Chapter 11: Someone Needs Something

6.5K 171 17
                                    

-Kathryn's POV-

"Hoy Kath. Dahan dahan naman sa paglalakad. Ang sakit sakit na ng paa ko." Reklamo ni Michelle sa akin. Kanina pa kasi kami naglalakad sa mall. Actually, pangatlong mall na namin to ngayong araw na to.

Isang buwan na rin ang nakalipas simula nung incident with James.

"Mich, hindi pa natin naiikot tong mall. Merong shoe store sa may kabilang dulo nito." Naffrustrate na ko dahil malapit na magclose ang mall. Meron na lang kaming 1 hour at kailangan ko pang mamili ng sapatos.

"Shoes na naman? Nakabili ka na ng 3 pairs. Ilang pairs ba ng sapatos ang kailangan mo?" Galit na naman sya.

So kill me kung meron akong shoe fetish. Dapat pala naging shoe designer na lang ako baka sakaling nakakakuha pa ko ng libreng sapatos.

"Ano bang meron sa mga shoes?" Patuloy ni Michelle.

"Maganda kasi sila sa paa ko." Yun lang ang dahilan bakit gusto ko silang bilhin.

"Nasusuot mo ba lahat yan?"

"Oo naman. Syempre di ko naman pwedeng isuot yung mga stilletos ko habang nagjojogging diba? Kaya dapat marami akong choices."

"Ewan ko sayo. Baliw ka na." Reklamo na naman nya at naupo na si Michelle sa isa sa mga bench sa mall.

Bago pa man ako mainis sa kanya ay narinig kong nagring ang cellphone ko.

"Hello, DJ?"

"Nakabili ka na ba ng napakaraming shoes mo?" Bati nya sa kin nang tumatawa.

"3 pairs lang binili ko noh. At pano mo nalaman na nagsshopping ako ng shoes?" Di ko naman nasabi sa kanyang magsshopping ako ng mga sapatos ngayon ha.

"Ganun kita kakilala."

"Ganon? Bakit ka ba napatawag?"

"Wala naman. Gusto ko lang mangumusta."

AWWWW. Ang sweet naman nya. Hindi ko mapigilang mapatigil at kiligin.

"Andyan ka pa ba?" Narinig kong sabi ni nya.

"Oo andito pa naman."

"Wag mo kakalimutan mamaya. May lakad tayo ng barkada."

"Oo alam ko."

"Susunduin na lang kita sa bahay mo?"

"Kahit hindi na. Kasama ko naman na si Michelle sabay na lang kaming pupunta."

"Ah ganun ba. Sige magkita na lang tayo dun mamaya." Bakit pakiramdam ko eh disappointed sya?

"Pero pwede mo naman ako ihatid pauwi."

"Sure. No problem. Hindi mo ba dala kotse mo?"

"Hindi eh. Kotse ni Michelle gamit namin." Paliwanag ko.

"Sige magkita na lang tayo mamaya."

__________

-Daniel's POV-


Tahimik lang akong nakaupo sa couch na tinatambayan namin sa loob ng isang bar. Sa kaliwang kamay ko ay may hawak akong bote ng beer at sa kanan naman ay pinaglalaruan ko ang susi ng kotse ko.

"Ang tahimik mo ata ngayon, DJ. Anong meron sayo?" Tanong sa kin ni Jon.

"Wala lang ako sa mood magsalita. Bakit ba?"

"Ano ka ba, Jon. Para namang hindi mo alam kung bakit nanahimik yang isang yan." Umeepal na naman tong si Alex.

Slam DunkWhere stories live. Discover now