Chapter 3: Grubs and Suds

10.3K 191 26
                                    

-Kathryn's POV-

And so the week begins.

Inaayos ko ang mga gamit ko sa desk nang marinig ko ang sabi ng boss ko na tapos na ang trabaho ko for today and pwede na kong umuwi. Alam kong dapat masaya ako na makakauwi ako ng maaga para makapagpahinga pero medyo nagwoworry din ako.

Tumingin ako sa paligid at nakitang kong busy pa lahat ng officemates ko.

"Matatanggal na ba ko sa trabaho?" Mahinang tanong ko sa sarili ko. "Hindi ba maayos ang trabaho ko dito?"

Naiiyak na ko. Ito ang first job ko at hindi pa ko nagtatagal dito sa opisinang ito. Nanlulumong sumandal ako sa upuan ko.

Ilang sandal pa ay narinig kong nagriring ang cellphone ko.

"Hello?"

"Kath!"

"Oh DJ. Bakit?"

"Ready ka na bang umuwi?" Tanong nya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan mo ba ng masasabayan pauwi?"

"Ahh oo. Kailangan ko." Then bigla kong naalala. Ngayon ang first day na slave ko si DJ. Bigla akong naexcite. Kinuha ko agad ang organizer ko at nilagay ang pangalan ni DJ.

I now have a week with him.

As my slave.

My very own DJ slave.

Napangiti ako at kinilig bigla.

"So anong plano mo ngayong sunud sunuran ako sayo?" Tanong nya.

"Hindi ka lang sunud sunuran sa akin. Alipin kita. Remember?"

"Fine. Alipin kung alipin." Natatawang sabi nya.

"Mabuti na yung malinaw. Sunduin mo ako dito sa office in an hour. Mag-grocery shopping tayo." Utos ko sa kanya.

"Okay, I'll be there. See you! Ay pwede bang hintayin na lang kita sa labas ng building nyo para hindi na ko maghanap ng parking?"

"Talaga lang? O baka naman pinagtataguan mo lang mga niloko mong babae dito sa office?"

"Hindi naman masyado." Natatawang sagot nya bago naming tinapos ang usapan.

__________

-Daniel's POV-

Nakita ko sya agad sa labas ng building ng office nila.

And this time, hindi ako late. Maaga lang sya.

Dumating pa nga ko ng 5 minutes earlier kesa sa pinagusapang oras.

"Sakay na!" Sigaw ko sa kanya pagkahinto ko sa tapat nya.

Nakita kong nanlaki ang mata nya nang makita ang bagong Ford Explorer ko.

"Wow! Ganda ng kotse ha. Kelan mo to binili?" Tanong nya.

"Last week lang. Kakadeliver nga lang kaninang umaga. At dahil maggrocery tayo, naisip ko na kailangan natin ng mas malaking sasakyan kaya itong Explorer ang dinala ko. Nagustuhan mo ba?"

"Napaka-yabang mo talaga. Namimiss ko tuloy ang kotse ko." Nakangusong sabi nya.

Kahit pa gusto ko syang nakikitang nakapout, eh ayokong nakikitang malungkot sya.

Slam DunkWhere stories live. Discover now