-Daniel's POV-
Napangiti ako nang marealize ko na nakatulog ako nang sobrang lapit sa kanya.
Sa bestfriend ko.
Si Kathryn.
I snuggled closer to her at niyakap ko sya. She was cradling me like a baby and I was securely tucked in her embrace.
Napangiti na naman ako at pasimpleng inaamoy ko sya.
I felt heavenly.
Ipinikit ko uli ang mata ko para matulog sana uli at mapahaba pa itong kaligayahang tinatamasa ko ngayon.
Pero biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"What the..." Narinig kong boses ni Dom.
At syempre kung nandito si Dom, hindi malalayo si Michelle sa kanya.
"Dom, papasukin mo ako!" Sigaw ni Michelle habang tinutulak si Dom para Makita nya ang dahilan bakit natigilan ang boyfriend.
Ayokong masigawan kaya pinagpatuloy ko ang pagpapanggap na tulog ako.
Naramdaman kong gumalaw si Jon sa kama.
"Bakit naka-snuggle si DJ kay Kath?" Tanong ni Michelle na parang sobrang kalmado.
"Hindi ko alam. Ang alam ko nga natulog si Kath sa gitna naming dalawa." Sumagot naman si Jon na parang antok pa ang boses.
"Gisingin na natin sila." Sabi ni Dom.
"Bakit pa? Hindi mo pa nakikita parang nageenjoy naman sila sa position nila?" Bulong ni Jon.
Dapat ko ata syang pasalamatan sa sinabi nyang iyon. Or baka bumabawi lang sya sa pang-aasar nya kagabi.
"Bagay sila diba?" Dagdag pa ni Jon.
"Hay nako. Gisingin nyo na nga si DJ. Magkaka-stiff neck si Kath dyan sa position nila eh." Sabi ni Michelle.
Gumalaw ako ng konti at nagkunwaring gigising pa lang.
"Buti naman at gising ka na." Bati sa akin ni Michelle.
"Bakit ba kayo andito?" Tanong ni Jon sa kanila habang bumabangon na sa kama.
"May idineliver lang kami." Simpleng sagot ni Dominic.
Ay! Muntik ko nang makalimutan! Kumalas ako sa pagkakayakap kay Kath. Kahit na gusto kong magkayakap lang kami maghapon, kailangan ko nang bumangon.
"Thanks, brad." Tinapik ko ang balikat ni Dom.
"Ano bang dineliver nyo?" Tanong ni Jon.
"Nasa labas na. Lika tingnan mo." Sabi ni Dom at hinila si Jon para sumilip sa bintana.
"Pink?" Yun lang ang nasambit ni Jon.
Alam kong kinikwestyon nya ang sexuality ko dahil sa kulay nang nakita nya.
"Hindi para sa kin. Gago." Sabi ko sa kanya.
"AHH... para sa kanya. Kung ganon eh cute naman." Pambawi nya na halatang natatawa.
"Bumaba na nga kayo at gigisingin ko na ang mahal na prinsesa." Pagtataboy samin ni Michelle.
"Ako na." Volunteer ko.
"Asa ka, DJ. Pagkatapos kong makita ang posisyon nyo kanina, I don't trust you anymore." Sabi ni Michelle. "Alam kong bahay mo to pero wala akong pakialam."
"Pabayaan na natin si Michelle kasama ang prinsesa mo." At itinulak na ko ni Dom palabas ng kwarto para bumaba para mag-breakfast.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.