Chapter 9: iSpy

6.5K 160 16
                                    

-Kathryn's POV-

"Totoo ba ito?" Patuloy kong binasa ang dyaryo na hawak ko.

Mahigit na sa isang linggo simula nung huli kong nakita si DJ kaya nagulat ako nang makita ko ang mukha nya sa dyaryo. At sa entertainment page pa. Binasa ko ang nasa article at nakita kong endorser na pala sya ngayon ng Pepsi. At malapit na silang magshoot ng commercial para doon.

"London, England? Ayos ah." Mahinang basa ko sa nakasulat doon.

Tiningnan ko uli ang picture nya at hindi ko napigilan ang sarili kong hawakan ang parting iyon ng dyaryo kung nasaan nakaprint ang picture nya. Deadma na kung madumihan man ako dahil sa print residue.

"Oh my God. I miss you, DJ."

Isang linggo na nga na hindi ko sya nakikita at nakakausap. Kahit pa nagkikita kami ng mga girls for a quick lunch or coffee, wala naman silang nababanggit about DJ na naging endorser ng Pepsi. Honestly, it was the last thing on my mind na papasukan ng lalaking iyon.

"Malamang naipit na naman yun sa kompromiso." Yun lang ang nakikita kong dahilan para mapapayag si DJ doon.

Inipon ko ang natitirang lakas ng loob ko dahil hindi ko na kayang di makausap ang best friend ko.

"DJ?" Nahihiyang bati ko nang marinig kong sinagot nya ang tawag ko.

__________

-Daniel's POV-

Eh di sige ako na ang pinaka-scheming na tao sa mundo. Pakialam ko? It has been a hell week for me. Business is good as usual, pero alam nyo ba what sucks this time around? Ikkwento ko sa inyo ang nangyari this past week.

Last Thursday, nag-away kami ng bestfriend kong si Kathryn. At iyon ay dahil sa James nay un na dinadate nya. Ang kapal din kasi ng mukha ng babaeng yun na sabihan akong iniinvade ko ang privacy nya at nagalit pa nung nag-suggest ako na wag na syang makipagkita sa lalaking yun para sya makakaalis sa pinasukan nyang gulo. Ayun. Sobrang galit. Nag-susuggest lang naman ako.

Fine! Hindi nya nagustuhan ang idea ko. Pero kailangan bang insultuhin nya ko?

At nung sinabi ko sa kanyang gusto lang syang ikama ng lalaking yun, ang sagot pa eh gusto din nya?

NO! Hindi ako papaya. Over my dead demi-God like body!

Kaya nagsimula na ang mga spying schemes ko. Sinisigurado kong andun ako kahit saan sila magpunta (hindi nila alam yun syempre.)

Wala naming kwenta yung second date nila. They just dined and wined. Wala naming sinabi sa kin yung lalaking yun. Ano naman kung binigyan nya si Kath ng napakadaming flowers? Flower vase ba sya? Duh?

Pero ang nakakaiinis talaga eh yung kahit sa trabaho ni Kath andun yung lalaking yun. Kinikwento sa kin ng informant ko, yung boss ni Kathryn, na syempre ako din ang boss.

--FLASHBACK--

"Mr. Padilla." Mr. Ruiz greeted me.

"Oh Mr. Ruiz. Napatawag ka. May problem aba sa opisina?"

"Hindi po tungkol sa trabaho kaya ako napatawag. Tungkol po kay Kathryn."

"Anong tungkol sa kanya? Hindi ba sya nagpeperform ng maayos sa trabaho?"

"Maayos naman po sya, Sir."

"Eh ano nga yun?"

"May bisita po kasi sya ngayon."

"Bisita?"

"Manliligaw po ata ang tamang term, Sir."

"Manliligaw?!"

"Opo. James Reid is here to visit her. At nasa loob po sya ng opisina ni Kath as we speak."

"ANO?!" Bigla akong napatayo sa upuan ko. "What the hell is he doing there?"

"Uhm... Hindi ko po alam."

"Okay. Bantayan mo silang mabuti, okay? At sabhin mo sa kin ang lahat ng nangyayari dyan!"

"Opo, Sir. You can be assured na gagawin ko yan."

"Ano pang hinihintay mo? Pumasok ka na dun sa opisina ni Kath at magbantay!"

Buong maghapon akong disturbed. I patiently waited sa phone call ni Mr. Ruiz. Buti na lang at walang masyadong nangyari.

I felt silly kasi alam ko naming walang masamang pwedeng mangyari sa loob ng opisina. Pero buti na rin naman yung sigurado.

FRIDAY.

Dumating ako sa bar para imeet ang mga kaibigan ko. Sinigurado kong malalate ako para maisip nila na wala pa rin akong pakialam.

"DJ! Hindi mo sila inabutan." Bati sa kin ni Alex nang uupo na sana ako sa couch.

"Sinong di ko inabutan?"

"Si Kath and James." Sagot naman ni Jon.

"Nandito sila?"

"Oo. Kakaalis nga lang. Mga 5 minutes bago ka dumating." Sabi ni Alex sabay abot ng alak sa kin.

"Nasan na sila ngayon?" Tanong ko pero di ko pinapahalatang bothered ako.

"Sabi nila kakain daw sila or something. Who knows? The night is still young." Nakakaasar talaga tong si Alex.

"Ah talaga?" Natahimik ako.

Matapos ang isang oras, napansin kong wala talaga kong naiintindihan sa mga nangyayari sa paligid ko. Masyado akong consumed ng thoughts sa kung anong pwedeng mangyari sa date nila Kath.

This is so frustrating. Kailangan ko ng umalis.

"Guys, kailangan ko ng umuwi. Medyo pagod din kasi ako."

"Pagod o magsspy ka na naman?" Tanong ni Alex. Epal forever.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Just so you know, nagtext si Kath na nasa Italianni's sila sa Greenbelt." Biglang singit ni Michelle.

"Umalis ka na. Puntahan mo na." Tulak pa sa kin ni Dominic at nagtawanan sila.

Okay. Nahuli nila ako. Pero salamat na rin sa information ni Michelle at nahanap ko agad sila. Nakita ko silang papalabas ng restaurant kaya hindi ko kailangang lumabas ng kotse.

Matapos ang ilang minute, sinundan ko na ang sports car nya.

"Where the hell is he going to take her?" Naiinis na sambit ko habang sinusundan ko sila.

Finally, tumigil sila sa harap ng Starbucks. Matagal kong pinagisipan kung lalapit ba ko at magpapanggap na coincidence lang na nagkita kami o magsstay ba ko sa loob ng kotse at hintayin na lang silang lumabas. Mas pinili ko ang maghintay.

10 minutes.

15 minutes.

20 minutes.

Nakakamatay ang maghintay. Baka dapat ngang pumasok na lang ako para sa peace of mind ko. Hindi yung ganitong iniimagine ko ang mga nangyayari sa loob ng coffee shop.

Matapos ang kalahating oras nakita kong magka-holding hands silang lumabas.

I was relieved nang makita kong ihahatid na nya si Kath pauwi. Binantayan kong mabuti from where I was parked kung anong pwedeng gawin bago pa makapasok si Kath sa bahay.

"Hindi mo sya pwedeng halikan. Do you hear me?" Gusto ko syang sigawan nang makita kong lumalapit sya kay Kath at hinawakan ang baba nito.

"Wag kang papayag, Kath. Pigilan mo sya." Nararamdaman ko nang any moment sasabog na ugat ko sa ulo dahil sa stress.

Pero baka narinig ni Kath ang dasal ko dahil nang aktong hahalikan na sya sa labi ng lalaking yun ay umiwas sya kaya sa cheeks lang tumama.

"That was close!" Nakahinga ako ng maluwag at hinintay na makapasok si Kath sa apartment nya bago ako nagdrive pauwi.

__________

-Kathryn's POV-

Ilang beses na din kaming lumalabas ni James on a date. Kagabi bago kami nagpunta sa dinner date, tinanong ko sya kung pwedeng dumaan muna kami sa bar para mameet ko ang mga kaibigan ko. Alam kong hindi nila ko titigilan ng sermon pag di ako nagpakita.

Mabuti na lang at nang dumating kami doon ay wala pa si DJ. Hindi naman sa hindi ko sya gustong makita, pero dahil nga nagkaaway kami ay medyo iniiwasan ko muna sya.

Sinigurado kong hindi kami magtatagal sa bar kaya't umalis na din kami agad bago pa man kami abutan ni DJ.

"Saan mo ako dadalhin ngayon?" Tanong ko kay James pagkapasok ko sa loob ng BMW nya. Nagtataka ako kasi he asked me to dress casually tonight.

"I'm taking you somewhere fun."

"Talaga? Where?"

"Like themepark fun." Nakangiting sagot nya.

Napangiti din ako dahil doon.

"Matagal na kong di nakakapunta sa mga amusement park!"

"I'm glad na nagustuhan mo ang idea ko." Sabi nya habang nagddrive papunta sa Sky Ranch sa Tagaytay.

Honestly, masaya ako kasama si James ng mga oras na iyon. Sinakyan namin halos lahat ng mga rides. As expected, nakilala sya ng mga tao at kinakailangan naming tumigil paminsan minsan para makapagpicture ang mga fans nya. I don't really mind. Mas worried pa nga sa akin na baka naiinis ako pero okay lang naman.

So far, that was the best date I had with him.

Pero bago pa man mag-midnight ay nakareceive kami ng tawag mula sa Manager nya.

"Uhm. Kath, sorry kailangan ko ng bumalik sa Manila. Gusto kasi akong makausap ng personal ng manager ko."

"Okay lang. Sige, tara na."

"Pero hindi muna kita ihahatid ha?"

Slam DunkWhere stories live. Discover now