-Daniel's POV-
Six months matapos ang NBA Finals...
Breathe, DJ, breathe.
"Ano pa bang hinihintay ko? Hindi ba ito na ang moment na you've been hoping and wishing for the longest time?" Pakikipagtalo ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng bathroom mirror sa loob ng honeymoon suite namin.
Parang nagsisimula na kong mahirapan huminga at naninikip yung dibdib ko.
No! Hindi ito pwedeng mangyari sa akin. Not now.
Maya maya pa ay naghahabol na ako ng hininga.
"Tanginang asthma." Sabi ko habang pinipilit na huminga ng ayos at hinahagod ang dibdib ko.
"Lord. Wag naman po sa wedding night ko." Dasal ko.
Binuksan ko ang shaving kit ko kung saan ko tinatago ang lifesaver ko. Nang makuha ko ito ay ipinasok ko sa bibig ko at pinindot ng isang beses. Naghintay ako ng ilang minuto bago umayos ang paghinga ko.
Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko ay humarap uli ako sa salamin. Inayos ko ang bago kont boxers na bigay ng asawa ko. Yes, asawa ko. Akin na sya.
"DJ! Bakit ang tagal mo dyan sa banyo?" Narinig kong tanong ng asawa ko mula sa loob ng kwarto. "Promise this time di ko na makakalimutan tong gabing ito." Dagdag pa nya.
OH SHIT!!!
Tangina nakalimutan ko na yung tungkol dun. Isa sa pinakamalaking kasinungalingang nasabi ko sa buhay ko. Papaalala ko lang sa inyo... Noong New Year's Eve na nalasing si Kath, remember? Sabi ko sa kanya na may nangyari sa amin.
Kaso nakalimutan kong aminin na wala naman talagang nangyari. We didnt do 'it'.
Bakit ko ba kasi nakalimutang sabihin?
Siguro sobrang naging abala lang ako nitong mga nakaraang buwan. Pagkatapos kasi namin manood ng game ay lumipad kami ni Kath sa Canada para ipaalam sa magulang nya ang tungkol sa engagement. Personal at formal akong nagpaalam at hiningi ang kamay nya. Nagstay kami dun ng dalawang linggo. Tapos naging busy na ako sa work at sa wedding preperations.
Shit. Dapat kasi simple lang ang kasal namin. Kaso mapilit ang parents ko na dapat engrande. Kung kami lang ni Kath gusto sana namin yung intimate lang. Para sana nagkaroon kami ng mas maraming time together. Kaya ayan nakalimutan ko nang sabihin sa kanya ang tungkol sa gabing yun.
"Paano na ngayon?" Tanong ko sa sarili ko.
As if namang di nya malalaman na virgin pa sya pagkatapos namin gawing yun tonight.
"DJ! Im waiting!" Tawag uli sa kin ni Kath.
"Patapos na ko dito, baby."
"Bilis. Tumatakbo ang oras."
Binuksan ko nang bahagya ang pintuan ng banyo.
Nakita ko si Kath sa ilalim ng comforter at tinitingnan ang wedding ring nya. Agad kong sinara ang pintuan at bumalik sa loob ng banyo.
"Paano ko na sasabihin sa kanya ngayon? Baka sabihin nyang niloko ko sya." Well, technically, I did. Pero mabuti naman ang intentions ko. Diba?
"Paano kung magalit sya sa kin dahil nagsinungaling ako? Mapapalabas kaya ako ng kwarto on my wedding night?"
This is not good. Not good at all.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.