-Kathryn's POV-
"Kathryn, isipin mong mabuti! Think harder!!!" Utos ko sa utak ko.
Pinikit ko uli ang mga mata ko at naghintay ng ilang segundo baka sakaling may maalala ako. Pero bwiset! Wala talaga. This hangover is making it difficult for me na maalala ang mga nangyari.
At imbes na makaalala ako ay ang mukhang tangang mga ngisi ni DJ ang pumapasok sa utak ko. Nakita ko na yun kanina nung tulog sya at lalo pang lumala nung gumising na sya.
Bakit kaya sya naka-smile? May bonggang katangahan ba kong ginawa kagabi? Pinahiya ko ba sarili ko sa sobrang kalasingan?
Kung ano mang ang ginawa ko o hindi ko nagawa, kailangan ko na lang tanggapin. Sa pagkakakilala ko kay DJ, kung ano man ang nakakatawang nagawa ko ay siguradong ipagkakalat nya yun. At siguradong walang katapusang pang-aasar ang makukuha ko.
Pinapangako ko talaga sa sarili ko na wag nang uminom ng alak ever again sa buong buhay ko!
Bigla namang pumasok si DJ sa kwarto na may hawak na isang baso. Unconsciously, napahawak ako sa kumot na bumabalot sa katawan ko.
"Inumin mo yan para bumuti ang pakiramdam mo." Narinig kong sabi nya nang umupo sya sa tabi ko.
"Ano yan?" tanong ko nang hindi pa rin gumagalaw.
"Gamot yan para sa hangover mo."
"Anong lasa nyan?"
"Hindi masyadong masarap pero effective naman." Nakangising sagot nya.Ayan na naman, nakangisi na naman sya.
Dahil wala naman akong choice, umayos ako ng upo nang dahan dahan. Kahit masakit pa rin ang katawan ko ay hindi ko masyadong pinapahalata kay DJ.
Kinuha ko ang baso na hawak nya at uminom.
"Ewwwww! DJ!!! Sobrang pangit ng lasa!" Nauubo kong reklamo.
"Wala naming akong sinabing masarap."
"Pero di mo rin sinabing ganito kapangit ang lasa."
"Makakatulong naman yan na mawala ang hangover mo."
"Okay lang kahit magtiis na lang ako sa hangover."
"Sige bahala ka. Ikaw na nga ang tinutulungan dyan."
"Seriously. Thanks, but no thanks." Hinila ko uli ang kumot ang binalot ang katawan ko."Hindi k aba naiinitan at balot na balot ka dyan?"
"Hindi!"
"Sigurado ka?"
"Oo naman."
"Sige. Mukhang okay ka naman na, maliligo muna ako."
"Sige lang."Pero nang papasok na si DJ sa banyo...
"DJ, pwede mo bang sabihin sa kin kung anong nangyari kagabi?" Hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.
Natigilan si DJ habang papasok sa banyo at lumingon sa akin.
"Ang naalala ko lang kasi ay nasa bar pa tayo. Hindi ko alam paano ako nakauwi dito. At bakit panty ko lang ang suot ko?" Nagmamadaling litanya ko.
"Ibig mong sabihin wala kang naalala after kitang iuwi?"
Umiling lang ako sa kanya.
"Hindi mo naalalang inakit mo ako?" Tanong nya uli.
OMG. Ginawa ko yun?
"Naghubad ka sa harap ko." Patuloy nya nang hindi ko sya sinagot.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.