Chapter 20: Coping Up

4.5K 194 45
                                    

-Kathryn's POV-

Sinadya kong magleave noong Monday after ng incident na pinakilala sa amin ni DJ si Liza.

"Liza..." Na kini-claim ni DJ na Masked Lady nya.

Pero hindi yun totoo. Hindi pwedeng sya ang Masked Lady. Ako ang Masked Lady. Alam nyo yan. Lahat ata alam na yun... Well, except DJ.

"Siguro dapat sinabi ko na sa kanya." Pero hindi ko na yun pwedeng aminin ngayon. Not after kong makita kung gaano sya kasaya nang sinabi nya sa aming nahanap na nya ang Masked Lady nya. Hindi ko naman pwedeng hayaang masira ang kaligayahan nya.

And for the nth time this week, umiiyak na naman ako.

Nararamdaman kong unti unti na syang nawawala sa akin. Hindi nga nya ko kinocontact for the past 5 days.

"Bakit nya naman kasi gagawin yun?" Tanong ko sa sarili ko.

Meron na syang Liza ngayon.

Jusko! Paano ko ba naman nakalimutan yun? Sigurado namang magkasama sila ngayon.

Tiningnan ko ang wall clock ko at nakita kong 2am na pala. At bigla kong naimagine na magkayakap si DJ at yung babaeng yun ngayon.

"HINDI PWEDE!" Napasigaw talaga ako. Nako kailangan kong kumalma at tanggapin na lang ang lahat ng ito.

Sana lang ay ganun na lang yun kadali. It's easier said than done.

Again, I cried myself to sleep gaya ng mga nakaraang araw.

Kinabukasan, naging abala ako sa mga gawaing bahay. Nagwalis ako, nag-mop, nag-laba at kung ano ano pa. Noong naglalaba nga ako, bigla kong naalala ang mga kalokohan namin ni DJ noon.

"Those were the days." Sabi ko sa sarili ko. It was good while' it lasted.

I doubt kung nagshare sina DJ at Liza ng ganung klaseng 'moments'.

"As if naman papayagan ni DJ na maglaba yun noh?" Sagot ng pasaway kong utak. Sabagay, kilala ko si DJ. Siguradong isspoil nya iyon.

Nasasaktan ako, pero gusto ko rin naman na sumaya sya at mukhang masaya naman sya sa piling ng babaeng yun.

"Oh Lord, tulungan nyo po ako." Dasal ko.

Kinabukasan ay tinawagan ako ni Ingrid. Niyaya nya akong magshopping na kasama nya. Noong una ay ayoko pa sana pero naisip kong baka makabuti sa akin iyon. At least mawawala sa isip ko saglit si DJ.

Kailangan kong bumili ng bagong shoes.

Nauna akong dumating sa mall. Habang hinihintay ko si Ingrid ay nagiikot ikot muna ako sa mga stalls. Tinext ko na lang sya kung nasaan ako.

"Kath!"

Ang swerte ko nga naman! Si Liza. At hindi nagtagal ay nakita ko si DJ sa likod nya.

"Uh... hi!" Pinilit kong maging kalmado lang.

"Sabi ko na nga ba, it was you." Excited na bati ni Liza. "Mukhang nagsshopping ka ha."

"Hindi naman masyado."

"Shoes?" Singit ni DJ.

"Well, alam mo naman ako."

"Nagsshopping din kami ni DJ." Enthusiastic na kwento ni Liza.

I knew it! Diba sabi ko na isspoil talaga sya ni DJ.

Slam DunkWhere stories live. Discover now