-Daniel's POV-
London, England
Pangatlong araw na ng pagsshoot ko ng commercial dito sa London. Hindi ko naman alam na shooting a 60 second commercial was hard work! Mas gugustuhin ko pang matabunan ng paperworks sa loob ng opisina ko kesa dito.
Buti na lang at nagkaoras ako para makagamit ng phone. Una, kinailangan kong icheck ang secretary ko para malaman ko ang mga nangyayari sa opisina habang wala ako. Pagkatapos kong kausapin ang secretary ko, nag-Facetime ako kay Dom. Para lang makibalita kung anong nangyayari sa kanila. Pero sa totoo, gusto ko lang makibalita sa kung anong nangyayari kay Kath.
"Kamusta naman kayo dyan?" Tanong ko kay Dom. Nakita kong pinilit din isiksik ni Michelle and Ingrid ang mukha nila para makita sila sa screen.
"Okay naman kami, pare. Pogi mo sa outfit mo ha." Nang-aasar na sabi ni Dominic. "Malapit na ba matapos ang shoot mo?"
"Nangangalahati na kami. At sinasabi ko sayo, Dom. Mahirap pala to. Sana matapos na to agad."
"Ginusto mo yan, diba?" Singit ni Jon.
"Sinisisi ko pa rin si Alex para dito." Naalala ko na naman kung pano ako binenta ng isang yun. "Teka, kayo lang? Nasaan si Kath?" Nakita ko kasing nilibot ni Dom ang phone nya at nasilip ko sina Alex at Chie sa may likuran.
"Wala pa sya dito, pero sabi nya pupunta daw sya." Sagot naman sa kin ni Ingrid.
"Bakit ang tagal nya? Anong oras na ba dyan?"
"Malapit na mag-1am dito. Kasama nya si James kanina, pero pupunta nga daw sya." Sabat naman ni Michelle.
"Magkasama na naman sila ng lalaking yun?" Nakakainis! Wala pa naman ako dun para mag-spy sa kanila.
"Ano bang problema mo? Alam mo naming lumalabas naman talaga sila kahit nung andito ka pa." Nagulat akong biglang tumapat kay Chie ang phone.
"Pero kasi..."
"Pero ano, DJ? Wag mong sabihing nagseselos ka? Diba mag-bestfriends lang naman kayo?" Tanong ni Ingrid.
"Bahala na nga kayo. Ilang beses na ba silang lumabas simula nung umalis ako? At pwede bang paki tawagan sya at paki tanong kung asan na sya? Gusto ko syang makausap."
"Sige sige ako na ang tatawag." Pag-volunteer ni Michelle.
Habang hinihintay kong bumalik si Michelle.
"Namimiss mo na sya noh, DJ?" Tanong sa kin ni Ingrid.
"Hindi naman masyado." Pero sa totoo lang miss na miss ko na sya.
"Hindi masyado? Parang hindi naman ganun ang nakikita ko."
"Mas higit pa sa friendship ang nararamdaman mo para sa kanya diba?" Si Chie naman ang nagtanong.
"Tigilan nyo nga ako, girls. Worried lang naman ako sa bestfriend ko."
"Kunsabagay, kung ako din naman nasa position mo, magiging worried din ako. I mean, mabait na tao si James and I think gusto nya talaga si Kath." Paliwanag ni Ingrid.
Eh ano naman kung gusto ng James na yun si Kath? Ang tanong ay, gusto din ba sya ni Kath? I don't think so. Pero madalas din silang lumabas kaya medyo natatakot ako.
"Nasaan na ba kasi si Kath?" Naiinis na tanong ko kay Michelle.
"On the way na daw sya. Masaya ka na?" Inis ding sagot nya sa akin.
"Thanks!" Pinilit kong ngumiti sa kanila.
Nakipagkwentuhan pa muna ako sa kanila habang hinihintay kong dumating si Kath.
"DJ! Andito na si Kath." Pagkuha ni Dom sa atensyon ko.
Finally! Bakit ba ang tagal nyang dumating?
"DJ! Wow. Ayos ang porma mo ha. Juan Dela Cruz ba ang peg mo?" Natatawang bati sa kin ni Kath.
"Sige. Tawa pa."
"Nagbibiro lang naman ako. Masyado ka namang seryoso."
"Kamusta naman ang date mo?"
"Ayos lang naman."
"Ayos lang? Nakita ko kung paano ka makangiti kanina tapos sasabihin mo, ayos lang?" Narinig kong singit ni Michelle sa usapan naming.
"Michelle, di kaya ako nakangiti. Wag kang naniniwala sa kanya, DJ!" Pagtatanggol ni Kath sa sarili.
"Ahh ganon ba."
"Totoo. We just had dinner. Wala namang out of the ordinary."
Nahihirapan ako kasi hindi ko alam kung anong dapat kong paniwalaan. Kaya mas minabuti ko pang tapusin na lang ang usapan naming.
"Sige, kailangan ko ng bumalik sa shoot."
"Ay ganun? Pwede ba tayo ulit magusap mamaya?"
YOU ARE READING
Slam Dunk
General FictionWhat could make two friends, best friends that is, fall for each other? They say that love is a ball game, you’ve got to shoot the ball with your heart and soul… with all there is of you… Then it’s a SLAM DUNK.