Chapter 19: The Masked Lady

4.6K 173 26
                                    

-Kathryn's POV-

"Last night was great!" Paulit ulit ko yang naririnig sa utak ko. Ang paraan pa ng pagkakasabi ni DJ ay parang talagang sobrang great ng nangyari. Kakaiba din ang ngiti nya.

"Great?" Tanong ko sa sarili ko. Hindi ko pa rin naaalala ang mga nangyari. Gusto ko sanang tanungin sina Michelle kung anong nangyari o at least kung paano ako nakaalis sa bar pero busy sila lately.

"Yeah right. Sex was great pero hindi naman nagpapakita si DJ for two weeks!" Bulong ko.

Well, oo na. Nung first week pagkatapos mangyari yun ako talaga ang umiiwas na makita sya. Kailangan ko kasi ng oras para magi-isip, maalala ang lahat. Hoping nab aka may maalala ako kahit papaano.

Pero peste! Ganun ata talaga ka-mind blowing at pati utak ko sumabog. Parang pagsabog ng buong pagkatao ko nung lumabas si DJ ng nakahubad sa shower. Hindi pa rin nawawala ang picture na yun sa utak ko.

All in all, sad to say, isang ganun pa lang kasi ang nakikita ko... kay DJ pa lang. At hindi naman ako nadisappoint. Alam ko naman na gifted sya pag dating sa part na yun ng anatomy nya. But knowing is really different from seeing.

Anyway, eto ako ngayon sinusubsob ang sarili ko sa trabaho. Namimiss ko na si DJ. Alam ko namang kasalanan ko nung una na umiwas ako at di ko sinasagot ang mga tawag nya, pero ngayon wala na kong balita kung anong nangyayari at nasaan sya.

Friday ngayon. Gimik night ng barkada.

"Nasaan ka ba kasi DJ?" Nilabas ko ang cellphone ko at muntik na kong matempt na tawagan sya pero hindi pwede. Sya dapat ang maunang tumawag.

Sakto namang biglang nagring ang phone ko.

"Hello?" Pinilit kong maging energetic ang pagbati ko.

"Kath!"

"Oh bakit, Alex?"

"Wala naman, how are you?"

"Okay naman ako." Syempre pagsisinungaling ko. I'm not anywhere near okay.

"Buti naman. Check ko lang kung pupunta ka ba tonight?"

"Oo naman. Same time diba?"

"Yup."

"Alex, sino pa ang nagconfirm na pupunta?"

"Buong barkada."

"Pati si DJ?"

"Oo naman pati si DJ. Sya nga nagpapacheck ng attendance ng lahat. Siguraduhin ko daw na complete tayo later."

"Oh okay." Hindi na ko nagtanong pa. Siguro ay may award na naming natanggap sa business o naclose na deal si DJ kaya gustong magcelebrate.

Nag-ayos ako para sa gimik. Kahit simple lang ang make up at damit ko sinigurado ko namang maayos ang itsura ko.

Matapos ang isang oras ay pumasok na ako sa bar at naglakad papunta sa usual table naming.

"Kath!" Bati agad ni Alex.

"Ganda mo tonight ha?" Puri naman ni Chie.

"Thanks. May konting oras kanina eh." Nahihiyang sabi ko.

Nagsidatingan na din ang iba maliban kay DJ na lagi naman talagang late.

"Ayan na pala sya." Basag ni Alex sa pagkkwentuhan namin. Alam kong si DJ ang sinasabi nya kaya't lumingon ako agad.

Two weeks na ang nakalipas simula ng huli kaming magkita at parang lalo pa syang naging gwapo. Ipagpapatuloy ko pa sana ang paglalaway ko sa kagwapuhan nya nang mapansin kong meron syang kasama.

"Sorry, natagalan kami." Bungad ni DJ sa amin.

"So, it's really someone and not something that kept you from coming on time ha?" Pang-aasar ni Alex.

Tumawa na lang si DJ at sinimulan na ang introductions.

"Guys, si Liza nga pala." At saka ito bumaling sa kasama. "Honey, I'd like you to meet Alex and yung girlfriend nyang si Chie, tapos si Jon and girlfriend nya si Ingrid. Wala sina Michelle and Dom nasa bakasyon, next time na lang sila. And of course, this is Kath." Turo niya sa akin.

WTF? Tama ba ang rinig ko? HONEY?

"DJ has told me a lot about his friends here in Manila especially about you, Kath." Sabi ni Liza in her bonggang accent.

"Talaga? Nice things, I hope." I tried to sound nice.

"Oh yes." Nakangiting sagot ni Liza.

Hindi ko alam kung paano pa nagpatuloy ang gabi ko. Nag-ayos pa naman ako tapos ganito lang pala, 7th wheel ang peg ko. Well I guess walang magbabago, we're still friends.

Sya pa din si DJ at ako ay isa lang sa kanyang mga naka-one night stand.

"Nagmeet kami ni Liza sa HK last Saturday." Kwento ni DJ.

"Nasa HK ka nung Saturday?" Hindi ko napigilang magtanong.

"Yup. Sinusubukan kong tawagan ka pero di kita macontact."

At naalala kong pinatay ko nga pala ang phone ko buong weekend. Shunga shunga ko talaga!

"Anyway, ayun nga kumakain ako ng lunch nang lumapit sya at tinanong kung pwede syang makijoin." Masayang masayang kwento pa ni DJ. "The thing is, pakiramdam ko familiar sya so pumayag ako. May something sa kanya."

"Ano naman yung something?" Medyo mataray kong tanong.

"Noong una hindi ko din sure pero that same night kasi nagdinner kami at nafigure out ko na kung ano."

"Ano nga?" Nakakainis naman mambitin!

"Nagkiss kami. Mahabang goodnight kiss."

"Oh ano naman?" Ano bang gustong palabasin nito ni DJ.

"Di mob a nagets, Kath?"

"Obvious ba. Ang labo mo kaya magkwento."

"Naalala ko yung kiss. Nahanap ko na ang Masked Lady ko! Sya yun. Si Liza yun!" Excited na sabi pa nya.

Nabigla naman ako sa revelation nya.

"Sigurado ka?" Tanong naman ni Alex.

"Oo naman sure ako, Pare. Diba sabi ko naman sayo di ko makakalimutan ang kiss." Paliwanag ni DJ.

Yun na ang huli kong naalala. Lumutang na ang utak ko sa kung saan.

Paanong si Liza ang naging Masked Lady? Ako ang Masked Lady!

Gusto kong alugin ang utak ko, baka panaginip lang ang lahat ng ito.

Pero hindi, nasa realidad pa ako.

I'm losing DJ.

And with that thought, alam kong kailangan ko munang umalis sa lugar na iyon. Tutulo na ang luha ko any moment kapag di ako nakalayo.

"Guys, excuse lang, CR lang ako."

Hindi ko na kinaya. Imbes na magpuntang CR ay lumabas na ako. Nagtext na lang ako kay Chie para sabihing natapunan ng drinks ang damit ko at kailangan ko ng umuwi dahil doon.

Slam DunkWhere stories live. Discover now