-

Pagkalabas ko ng bahay, hinanap ko ang James na yun. At natuwa akong di ko sya nakita. Buti naman at umuwi na sya bago ko pa sya palayasin ng tuluyan.

Nakita ko ang mga girls na parang kinikilig na ewan.

"Makikipagkita si Kath kay James mamaya." Balita sa akin ni Alex.

"What?!" Nakakainis naman.

"He asked her. She said yes."

"Diba sabi ko sayo ikaw muna bahala habang wala ako?"

"Wala namang nangyari."

"Walang nangyari?! Paanong makikipagkita uli sya dun mamaya kung walang nangyari?"

"Bakit ka ba ganyan umasta, DJ?" Singit ni Dom sa usapan.

"Dom, di mo ba napapansin? Natthreaten tong si DJ dun sa lalaking yun." Nang-aasar pa tong si Alex.

"Hindi yan totoo."

"Ah talaga? Nagseselos ka lang ganun?" Patuloy pa nya.

"Hindi kaya ako seloso."

Pero parang kahit anong pilit kong paniwalain sila sa sagot ko, kahit sarili ko hindi naniniwala.

"Alam mo anong problema mo pare?" Tanong ni Jon na umupo sa tabi ko.

"Ano?"

"Nilalabanan mo kung anong tunay mong nararamdaman."

"Tama si Jon, pare. Wag mong labanan kung anong nararamdaman mo. Malay mo diba?" Sabi naman ni Alex.

Inabutan ako ni Alex ng beer at naglakad sya palayo nang mag-ring ang cellphone nya.

Habang nagiisip ako at umiinom, naramdaman kong umupo sa tabi ko si Kath.

"Ang tahimik mo ata ngayon?" Bati nya.

"Ah talaga? Hindi ko napansin."

"Anong problema?"

"Wala namang problema. Bakit mo naisip na may problema?"

"Eh kasi nga gaya ng sabi ko, ang tahimik mo. Hindi ako sanay."

"Ayos lang naman. Wala lang ako sa mood maging madaldal. Wag mo na kong intindihin."

"Sige, sabi mo eh."

"Balita ko lalabas daw kayo nung James na yun." Hindi ko alam bakit ko pa tinatanong sa kanya ang tungkol sa date. Siguro gusto ko lang na magshare sa akin.

"Ahh oo. Magkikita kami mamaya. Hindi naman yun date."

"Sounds like a date to me." Bulong ko sabay inom ng beer.

"Anong sabi mo? Di ko narinig."

"Wala. Sabi ko enjoy kayo." Hindi na ko comfortable sa usapan naming ni Kath kaya tumayo na ko at naglakad palayo. "Maglalakad lakad muna ako."

"Gusto mo samahan kita?" Tumayo din sya.

Pero patuloy lang ako sa paglalakad at di ko sya pinansin.

As far as I know, kailangan kong magisip. Kailangan kong iassess ang relationship na meron ako with Kath.

Pero ano nga bang iassess ko? Magkaibigan lang naman kami.

__________

Author's Note: Galaw galaw at baka maagawa, ano ba yan, DJ! HAHA. Hope you guys like this update. Medyo sabaw. Will try to update one more chapter this week. Comments please!

Slam DunkWhere stories live. Discover now