CHAPTER 3- An Extraodinary Encounter

94 1 0
                                    

CHAPTER 3

An Extraodinary Encounter

Angela’s POV:

Pinilit kong kalmahin ‘yung sarili ko buong araw. Pinag-iisipan ko parin mga posible naming gawin para maging successful ang plano namin. Ang hirap mag-isip lalo na sa medyo hindi gifted sa utak na tulad ko. Never ko naman kasing gumawa ng ganito, never akong nagplano dahil ngayon lang naman talaga ko napunta sa ganitong klase ng sitwasyon.

Ang hirap grabe.

Kung sana man lang hindi si Dave yung nakakuha nung notebook.

O kaya naman hindi ko nalang sana naiwala o naiwan kung saan man ‘yung notebook na ‘yun.

O kaya, hindi ko nalang sana sinulatan ‘yung last page nung notebook na ‘yun.

O kaya rin, sana di ko nalang sya naging crush ng sobra para hindi ko na naisipang isulat yung mga ‘yun!

Disagree yung puso ko sa huli kong sinabi!

Sa dinami-rami naman kasi ng notebook ko na mawawala, bakit ‘yung notebook pa na ‘yun na tanging may sulat ng pangalan nya ang naiwala ko at nakuha pa nya.

Kamalas-malasan nga naman, oo. Napapakamot ako ng ulo habang naiisip ‘yung mga nangyayari ngayon.

Pero wala naman na akong magagawa sa nangyari. Nandiyan na eh. Di ko naman magawang ibalik ang oras para mabago ‘yung nakaraan, para mabago ‘tong sitwasyon ko ngayon at posibleng kahihiyan na kahihinatnan ko in the near future. Kung pwede lang edi sana hinila ko na ‘yung oras pabalik. Gagamitin ko buong lakas ko kahit mapunit na mga maskels ko.

Medyo OA na ‘yun.

Focus. Focus. Focus.

What to do?

Aha!

Pakiramdam ko lumiwanag ang paligid dahil may light bulb sa taas ng ulo ko na biglang umilaw. May kuryente na! I mean, may naisip na ako!

Plan A.

Pupunta ako sa class nya. Hindi ko masabing ninja moves ‘yung gagawin ko kasi hindi naman ako maalam sa moves moves na ‘yun. Pipilitin kong i-timing na walang tao. Siguro gagawin namin to ‘pag PE class nila (Syempre kasama ko si Sarah sa lahat ng mga plano at aksyon). Para medyo safe at walang makakita, magiging watcher ko si Sarah. Hahanapin ko ‘yung bag ni Dave, alam ko naman kung saan banda sya nakaupo kaya kahit papano may certain part ng classroom lang na paghahanapan ko (Medyo stalker nya ako dati pero syempre pasimple lang, ha-ha. Correction, pasimpleng stalker nga rin pala nya ako hanggang ngayon). Kapag nahanap ko na ‘yung bag nya, syempre hahanapin ko ‘yung notebook ko tapos pag nakita ko na, karipas na kami.

Tadah!

Nice plan.

Hindi na muna ako mag-iisip ng plan B. Mukhang gagana naman ‘tong plan A namin. Sana.

So, kelan namin to isasagawa?

Syempre sa PE time nila Dave.

Next week, Thursday. Last subject nila ‘yun before lunch break.

Kaya to!

Go Go! Go! Sarah and Angela!

“Sigurado ka na ba talaga sa gagawin natin?” naglalakad na kami papunta sa building ng fourth year class nang bigla akong tinanong ni Sarah.

Actually, pang -----? time na n’ya to tinanong, hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon