Chapter 8: Meet Your Match

7.1K 175 27
                                    

-Kathryn's POV-

Malapit na mag-9 o'clock. Alam ko dapat akong maexcite para sa pagkikita namin ni James, pero simula nung nag-usap kami ni DJ kanina parang nag-iba pakiramdam ko.

"What the heck!" I argued with myself at bumalik na lang sa pag-aayos sa sarili ko.

Alam kong kailangan ko itong gawin para sa sarili ko. At least bigyan ko naman ang sarili ko ng chance na makipagkita at makipagdate sa ibang tao. Siguradong mahihirapan akong icompare si James kay DJ. And I have to remind myself to stop comparing other men to DJ. Through the years, narealize ko na DJ and I will never be anything more than friends.

Tiningnan ko ang orasan ko at 9 o'clock na.
The night sky was almost clear that only the twinkling of the stars and the bright moonlight lit the sandy shore.

It was perfect.

I've always dreamed of spending a night like this with...

"Ano ba tong iniisip ko?" Agad kong binura sa isip ko ang mga thoughts about him...DJ.

At nakita ko sya...si James.

He smiled and met me halfway. Nang makalapit sya ay inoffer nya ang kamay nya sa akin. Inabot ko naman ang kamay nya at naglakad kami nang magkaholding hands sa beach. Inabutan din nya ako ng isang sunflower.

"I hope you don't mind na inagaw muna kita sa friends mo." Basag nya sa katahimikan.

"Not really. Okay lang naman."

"You've got nice friends."

"Alam ko. Maswerte akong mga kaibigan ko sila."

"Pero..."

"Anong pero?" Kinabahan naman ako bigla sa kung anong sasabihin nya.

"Yung best friend mo...si DJ. Yun pangalan nya diba?"

"Oo."

"Sa tingin ko hindi nya ko gusto. I mean feeling ko hindi nya gustong sumasama ako sa inyo."

"Ganun lang talaga yun. Medyo protective. Lahat naman sila ganun."

"Well, I guess I just have to live with that." Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo naman siguro na I have every intention of seeing you again." Tiningnan nya ako ng diretso sa mga mata ko.

Nabigla talaga ako sa sainabi nya. Kinabahan ako at parang may bumara sa lalamunan ko.

"Ano?" Tanong nya uli nang hindi ako sumagot.

"Sure... I mean...why not." Hindi ko na alam bakit ko sinabi yun pero wala naman na kong magagawa.

"Good." Nakangiting sabi nya sa akin.

__________

-Daniel's POV-

"Arayyyy!" Pinipigilan ko ang sarili kong mapasigaw at tiningnan ang sugat sa binti ko. Masakit pero tuloy pa din ako sa pag-akyat sa dingding para makarating sa rooftop.

Ito nakukuha ko sa pangingialam sa business ng ibang tao. Pero hindi naman sya ibang tao. She's my bestfriend.

I had this silly thought na umakyat sa bubong para mas maganda yung view at sigurado akong hindi nya ko mahuhuli. Kahit anong pigil ang gawin ko alam kong hindi pwedeng pabayaan ko na lang sila at wala akong gagawin.

Slam DunkWhere stories live. Discover now