-Kathryn's POV-
3rd Day
"Hindi na to makatotohanan!" Reklamo ko nang makita ko ang tambak na trabahong naghihintay na tapusin ko ngayong araw.
"Ano bang mali sa akin? Nung isang araw nagrereklamo ako na wala akong ginagawa, ngayon naman nagrereklamo ako na madami." Tanong ko sa sarili ko.
"Hay bahala na nga!" Sinimulan ko nang gawin ang mga gagawin ko para matapos ko na. Yun ay kung matatapos ko nga lahat today. Mga 6-7 accounts pa ang kailangan kong tapusin at malapit na mag lunchbreak.
Hapon na ng biglang magring ang cellphone ko. Hinanap ko iyon sa gitna ng kaguluhan ng mga gamit sa desk ko.
"Hello?" Medyo masungit na sagot ko.
"Kath!" Masayang bati ng nasa kabilang linya na ipinagtaka ko.
"Oy DJ. What's up?"
"Kamusta?" Malambing na sabi ni DJ. May kakaiba talaga sa kanya ngayon.
"Ayos lang. Ang dami ko lang ginagawa ngayon."
"Aww. Kawawa ka naman. Nga pala. Tungkol sa game mamaya..."
"Anong tungkol sa game? Wag mong sabihing di ka makakapanood?" Parang bigla akong nainis sa sinabi nya.
"Huh? Hindi. Hindi ko yun papalampasin." Pag-assure nya sa akin. Nagslump ako sa upuan.
"So anong tungkol sa game? May binabalak ka ba, Deej?" Tanong ko sa kanya.
"Ako? Wala ah."
I swear. May pinaplano tong si Daniel. Nararamdaman kong nakangisi sya sa kabilang linya.
"Talaga lang ha. Magdadala ka ba ng babae mamaya? Dahil kung oo, pinapaalala ko lang sayo na hindi ako papayag. Di bale nang ako na lang magisa manood kesa manood kasama ng mga babae mo." Alam kong medyo rude ang pagkakasabi ko pero hindi ko lang talaga kayang makasama ang mga babae nya. At syempre sa apartment ko pa.
"Hindi ako magdadala ng kahit sino. Ano bang nangyayari sayo? Napakasungit mo ata. Time of the month ba?" Pangaasar nya.
Natahimik lang ako.
"Uy sorry. Di ko naman sinasadyang kulitin ka. Di ko naman alam na badtrip ka pala. Gusto ko lang naman sanang sabihin na kita na lang tayo later sa apartment mo."
"Sorry. Hindi ko naman gustong maging masungit. Busy lang talaga ako." Paliwanag ko.
"Okay lang. Anong oras ka uuwi?" Malambing na tanong na naman ni DJ.
OMG. Sobrang sweet nya parang matutunaw ako.
"Uhm... Hindi ko pa alam. Gaya nga ng sabi ko madami pa kong ginagawa. Pero makakauwi ako bago magsimula ang game."
"Sige kita na lang tayo mamaya."
"Just in case na mauna ka sa kin, just make yourself at home." Bilin ko sa kanya bago pa namin tinapos ang tawag.
__________
-Daniel's POV-
7PM
Nagmamadali akong ayusin ang kusina. Kanina ay napakalinis niyon pero ngayon ay di na sya kasing immaculate. Siguradong mapapagalitan ako kapag nakita nya ang kalat na ginawa ko sa kusina nya. Pero sigurado ay maiintindihan nya naman ako.
Napatingin ako sa orasan nang marinig kong nagriring ang cellphone ko.
"DEEJ!" Feeling ko mababasag ang eardrum ko sa sigaw ng babaeng to.
"Nasaan ka na?" Tanong ko sakanya habang hinuhubad ko ang apron na suot ko.
"Pauwi na ko. Gusto mo bang dumaan muna ko sa bilihan ng food? Wala kasing masyadong makakain sa apartment ko at nagugutom na ko. Ano bang gusto mong kainin?" Tanong ni Kathryn.
"Wag na. Ako na ang bahala." Sabi ko naman sa kanya.
"Ahh. Nagorder ka na? Buti naman. Gusto ko nang makauwi. Nagugutom na talaga ako."
"Wag mo nang alalahanin. Nakahain na ang food mo dito pagdating mo." I assured her.
"Andyan na ko in 10 mins."
Pagkatapos noon ay ibinaba ko na ang phone.
Funny.
Bakit?
Dahil ngayon ay nakangisi ako. Ito pala ang pakiramdam ng isang wife. Nagluluto, naglalaba at naghihintay sa asawa nyang umuwi.
Pero hindi dapat ako ang wife. Ako dapat yung husband.
At bigla akong nangarap...
Nakikita ko si Kath na gumagawa ng mga gawaing bahay na parang isang tunay na asawa. Nagluluto (kahit na hindi naman talaga sya marunong... pero sigurado akong magaaral syang matuto para sa akin). Tapos hihintayin nya kong makauwi ng bahay galing opisina.
Nakangiti na naman ako habang iniisip ang lahat ng iyon. Syempre alam ko namang medyo impossible ang mga naisip ko. Kailangan kong ipaalala sa sarili ko na friends lang kami. And we are better off that way. Pero minsan naiisip ko rin na paano ba namin malalaman kung magwowork out kaming dalawa kung di pa naman namin nasusubukan maging more than friends?
At ano? Gagawin ko syang isa sa mga babae ko? Surely she deserves more than that.
She deserves a better man.
__________
-Kathryn's POV-
"Hmmm... ang bango." Bulong ko sa sarili habang binubuksan ang pintuan ng apartment ko. Nararamdam ko na namang nagrarambol ang tyan ko sa gutom. Ano kayang ulam ng kapitbahay? Ang bango eh.
"Baby..." Sabi ko na ako lang nakakarinig. "I'm home!" Sigaw ko para iannounce ang pagdating ko. Alam kong andito na si DJ somewhere.
At ayun na naman ang amoy na iyon.
The smell of home cooked food.
Hay ibang level na talaga ang gutom ko.
"Magbihis ka na. Ready na ang dinner in a few minutes." Rinig kong sigaw ni DJ mula sa kusina.
"Sige!" Sigaw ko pabalik.
Pumasok ako sa kwarto at nilagay ko ang mga gamit ko sa ibabaw ng lamesa doon. Napansin kong nakaayos na ang kama ko, at may extra na mga unan doon.
"Dito ka ba matutulog, DJ?"
Medyo natagalan bago sya sumagot at bigla na lang ay nasa may pintuan na sya ng kwarto ko.
"Ano yun?" Tanong nya. OMG. Ang yummy nya. Yung ngiti nya at gwapong mukha...
Ay jusko. Ano ba tong iniisip ko.
"Huy Kath. Anong tinatanong mo?" Nakahalukipkip na tanong nya.
"Ah... eh... Tinatanong ko lang naman kung dito ka ba matutulog."
"Yup. Wednesday ngayon diba?"
"At mga unan mo yan?"
"Oo. Diba sabi mo sa kin last time na magdala ako ng sarili kong unan."
"Dahil tulo laway ka sa mga unan ko." Pangaasar ko sa kanya.
"Talaga ba? I mean... tulo laway ba talaga ako?" Tanong nya.
"Gusto mo ba ng proof?" Pumunta ako sa may kama at kinuha ang isang unan ko. Tinanggal ko ang cover at pinakita sa kanya ang mantsa doon.
"Sigurado ka bang ako yan? Kasi nakikita din kitang tulo laway." Defensive na sagot ni DJ.
"Whatever. Ibig sabihin, pinapanood mo akong matulog?" Pangaasar ko sa kanya.
Hindi sya nakasagot agad.
"Of course not! Hindi kita pinapanood matulog noh. Pero nagigising ako kasi ang lakas mo humilik." Defensive na naman sya at parang guilty.
"Excuse me. Hindi ako humihilik noh."
"Humihilik ka. Ganito pa nga tunog oh." Tapos inilabas nya ang cellphone nya.
Nagulat ako nang marinig ko ang sarili kong hilik na nakarecord sa phone nya.
"Kitams. Humihilik ka. At papalitan ko na ang ringtone ko ng hilik mo para pag tumatawag ka ito maririnig ko." Patuloy na pang-aasar nya. At bigla nalang itong tumakbo pabalik sa kusina.
"DANIEL JOHN FORD PADILLA!!! Yari ka sa kin!!!" Sigaw ko sabay habol sa kanya.
Naghabulan kami sa buong apartment at nagtapos kami sa kusina. Ikinagulat ko ang nakita ko.
"Wow. Nagluto ka?" Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Pero isa lang ang sigurado ko.
Gutom na ko.
"Dahan dahan naman." Rinig kong babala ni DJ nang nagmamadali akong humigop ng mainit na sabaw.
"Sorry. Gutom na gutom na ko eh. Hindi kasi ako nakakain ng lunch." Pagpapaliwanag ko.
"At bakit naman?"
"Ang dami kong tinapos. Binigyan kasi ko ng deadline ng boss ko."
Napakamot na lang ng ulo si DJ sa kin at saka nagsimula na ring kumain.
"Sino nagturo sayo magluto ng Sinigang?" Tanong ko sa kanya.
"Isa sa mga naging girlfriend ko. Tinawagan ko pa nga sya kanina para siguraduhing tama yang ginagawa ko."
"I see. Sayang hindi ako marunong magluto." Di ko mapigilan na makaramdam ng disappointment dahil wala akong culinary skills para maimpress sya.
"Wag kang mag-aalala. Number one ka pa rin sa kin pagdating sa paghilik." Pangaasar na naman nya at tawang tawa pa sya.
"Kelan ka ba titigil? O baka gusto mo matulog magisa mamaya?" Sabi ko sa kanya habang nakaturo ang tinidor at tiningnan ko sya ng masama.
"Fine. Titigil na ko. Hindi ko lang maiwasang asarin ka." Nakangising sabi nya.
"Baliw!" Binato ko sya ng tissue na tumama naman sa mukha nya.
__________
-Daniel's POV-
"Oh no! Hindi pwedeeeeeeeeee!" Sigaw ni Kath na rinig na rinig sa buong apartment nya.
"What the f*ck!" Napamura din ako nang makita kong tapos na ang laro.
Natalo ang Miami Heat. Ang team na gusto namin ni Kathryn.
Natahimik lang kaming dalawa. Pinatay ko ang TV at tumabi kay Kath sa sofa.
"Bakit?" Tanong ni Kath.
"Ano?" Tanong ko pabalik.
"Ni-jinx mo yung game. Last week nung hindi ka nanood, nanalo sila. Kasalanan mong lahat ng ito." Paninisi nya.
"Hoy wag mo kong idamay. Sila yung naglalaro sa court hindi ako. Bakit ako sinisisi mo?"
"Pano ko sila sisisihin? Hindi naman nila ko kilala. Sa ngayon, ikaw lang pwede kong sisihin."
Weirdo talaga tong babaeng to. Pero nasanay na ko sa kaweirduhan nya. At isa yun sa mga bagay na nagustuhan ko sa kanya. Napaka-unpredictable nya minsan. Kaya lalo akong nahuhumaling sa kanya.
Napailing na lang ako natawa sa kanya.
Maya maya pa ay tinatawanan na rin nya ang sarili nya.
"Ano ng gagawin natin ngayon? Inaantok ka na ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi pa. Ikaw ba?" Nakangiting tanong nya pabalik.
"Teka lang. Magsshower muna ko." Sabi ko at tatayo na sana ako sa sofa.
"I have a better idea." At bigla nya kong hinila papasok ng kwarto nya. Pinipilit nya kong ipasok sa loob ng kwarto.
Medyo nagpanic ako. Hindi ako handa. I mean... is she suggesting na gawin namin yun?
Oh God!
Hindi pwede.
"Anong hindi pwede?" Tanong ni Kath habang sinasara ang pintuan ng kwarto. Ooops. Nasabi ko pala ng malakas.
"Magfafacial and hotoil tayo. Tapos magmamanicure." Nakangising sabi nya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag pero nang marealize ko ang gusto nyang mangyari ay tiningnan ko sya ng may gulat.
"Ano? Wag kang magalala. Masaya yun." Pag-assure ni Kath sa akin. "At ipinapaalala ko lang sayo na alipin pa rin kita kaya susundin mo ang gusto ko."
"Oo nga pero facial at hotoil? Hindi ba pambabae yun? Ano namang alam ko dun?" Tanong ko sa kanya.
"Wag kang magpanic. Piece of cake lang to." Pagpapakalma nya sa akin at saka biglang umalis. Pagbalik nya galing sa bathroom ay may mga dala na syang kung ano ano. Narealize ko na puro pampaganda ang lahat ng iyon.
Nagulat ako na ang babae palang kasing ganda nya ay nagaabala pa sa mga ganitong mga bagay. Dahil para sa akin ay hindi na nya kailangan ng mga pampaganda.
Maganda na sya para sa akin.
Sobrang ganda na nagdudusa na ang puso ko sa mahabang panahon.
__________
-Kathryn's POV-
"Bakit yang boxers na yan na naman, DJ???" Sigaw ko sa kanya habang pinipigilan ko rin ang tawa ko nang lumabas sya sa banyo suot ang luma nyang boxers.
Katatapos lang ng beautification session naming.
Naglagay kami kanina ng mudpacks, naghotoil ng mga buhok naming at nilinis ko ang nails nya. At binigyan nya ko ng bonggang foot massage.
"Anong problema sa boxers ko?" Nakakunot na tanong nya.
"Anong problema? Tingnan mo nga yan. Sobrang luma na." Gusto ko na talagang matawa sa itsura ng boxers nya.
"Favorite ko to at kumportable ako dito." Paliwanag nya habang hinawakan pa ang dulo ng boxers nya.
"Oras na para bumili ka ng bago. Sigurado naman akong di problema ang pera sayo. O di kaya bibilhan kita kapalit nung shoes na binili mo sa kin."
"No thanks. Masaya na ko dito."
"Sigurado ka?"
"Oo nga. Wag ka ng makulit."
Pinabayaan ko na lang sya at kumuha ng towel para patuyuin ang buhok nya. Pagkatapos noon ay inutusan ko syang iblowdry ang buhok ko.
"Hindi ako makapaniwalang pinapagawa mo ito sa kin." Naiinis na sabi ni DJ.
"Wag ka ngang umarte dyan. Hindi naman mababawasan pagkalalaki mo dahil dito."
"Sinasabi mo lang yan para wag ako mainis. Pero sa totoo, gusto mo ng pagtawanan ako. Wag kang magdeny! Sobrang halata sa mata mo." Itinaas nya ang mukha ko at tinitigan ako.
"Hindi kaya kita tinatawanan. Pero aaminin ko na I'm having a great time doing this with you."
Totoo yun. Siguro nga at magaganda at sexy ang mga babae nya pero hindi naman nila magagawa itong mga ganitong bagay with DJ.
Lihim akong napangiti with the thought na gagawin namin to ni DJ forever.
Unless, makahanap sya ng true love at magdecide na magpakasal.
Nawala ang ngiti ko.
"Anong problema?" Nagulat ako sa tanong nya.
"Uhhmm... wala naman. Naalala ko lang yung trabaho ko." Buti na lang nakalusot ako.
"Sigurado ka?" Feeling ko di pa sya naniniwala.
"Oo naman it's about work. Sino... I mean ano pa ba dapat kong isipin?" Grr. Muntik pa kong madulas.
"Okay. Sabi mo eh." Sabi nya habang tinatapos ang last section ng buhok ko na binoblower nya.
"Yes. Tapos na?" Tumayo na ko.
"So sa kama na tayo? Ibig kong sabihin... para matulog." Sabi ni DJ.
"Sige. Maaga pa rin ako bukas sa trabaho." Sagot ko naman sa kanya.
"Ako rin."
Naglakad na kami papunta sa kama. Sa kaliwa sya at ako sa kanan.
Nakahiga na kami for about mga 10 minutes.
"DJ..." Tawag ko sa kanya. Sana gising pa sya.
"Bakit?"
" Salamat sa dinner." Bulong ko sa kanya.
"Buti naman nagustuhan mo."
"Oo naman. Good night."
Hinihintay ko syang sumagot pero nagulat ako nang bumangon sya at tiningnan ako.
Nagkatitigan lang kami.
Nagpanic ako pero hindi ako makagalaw. Nakita kong nilalapit nya ang mukha nya sa akin.
Hahalikan nya ko.
Sa lips.
My first real kiss galing kay DJ.
Pumikit ako at hinintay iyon.
Pero...
Naramdaman ko ang lips nya sa nook o.
"Good night, Kath." Bulong nya at saka humiga na uli.
Ayun na eh. Nahopia pa. Makatulog na nga lang._________
Author's Note: Hopia. Mani. Popcorn. Happy Weekend!!!
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.