Chapter 15: Glow In The Dark

6.1K 176 33
                                    

-Daniel's POV-

Nakakainis tong araw na ito. Sinusubukan kong lunurin ang sarili ko sa trabaho for the past month. Wala pa ring nangyayari sa paghahanap ko kay 'masked lady'. Wala akong kahit anong information sa kanya. Siguro ay dapat ko ng tigilan ang paghahanap ko sa kanya. Siguro nga isang normal na kiss lang yun.

Pero ang weird dahil may mga kakaiba akong panaginip lately. Lagi kong napapanaginipan si 'masked lady' at ang kiss naming pero ang kakaiba ay mukha ni Kath ang nakikita ko kay 'masked lady'.

At natatakot talaga ako. Hindi naman problema sa kin na mapanaginipan si Kath pero na mapanaginipan na sya si 'masked lady' ay medyo nakakatakot.

Habang nagddrive ako sa may Makati ay napatingin ako sa magagandang displays sa paligid. At saka ko lang narealize na malapit na mag-Pasko.

"FUCK!" Napasigaw ako.

Inisip ko kung ilang araw na lang bago magpasko.

"4 fuckin' days?!"

Four days na lang at wala pa kong regalo kay Kath. Anong klaseng best friend ako.

"Ano kayang ibibigay ko sa kanya? Bag? Shoes?" Hindi na siguro shoes kasi napakadami na nya nun. "Dress kaya?" Kaso di naman sya mahilig.

Hmmm...

"Aha! Alam ko na anong ibibigay ko sa kanya." Nakangiting bulong ko sa sarili ko habang iniimagine ang regalo ko.

__________

-Kathryn's POV-

Ang sakit sakit na ng paa ko.

Kanina pa ko umiikot sa mall para maghanap ng regalo para sa best friend ko. Pero wala pa rin akong nabibili.

Sa totoo lang, hindi ko alam anong ibibigay ko sa kanya.

Noong una naisip kong bilhan sya ng necktie, pero ang dami na nyang ganun. Naisip ko din na bilhan sya ng libro, pero sa sobrang busy ni DJ wala naman syang oras magbasa. Kung polo shirt naman naman ay madami na rin sya.

Ang hirap naman nito!

Ano bang ibibigay mo sa isang tao kung parang nasa kanya naman na ang lahat?

Hmmm....

Eh kung tapusin ko na kaya ang paghihirap nya at ibigay sa kanya ang 'masked lady' nya?

Yeah right. As if kaya ko?

Hindi na noh. Last na kita na nya yun kay 'masked lady'.

Kaya eto ako at tinuloy ko na lang ang paghahanap ko ng regalo para sa kanya.

"Perfect!" Di ko mapigilang mapasigaw ng makita ko ang isang display sa mall.

__________

-Daniel's POV-

"Hello?" Narinig kong sagot ni Kath sa kabilang linya.

"Saan ka ba nagpunta?" Tanong ko agad.

"Sa labas."

"Obvious naman yun. Pero kanina pa kita tinatawagan pati landline mo tinatawagan ko pero puro answering machine mo ang sumasagot sa akin!"

"DJ, nalowbatt kasi ako. At kararating ko lang."

"Pinag-alala mo ako. Akala ko kasama mo si Michelle at nagpprepare kayo para sa kasal nya kaya tinawagan ko din sya. At nung sinabi nyang maghapon ka nyang hindi nakita, kinabahan ako."

Slam DunkWhere stories live. Discover now