-Kathryn's POV-
Coming back home...
Hindi ko alam kung excited ba kong umuwi sa Pilipinas. Una sa lahat, dahil naputol ang bakasyon ko. Hindi ako masyadong nagkaroon ng oras na magikot ikot dahil napaka-untimely ng pagbisita sa akin ng best friend ko. Nashock talaga ako nang makatanggap ako ng tawag mula sa kanya na nasa Canada din sya.
But anyway, masaya naman ako na sinundan nya ako doon. Sa ganung paraan, nakikita ko pa rin sya.
Mabalik tayo sa dilemma ko...
Narealize ko na sa oras na makauwi kami, sisimulan na naming ni DJ ang paghahanap nya sa 'masked lady' nya. Hindi naman dapat ako mabahala dahil kahit halughugin nya ang buong Metro Manila eh hindi pa rin nya yun mahahanap.
Naisip ko na papabayaan ko muna syang maghanap ng saglit. Okay, tutulungan ko naman sya. Pero mas naeexcite ako sa magiging itsura nya kapag narealize nyang wala syang mahahanap.
Kaya sa ngayon ay ieenjoy ko munang panoorin si DJ na hanapin ako... este yung 'masked lady nya'.
Pero first things first. Tinawagan ko si Ingrid para sabihan ito tungkol sa nangyari at mabuti naman at mabilis itong kausap na itago muna na ako yung babaeng nasa party. Sya lang kasi ang nakakaalam noon.
__________
-Daniel's POV-
3 days na simula nang nakauwi kami ni Kath galing Canada. Immeet namin ang ibang kaibigan naming sa bar for our usual Friday night out. Ito ang unang beses na magkikita kami after ng trip.
As usual, sinundo ko si Kathryn sa apartment nya.
"Ano naman yang mga yan?" Tanong ko sa kanya dahil ang dami nyang dalang paper bag.
"Eh di mga pasalubong na binili ko para sa friends natin sa Canada. Ano ka ba? Diba kasama kita nung binili natin to?" Sagot nya sa kin habang nilalagay lahat ng paper bag sa likod ng silver jaguar ko.
"Ahh oo nga pala." Feeling ko tuloy ang tanga ko.
"Ngayon naalala mo na? Ano bang nangyayari sayo?" Tanong nya sa kin habang kinakabit ang seatbelt nya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Duhhh? Wala ka sa sarili. Bakit ka nagkakaganyan?"
"Ako. Maayos naman ako ha."
Obvious ba ko? Alam kong parang medyo may nagbago sa kin simula nung nagka-encounter kami ni 'masked lady'. Pero hindi ko naman alam na ganun pala ako ka-transparent.
O dahil ba kilala na ko ni Kath inside and out kaya ganun?
Pero...
"Teka huhulaan ko. Yung 'masked lady' na yun pa rin ang iniisip mo noh? Tama ba ko?" Patuloy na pangungulit ni Kath.
"Hmmm... not really." Nahihiya naman akong aminin sa kanya.
"Ako nga wag mo ng pinagloloko DJ. Kilala kita alam kong may gumugulo dyan sa utak mo."
"Oo na. Naiisip ko pa rin sya."
"Naiisip pala ha. So, nagtry ka na bang hanapin sya simula nung dumating tayo?"
Umiling ako.
"At ineexpect mo ba na sya ang maghahanap sayo habang nakaupo ka lang sa opisina mo?"
"Hindi ko alam. Wala akong idea kung pano ko sya mahahanap."
Medyo nawalan na ko ng pag-asang hanapin ang 'masked lady' ko.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.