CHAPTER 21- Last Few Happiness

25 2 0
                                    

CHAPTER 21

Last Few Happiness

“Kamusta naman yung entrance exam mo?” tanong ko kay Dave.

Ilang linggo kasi siyang hindi nakakapunta dito dahil busy na siya sa pag-aasikaso para sa college.

Malungkot siyang tumingin pero maya-maya’y ngumiti siya ng pilyo. “Okay naman, chicken!” sabi niya at tinaas-baba pa ng sabay ang dalawang kilay.

“Kayabang nito. Dapat lang na pasado noh, nakakahiya ‘pag bumagsak ang valedictorian sa entrance lang.”

“Ikaw Jose, ano nga’ng course mo?” si Sarah naman ang nagtanong.

“Business Management Major in Banking and Finance. I sure passed that easy exam!”

Umiling-iling si Sarah, “Magkaibigan nga kayo, parehas mahangin.” sang-ayon niya sa ‘kin.

“Totoo naman ah, kayo talaga kontra lagi.” sabi ni Dave, “Oh, eto sayo na lang yan kesa itapon ko.”

“Ano ba to?” kinuha ko ang iniabot niyang envelope. Parang makapal ‘yung nasa loob at medyo matigas.

“Scratch ko, gawin mong display.” sabi niya na parang wala lang.

“Grabe ka naman, scratch pa ibibigay mo sakin!” sabi ko na nagtatampo pero, “Woa! Kala ko ba scratch!” namilog lalo ang mga mata ko pagkakita sa ‘scratch’ daw niya.

Sketch to. Portrait ko. Naka-frame pa!

“Ay Gondo!!! Gusto ko rin niyan!” sabi ni Sarah.

“San mo pinagawa to?” biro ko, sobrang ganda kasi, nakaka-flattered.

“Ako lang gumawa niyan, sige Sarah igagawa rin kita next time.”

“Wow, thank you!”

“Ikaw? Baka naman pina-xerox mo lang ‘yung picture ko.” biro ko.

“Ako nga, saglit ko lang nga ginawa yan, eh. Sobrang dali lang, kasi alam na alam ko na ‘yung itsura mo na hindi nabubura sa isip ko.”

Biglang ganun?

“Kesooo!” kilig naman si Sarah.

At ako pa ba ang hindi kikiligin sa sinabi niya, syempre red face to the max na ang lola mo!

“Oo na,” di ko maiwasang ngumiti ng super ngiti dahil sa kilig. “Salamat ha.”

“Wala ‘yun, madami akong portrait mo na inisketch. Nga pala, salamat dito sa regalo mong relo. Lagi ko tong isusuot, ito na nga ang paborito ko eh.”

Kanina ko pa nga napansin na suot niya yung relo na nabili ko sa mall. Yun yung niregalo ko nung graduation niya. Bagay naman pala sa kanya kahit hindi kasing mahal nung iba niyang gamit, may brand din naman pero hindi tulad ng iba niyang relo.

“Buti naman at nagustuhan mo.”

“Oo naman! Basta galing sayo, kahit tuyong dahon lang yan itetreasure ko parin.”

“Kesoooo!!!” sabat na naman ni Sarah.

Tawa nalang kami ng tawa kay Sarah. Ayos yung timing eh.

“Hey, where’s mine?” tanong ni Jose kay Sarah.

“Yours? What’s yours?”

“Graduation gift. I also graduated, you know.”

“And so?”

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon