Chapter 17: What Happens Now

5.2K 183 17
                                    

-Kathryn's POV-

Sa tanang buhay ko ay never pa ko nakaramdam ng ganito katinding sakit ng ulo. Habang pinipilit kong dumilat ay nabulag ako sa liwanag ng sikat ng araw galling sa bintana kaya't naisip kong pumikit na lang muna. Habang nakapikit ay pinilit kong bumangon sa kama at maupo.

"Awwwww!" Napahawak ako agad sa noo ko dahil sa sobrang sakit.

Sinubukan ko uling gumalaw.

"Araaaaay!" This time ang reklamo ko ay hindi lang dahil sa masakit ang ulo ko pero dahil parang masakit din ang hips ko. Sinubukan kong igalaw ang legs ko sa kama.

"Awwww." Parang masakit din ang mga hita ko. Kaya't di na muna ako gumalaw.

Inilagay ko uli ang kamay ko sa ulo ko at hinilot and sentido ko, hoping na mabawasan ang sakit.

"I swear! Hindi na uli ako iinom ng alak!"

Pero talaga bang may kasamang muscle pain ang hangover? Bakit masakit ang katawan ko?

"Pesteng alak yan!"

Matapos ang ilang sandali ay sinubukan kong idilat uli ang mga mata ko. Dahan dahan lang.

Success!

Nakita kong pamilyar naman ang mga bagay sa paligid ko. Nandun ako sa loob ng kwarto ko.

Pero may bigla akong narealize at nalito. Tiningnan ko ang sarili ko at itinaas ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Medyo hubad ako!

Lumingon ako uli sa paligid at nakita ko ang isang pamilyar na tao sa tabi ko.

Si DJ na nakaboxers lang!

OMG! OMG! OMG! Sigaw ng utak ko.

Tumingin uli ako sa ilalim ng kumot. Suot ko pa naman ang underwear ko.

Buti na lang!

Parang mas lalong sumakit ang ulo ko at katawan. Masyado ata akong gumalaw.

Pumikit uli ako at sinubukan kong i-assess ang situation.

1. Headache - hangover - alcohol

2. Nasa kama ako sa apartment ko

3. Natutulog si DJ sa tabi ko

4. Nakahubad sa ilalim ng kumot

5. Masakit ang hips ko at hita

Parang hindi kinakaya ng utak ko ang mga nangyari.

Ngayon sinusubukan kong alalahanin ang mga nangyari kagabi sa party. Pero parang instant amnesia ang nangyari sa akin.

Obviously, si DJ ang nag-uwi sa akin. Kung paano nya nagawa? Hindi ko na alam.

Ngayon ay nakahiga ako sa tabi nya with not much that could pass as a decent clothing habang tulog na tulog sya. Hindi ko mapigilang magisip kung ano talaga ang nangyari.

"Bakit ba wala akong ibang suot kundi ang undies ko?" Nakita ko ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

Bakit parang sore ang ibang parts ng katawan ko?

"Nakita ba ni DJ na nakahubad ako?"

JUSKO!

"Malamang diba? Nakahiga lang sya sa tabi mo." Saway ko sa sarili ko.

"May nangyari ba sa amin?" Hindi ko kayang isipin.

Parang bigla akong naging conscious sa katawan ko kaya't napahawak ako sa kumot at binalot ang katawan ko.

Slam DunkWhere stories live. Discover now