Chapter 21: The Kiss

5K 222 68
                                    

-Daniel's POV-

Mabilis nagdaan ang mga araw. Nang maayos ko na ang mga kailangan kong asikasuhin ay dumaan ako sa apartment ni Kath at naabutan ko syang busy sa workload na inuwi nya.

"Kath, what do you think kung manood kaya tayo ng NBA Finals?" Tanong ko sa kanya.

"Syempre naman. Di ko yun papalampasin noh. Nagleave pa ko on that day. Hindi pwedeng di ko mapanood yun sa cable." Sagot nya habang abala sa laptop nya.

"Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Bakit? May iba pa bang NBA Finals na di ko alam?" Humarap sya sa akin ng nakataas ang kilay.

"Iniisip ko kasi kung gusto mong panoorin natin yun ng LIVE."

"You mean sa LA?!" Nanlalaki ang matang tanong nya sa akin.

"Yeah."

"Niloloko mo naman ata ako. Impossiblemg nakakuha ka ng tickets eh sold out na yun bago pa ata nagsimula ang play-offs ngayong season!"

"Eh pano kung meron nga akong tickets?"

"Seryoso nga?"

"Meron nga!" Inilabas ko ang tickets sa bulsa ko at iwinagayway sa harap nya. Natatawa ako nang makita kong sinusundan ng mata nya ang galaw ng kamay ko.

"DJ! Ang solid nyan. Isasama mo ba talaga ako?"

"Oo naman. Unless, ayaw mo."

"Gusto ko! Gustong gusto ko! Pero hindi mas gusto mong dalhin si Liza kesa sa kin?" Nag-aalalang tanong nya.

"Hindi sya masyadong fan ng NBA."

"Sigurado ka bang okay lang sa kanya?"

"Bakit naman hindi okay sa kanya?"

"Hmm. Sige na nga! Kelan tayo aalis? DJ! Excited na ko." At bigla syang tumalon para yakapin ako. Kitang kita ko ang excitement sa mata nya na lalo pa nyang ikinaganda.

"Meron pa pala akong sasabihin sayo..." Tumigil ako saglit.

"More surprises pa?" Umayos sya ng tayo.

"Dahil nasa States na rin lang tayo, iniisip ko kung pwede mo kaya akong tulungang maghanap ng magandang engagement ring?" Patuloy ko.

Napansin ko ang biglang pagiiba ng expression ni Kath. Parang namutla sya. Tumalikod sya at iniwasan ako.

"Ahh... So, aayain mo na syang magpakasal sayo?" Parang nanginginig ang boses nya nang itanong nya sa kin yan.

"Oo sana."

"Sigurado ka na ba dyan?"

"Wala ng mas sisigurado pa sa desisyon kong ito."

"Ganun talaga kasigurado? Mahal ko talaga sya noh?" Mahinang tanong nya.

"Hindi ko na kayang maghintay pa ng isang taon para mapasa-akin sya." Masayang sagot ko. "So will you?" Tanong ko uli.

"Will I what?" Tanong nya pabalik.

"Marry me?" Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya. "Joke lang. Will you help me na maghanap ng perfect ring?"

"Aahhh. Sure. Sige. What are friends for, diba?" Sagot nya pero parang pilit ang ngiti nya.

"Salamat! The best ka talaga!"

Slam DunkWhere stories live. Discover now