-Kathryn's POV-
Nagising akong hindi pa din maganda ang pakiramdam magmula kagabi. And if I may say so, last night was the worst night of my life. Actually yesterday was the worst day of my life.
Pinikit ko uli ang mga mata ko habang inaalala ko yung mga nangyari kahapon. Una ay yung sa jewelry shop. Pakiramdam ki kahit saan ako tumingin ay nakikita ko ang singsing na pinili ni DJ para kay Liza. Soob enough makikita ko ng suot iyon ni Liza at ipinagmamalaki nya na iyon sa ibang tao. Who wouldnt do the same, right? I mean sa laki ng diamond nun noh. Kahit ako gagawin ko din yun. Yun nga lang sya yung bukod na pinagpala. Hindi lang sya magkakaroon ng magandang singsing, mapupunta pa sa kanya si DJ. Kung ako lang, kahit wala ng singsing. Si DJ lang sapat na.
And then the second worst thing happened last night. Pagkatapos kong makaipon ng lakas ng loob. Maraming salamat sa vodka ice. I finally took my last chance para mabawi ko ang akin. Hinalikan ko si DJ. The kiss like always was more than any words can describe. Kakaiba ito pero familiar. Sa gitna ng aming tongue dueling at tonsil hockey ay inakala ko talagang nakuha ko na sya uli. Akala ko narealize na nya na ako ang hinahanap nya. Na ako si Masked Lady.
Akala ko talaga sa kin na uli sya. Until...
Tinigil nya ang paghahalikan namin. I guess I'm wrong. Hindi nya iyon naramdaman. Hindi naalala ni DJ ang kiss namin.
And for the nth time in my young adult life I felt my heart break into a million pieces. From the same man over and over again.
Siguro iniisip nyong ang tanga for letting that happen again. Siguro nga tanga ako. Nung mga unang beses na binreak nya ang puso ko ay nakabangon pa naman ako at nakabalik sa dati. Pero sa pagkakataong ito, mahirap na atang marroair. Alam kong kailangan ko na tong itigil at magmove on habang kaya ko pa.
At iyon nga ang gagawin ko. I owe it to myself. Pagkatapos ng araw na ito ay magsisimula ako ng bagong buhay. Malayo sa lahat ng kaibigan ko sa Pilipinas. Malayo kay DJ. Alam kong hindi iyon madali, pero gaya ng sabi ko, I owe it to myself.
"Okay. Enough is enough, Kathryn!" Sigaw ko at wish ko lang walang nakarinig sa akin.
"Tanggapin mo na. Yun na ang huling chance mo." Patuloy kong sermon sa sarili ko. It's not as if hindi ko sinubukan ang best ko para maalala nya, pero hindi talaga. Siguro ay talagang mahal nya si Liza. Siguro ay hindi talaga kami meant to be na maging more than friends.
Pagkatapos ng nangyari kagabi, I know na dapat ay lumayas na ko. Ang dami kong naiisip na reasons bakit dapat lumayas ako pero may isang reason lang ako bakit hindi. And that reason would be DJ. Kung tutuusin ay sya din ang main reason bakit dapat akong lumayas. But still, hindi ko pa magawang umalis. Not yet.
Hindi naman sa dahil duwag ako. It's more like I'd rather bear the pain for one more day para makasama ko sya for the last time. I'll take the risk. Ano pa bang mawawala sa akin? I have already lost him anyway.
Tiningnan ko ang orasan sa tabi ng kama at nakita kong ala una na pala ng hapon.
"OMG yung game!" Hindi na ko masyadong excited na manood, actually. Pero iyon ang ipinunta namin doon in the first place. And besides, makakapagspend ako ng mas maraming oras kasama ni DJ pag nanood ako.
Mga 7pm pa magsisimula ang game pero maaga daw kaming aalis dahil magiikot pa saglit sa city. Kaya't pinilit ko na ang sarili kong bumangon at pumunta sa banyo.
Ang mahiwagang tanong ko ngayon ay...
"Paano ko haharapin si DJ pagkatapos ng nangyari kagabi?" Tanong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.