-Kathryn's POV-
Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa paghahanda ng mga dadalhin ko sa bakasyon ko habang ang mga kaibigan ko ay abala din sa pagaayos ng mga gagamitin nila para sa Pepsi event. Sa Friday na ang alis nila papuntang HongKong samantalang ako naman ay lilipad sa Sabado.
Kahit na gusto ko talagang sumama sa kanila sa HongKong pero hindi ko naman pwedeng i-disappoint ang parents ko.
Dahil sa hiling ng barkada, hindi ko na sila hinatid sa airport ng dumating ang Friday. Si DJ lang ang dumaan sa bahay ko bago sya umalis.
"Sigurado ka bang okay ka lang dito? I mean, pwede ko naman ipa-resched ang flight ko bukas para mahatid muna kita sa flight mo bago ako umalis." Nag-aalalang sabi sa akin ni DJ.
"Ano ka ba, DJ. Okay lang naman ako. I'm a big girl now." Sabi ko sa kanya habang tinutulak ko sya palabras ng bahay ko.
"Teka. Pinapalayas mo na ko sa bahay mo ngayon?" Nakataas na kilay na reklamo nya.
"Pinapalayas kita kasi maiiwan ka na ng flight mo. Go na!"
"Teka nga ha. Hindi ka naman makikipagkita sa James na yun diba?"
"Ano?!" Hindi ako makapaniwalang nagsisimula na syang maging parang nagseselos na boyfriend kung umasta.
"Diba?" Seryoso na ang mukha nya.
"To set the record straight, hindi ako makikipagkita kay James ulit. Hindi nga ako nakikipagkita sa kahit sinong lalaki, okay? Now, stop acting like a jealous boyfriend." Nagulat din ako sa sinabi ko. "I mean jealous boy best friend."
"Sige na nga, maniniwala na nga ako sayo."
"Baliw ka talaga. I'll see you soon, okay?"
"Magkita tayo pagbalik mo. Say hi na lang kina Tito and Tita para sa akin."
"Sure."
Nagulat ako sa sumunod nyang ginawa. Kala ko ay lalabas na sya pero bigla syang lumingon at niyakap ako ng mahigpit.
"Sana sumama ka na lang sa min sa HongKong." Bulong nya.
__________
"Seryoso ka ba dyan, Miss?" Tanong ko sa ground personel ng airlines nang ininform nya kami na instead na magiging direct flight to Canada ay kailangan naming mag-stop over sa HongKong dahil sa bagyong makakasalubong ng flight namin.
"Ma'am, kung ayaw nyo po sumabay sa flight na to, pwede naman pong ireschedule natin sa isang araw." Magalang na sagot nito sa kin.
"Pero hindi kasi pwede." Naiinis kong sabi.
"Sorry talaga, Ma'am. Wala po kasi talaga tayong magagawa. Anyway, yung hotel nyo naman po sa HongKong ay sagot ng airline dahil first class ang flight nyo. It's your privilege po."
Wala naman akong choice kundi sumabay sa flight na iyon.
__________
Hmmm. Ano kayang pwede kong gawin? Kararating ko lang dito sa isang sosyal na hotel sa HongKong kung saan ako binook ng airline ko habang naghihintay para sa flight ko papuntang Canada.
Inaayos ko ang gamit ko nang napansin ko ang isang white envelope.
"Ano kayang ginagawa nila ngayon?" Tanong ko sa sarili ko habang binubuksan ang envelope.
KAMU SEDANG MEMBACA
Slam Dunk
Fiksi UmumWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.