Chapter 13: So Help Me Kath

6.6K 170 22
                                    

-Daniel's POV-

Hindi naging madali para sa akin ang byahe pabalik ng Pilipinas kinabukasan. Buong gabi kong hinanap yung babaeng yun. Nasuyod ko na ata buong hotel para magkaroon ng clue kung sino sya pero wala talaga akong nalaman about her. Wala sa lahat ng tinanong ko ang nakakakilala kung sino sya.

She haunted me. She haunted me like no other girl did.

Kailangan kong makipagusap sa taong nakakakilala sa akin. Kailangan kong matauhan at bumalik sa katotohanan.

F*ck! I need to get laid!

__________

-Kathryn's POV-

Canada.

Malapit na mag-6pm nang biglang nagring ang cellphone ko.

"DJ?" Tumayo ako sa kama ko nang marinig ko ang boses nya sa kabilang linya.

"Kath, kailangan ko ng directions dito." Sabi nya.

"Directions? Anong ibig mong sabihin? Nasaan ka ba?"

"Nasa airport. Kararating ko lang dito."

"Aiport? Dito sa Canada?"

"Oo. Saan pa ba sa tingin mo?" Natatawang sabi nya sa kabilang linya.

Binigay ko sa kanya ang directions at ibinaba ang tawag. Naexcite tuloy ako nang malaman kong andito sya.

"3 days pa lang akong nawawala, namiss na nya agad ako." Feeling ko hanggang tenga ang ngiti ko.

Mga 30 minutes na lang ay makikita ko na sya kaya agad akong tumayo sa kama at nag-ayos.

Hanggang ngayon ay parang nalalasan ko pa rin ang halik nya. Ginugulo ang utak ko ng kiss na yun maghapon at magdamag.

It tasted so sweet and so tender.

"Magaling nga talaga syang humalik." Kinikilig na talaga ako.

Pero teka...

Paano kung andito sya dahil alam na nyang ako yung kahalikan nya nung gabing yun?

Parang bigla akong nahilo at nasusuka.

"Ano nang gagawin ko ngayon?"

Alam ko namang hindi ako ganun kagaling humalik, pero the way he kissed me that night alam kong may something na kakaiba sa halik nay un.

Sana lang eh naramdaman din nya yun.

Naguguluhan tuloy ako. Playboy kasi si Daniel baka normal lang sa kanya ang linyang 'san ka ba nagtatago all this time?'.

"Sana hindi pa ko binubuking ni Ingrid sa kanya." Dasal ko.

Pinagkakatiwalaan ko naman si Ingrid. Alam kong kaya nyang magtago ng sikreto.

Bumaba na ko para sabihan ang magulang ko na may dadating kaming bisita.

__________

-Daniel's POV-

Nagpark ako sa labas ng isang bahay hoping na tama ang address na nakuha ko. At para makasigurado ay chineck ko uli ang address na sinulat ko sa maliit na papel kanina sa airport nung tinawagan ko si Kath.

"Eto na nga yun."

Nagdoorbell ako ng dalawang beses at inayos ng konti ang sarili ko.

"Coming!" Narinig kong sigaw ni Kathryn mula sa pintuan.

Buti na lang tama ako ng bahay na napuntahan.

"Hi." Bati ko sa kanya pagkabukas nya ng pintuan.

"DJ! Halika, pasok ka." Nakangiting bati nya.

Namiss ko ang smile nya.

"Nasaan sina Tito and Tita?" Hinawakan ko agad ang braso nya bago ako pumasok ng bahay.

"Pababa na sila."

Nang papasok na kami sa sala nila ay bumaba nga ang mga magulang nya.

"DJ. Mabuti naman at dinalaw mo kami dito." Bati ng Papa nya sa akin.

"Sorry po sa pagdating ko ng walang pasabi, Tito Teddy." Nahihiyang sabi ko at kinamayan ko sya. Tinapik naman nya ako sa balikat.

"Ano ka ba naman, DJ. Wala yun. Lagi kang welcome dito." Bati naman sa akin ni Tita Min at niyakap ako.

"Thanks, Tita Min. Kamusta na po kayo? Mas gumaganda po ata kayo ah."

"Hoy DJ! Wag mo na ngang binobola si Mama." Siniko ako ni Kath.

"Ano? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Tita, baka pwedeng ishare nyo kay Kath mga beauty secrets nyo at siguraduhing kakailanganin nya yun." Pang-aasar ko pa. At ayun hinampas ako ng dyaryo. Napakabilis ng kamay nitong si Kathryn.

"Kathryn, bakit hindi muna samahan si DJ sa kwarto nya bago tayo kumain ng hapunan?" Utos ni Tito Teddy.

"Ay wag na po, Tito. Baka po sa hotel na lang po ako tumuloy. Nakakahiya na po kasi." Tanggi ko naman.

"Hindi ako papayag. Mas mabuti kung dito ka na lang muna." Pilit ni Tito.

"Pero syempre kung mas gusto moa ng magstay sa sosyal na hotel, di ka naman namin mapipigilan. Hindi naman ganun kalaki ang bahay naming pero kumportable naman dito at ipagluluto pa kita." Segunda naman ni Tita.

Sino ba naman ako para tumanggi sa offer nila diba?

"Sige po. Dito na lang po muna ako. Namiss ko din po talaga ang home cooked meals."

"Mama, binabalaan ko kayo. Matakaw tong si DJ." Tukso sa kin ni Kath at natawa naman ang magulang nya.

___________

-Kathryn's POV-

As expected, inulan na naman ng mga tanong si DJ habang nagdidinner kami.

Samantalang ako naman ay iniiwasan sya. Hindi pa kasi naming napaguusapan ang totoong dahilan bakit andito sya.

Pagkatapos namin magdinner ay nagshower muna ako.

Gusto kong tumili kasi hindi pa rin nawawala sa isip ko yung kiss namin.

Nasaan kaya sya? Baka kasama ni Papa at umiinom.

Biglang may kumatok sa pintuan ng CR.

"Kath..." Mahinang tawag ni DJ.

Pinakiramdaman ko muna kung tama ba talaga narinig ko. Baka kasi naghahallucinate na naman ako.

"Kaaaaathhhh!" Mas malakas na tawag nya.

"Ano?" Sigaw ko.

"Tapos ka na ba?"

"Malapit na, bakit?"

"Bakit ang tagal tagal mo magshower. Hindi ka naman ganyan dati." Reklamo nya.

"5 minutes na lang. Matatapos na!"

"Wag ng mas matagal sa 5 minutes ha? Magiging prune ka na nyan eh." Tumawa pa sya.

Baliw talaga tong lalaking to.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko syang nakaupo sa kama ko. At pinapakialaman nya ang mga photo albums ko.

"Ang cute mo nung baby ka pa." Pinakita nya sa kin yung picture ko nung 3rd birthday ko.

Namula naman agad ako. Nakakahiya.

"Hindi ko alam na chubby ka dati." Patuloy pa nya habang nagtitingin ng iba pang pictures.

"Medyo mataba talaga ako. Nawala lang baby fats ko nung teenager na ko." Sabi ko at inagaw sa kanya ang photo album.

"Teka! Di pa ko tapos dyan!" Hila nya uli sa photo album.

"Mukha akong tanga dyan eh. Ang taba taba ko..."

"Wag ka ngang KJ! Cute ka nga eh." Nakangiti pa nyang sabi.

Ayan na naman ang killer smile nya. Wala na kong nagawa.

Tawanan lang kami ng tawanan habang tinitingnan ang mga pictures ko.

"Bakit ka nga pala pumunta dito?" Tanong ko sa kanya bigla. Kinakabahan ako sa isasagot nya kaya binuksan ko muna ang bintana ng kwarto ko para lumanghap ng sariwang hangin.

"Gusto kitang makita. At kailangan ko din ng bakasyon."

"Ah.."

"Pero actually..." Biglang sabi nya. Kinabahan ako ng bongga.

"Ano?"

"May nangyari kasi sa Hongkong..." Patuloy nya. Juskopo! Eto na!

"Hmmm..."

"Meron akong babaeng nakasayaw. Sobrang nadala ako sa kanya wala akong nasabi. Pero alam mo. Parang familiar sya."

"Talaga?"

"Oo. Parang nakasama ko na sya dati. Di ko alam eh."

"Hindi mo alam?"

"Actually di lang yun ang hindi ko alam. Di ko alam kahit pangalan nya. Sobrang clueless ko."

Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil nawala na ang kinakatakutan ko.

"Clueless ha?" Tukso ko sa kanya.

"Oo, tanga ko kasi eh."

Pinilit ko syang ikwento sa kin ang nangyari kahit alam ko naman na talaga.

"Kailangan ko syang mahanap, Kath." Nagulat ako sa bigla nyang sinabi.

"Ano?"

"Gusto ko syang mahanap. At tutulungan mo ako."

"Anooo? Bakit?" Gulat na gulat na sabi ko.

"Please, Kath. Kailangan mo kong tulungan na hanapin sya." Pagmamakaawa nya.

"Ano bang nangyayari sayo? Bakit mo sya gustong mahanap? At pano naman kita matutulungan?" Natatarantang tanong ko.

"Siguro mukha akong tanga sa sasabihin ko pero gusto ko talagang malaman kung sino sya." Paliwanag nya.

"San naman natin sya hahanapin?"

"Yung invitation na pinakita nya sa event ay galing Pilipinas, kaya malamang taga doon din sya."

"Seryoso kaba? Alam mo naman siguro kung gaano kalaki ang Pilipinas diba?"

"Gusto ko lang namang subukan na hanapin sya."

"Pero paano? Sabi mo naka-mask sya. Wala ka ngang idea anong itsura nya talaga." Pagrarason ko.

"Alam ko pero parang kasing katawan mo sya, pero mas may curves." Sabi nya pa at tinitingnan ang katawan ko. Nakapajamas kasi ako.

"Curves talaga?"

"Oo, curves in the right places." Nakangising sabi nito.

Nagbblush tuloy ako dahil ganun pala tingin nya sa kin. Dapat na siguro akong magsuot ng mas revealing na mga damit.

"Ano, tutulungan mo ba ko?" Pangungulit nya.

"May choice ba ko?"

"Sige na kasi!" Pagmamakaawa pa nya.

"Desperado ka ha? Bago yan." Tukso ko sa kanya.

"Hindi ko nga alam eh. May nararamdaman akong something sa babaeng to na hindi maintindihan. I mean, feeling ko nga kilala ko sya."

"Baka dati mong girlfriend?"

"Naisip ko nga rin yan, pero binasura ko agad yung idea kasi malalaman ko naman agad yun. Kasi alam mo ba, nung hinalikan ko sya may kakaiba akong naramdaman. Hindi ko pa yun naramdaman sa kahit sinong naging girlfriend ko." Paliwanag nya. "Ang lambot ng lips nya, kakaiba yung lambot. At ang sweet nya humalik."

Hindi ko mapigilang kiligin kung paano nya dinedescribe yun kiss. Ganun din kasi ang naramdaman ko.

"In love ka ba?" Hindi ko mapigilang itanong.

Tinitigan ako ni DJ bago sya sumagot.

"Siguro. Kaya nga kailangan ko syang mahanap."

"Sige. Dahil desperado ka talagang mahanap sya, tutulungan kita." Hindi ko nga din alam bakit ako pumayag na tulungan sya eh alam ko namang impossible yun unless ireveal ko ang sarili ko. At hindi ko gagawin yun. Takot ko lang noh.

"Thank you! Bestfriend talaga kita!" At niyakap nya ko ng mahigpit.

Ang mga sumunod na oras ay ginugol namin para pagkwentuhan ang mga nangyari sa Pepsi event. At masasabi ko talagang tinamaan sya dun sa masked lady.

At syempre habang busy sya sa pagkkwento ay hindi nawawala sa labi ko ang ngiti.

"Namiss kita. Dapat kasi pumunta ka na lang dun sa party na yun. Mas naging masaya sana." At lumingon sa kin si DJ.

"Sorry, di ako nakapunta." I lied.

Kung alam mo lang, DJ.

__________

-Daniel's POV-

Gumalaw ako sa pagkakahiga ko. Naramdaman kong parang tumatama sa malambot na bagay yung pisngi ko. Soft as in fleshy soft. Kaya't binuksan ko ang mata ko para makita kung ano ba yung hinihigaan ko.

At nang makadilat na ko ng maayos, nalaman ko na nakahiga pala ako sa boobs ni Kath. Nakayakap sya sa leeg ko at ako naman nakayakap sa bewan nya.

Napangiti ako. It always feels good to wake up in her arms.

Huminga ako ng malalim taking in her sweet scent. I feel safe and secured.

Parang kagaya lang ng naramdaman ko nung niyakap ko yung babaeng yun two days ago.

At kahit na tirik na tirik na yung araw, pinilit kong bumalik sa pagkakatulog. Pero bigla akong nakarinig ng mga footsteps na parang papalapit sa kwarto ni Kath.

"Hala. Sina Tito and Tita!" Sigaw ng utak ko. Hindi ako gumalaw. Kunwari tulog pa ko.

Pero sa loob loob ko ay nagpapanic na ko. Sa posisyon naming ngayon, hindi masyadong magandang tingnan lalo na ng mga magulang.

"Okay. Nakadamit pa naman sila." Narinig kong sabi ni Tito Teddy.

Kailangan talaga si Tito Teddy pa ang makahuli sa min?

"Safe pa. Wag lang magkakamaling gumalaw tong lalaking to." Sabi pa uli nya.

Hindi ko na alam pano pa sya haharapin mamaya. Bakit ba kasi hindi naming nilock yung pinto?

Buti na lang ay umalis din ito agad.

__________

-Kathryn's POV-

"OMG. Si Papa ba yun?" Nagpapanic kong tanong.

Nakaramdam ako ng pangangalay sa kaliwang kamay ko at parang may mabigat sa dibdib ko. Narealize kong yakap ko pala si DJ. Gusto ko sanang magparty dahil sa closeness naming pero anak ng patis! Nahuli kami ni Papa.

Nang marinig ko sinara na ni Papa ang pinto ng kwarto ko ay gumalaw na ko para ipaalam kay DJ na gising na ko. Naramdaman ko syang huminga ng malalim. Alam kong gising na din sya.

At buong lakas ko syang tinulak para ilayo sa akin. Pero napalakas ata kasi nahulog sya sa kama.

"What the fuuuuu...." Agad kong tinakpan ang bibig nya nang marinig kong magmumura sya ng malakas.

"SSSSHHHHH!"

"Narinig mo ba sinabi ng Papa mo? Sabi nya bawal akong gumalaw."

At nakita ko ang evil thoughts na nagreflect sa mata nya. Kaya't hinampas ko sya agad ng unan.

"Maniac!" Sigaw ko.

"Sssshhhh!" Sya naman nagpatahimik sa kin.

"Baliw ka talaga!" Sigaw ko uli sa kanya at tumakbo na sa banyo.

Matapos ang dalawang araw ay bumalik na kami ng Manila ni DJ para simulan na ang paghahanap sa kanyang "masked lady".

"Kung mahanap nya." Sabi ko sa sarili ko.

__________

Slam DunkWhere stories live. Discover now