CHAPTER 18- Listen to Sarah's Mind

29 1 0
                                    

CHAPTER 18

Listen to Sarah’s Mind

 -------

super sorry kung di ako nakapag-upload ulit on time super busy kasi sa pag-apply sa work :'< Pero may super good news! :))) Tapos na po ang HLE at... i-upload ko na lahat ngayon hanggang epilogue! :D yipiee!!! pinagpuyatan ko nang tapusin kaninang madaling araw, 3am na ko nakatulog at ang gising ko ay 5:30 dahil sa medical hahahaha. at medyo na-edit ko na rin lahat kaya super HAPPY READING guys!!! :))) <3

bdw, part of this will be Sarah's POV :)

--------------------

Dave’s POV:

“Parang gusto kong mag-entrepreneurship o kaya business management,” all of a sudden ay nasabi ni Angel na tila nag-iisip.

“Bakit naman ‘yun ang napili mo?” tanong ko naman.

“Hm.. wala lang. Gusto ko kasing palakihin ‘yung grocery namin. Malaking tulong kasi ‘yun. Tutal nasimulan naman na, why not palakihin pa ‘di ba?”

“Tama ka.Magandang idea rin ‘yan.” sang-ayon ko.

“Tingin mo?”

“Oo naman. Basta mahalaga gusto mo ‘yung course mo,” sagot kong nakangiti.

“Ikaw ba, anong plano mong kunin sa college?Di ba mag-college kna after dito?Graduating ka na nga pala.”

“Oo nga eh. Gusto ko maging Civil Engineer. ‘Yun talaga’ng pangarap ko mula pagkabata.”

“Wow, magaling ka bang mag-drawing?” tanong niya.

“Medyo,” sagot ko naman.

“Engineer Dave. Hm...edi ibig sabihin magaling ka rin sa math?”

“Mmm, pwede na rin.” sagot ko na bahagyang napapatango.

“Naks naman!” sabi niyang natatawa.

Natawa na rin ako sa reaction niya. “Gano’n talaga ‘pag pogi.” biro ko.

“Sus, ang yabang!” tinarayan pa niya ako pero nakangiti naman.

“Bakita, hindi ba?” tukso ko kunwari.

“Ehem, ehem. Parang may storm signal na sa tabi ko!”

Lalo akong natawa sa kanya, “Biro lang! ‘To naman.”

“Haha, sus, kunwari pa.”

“Ikaw ‘tong kunwari pa eh.”

“Kunwaring ano?”

“Kunwaring napapangitan sa ‘kin.Hahahahahahaha!”

“Oi grabe! Ang yabang mo talaga!!!” malakas niyang sabina napahampas pa sa balikat ko, pero tumatawa rin naman siya.

-      - - - - - - -

Gusto niyang mag-business management or entrep? Parang maganda nga na ipagpatuloy niya ‘yun. Kung sakali man, mas matatanggap na siguro siya ni daddy dahil siya na ang bahalang mag-manage ng company kung maging kami nga. Kahit papaano ay hindi na mag-aalala si daddy kahit hindi ako ang magmanage ng kumpanya. Tama. Dapat ay pag-igihan ni Angel ang course niya. Susuportahan ko siya, nang sa gayon, matanggap siya ng pamilya ko. Dahil wala na ‘kong ibang nakikita na makakasama kong babae in the future kung di siya. Si Angel lang.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon