CHAPTER 9- Whether you like it or not

41 1 0
                                    

CHAPTER 9

Whether you like it or not.

Weee!!! Here we go again! Nagbabalik! Hahaha. Sorry ngayon lang ulit nakapag-upload. Naging super busy at nagloko laptop ko, akala ko nga nabura na mga files eh, buti na-save pa. wooo! :D Kamusta naman?

Enjoy reading!!! :)

Angela’s POV:

One week nalang Sports fest na. Pinakahihintay ng mga athlete samin. Hindi naman kami nagpupunta sa mga ganoon pero pinilit ako ni Marcus na pumunta. Gusto raw niyang makita ko siyang maglaro, pagbubutihan daw niya. At gusto raw niya akong makita para sure win sila. Inter-school yung sports fest kaya ibang school ang mga magiging kalaban nila. Next week, Leonicio Mateo Memorial High School ang kalaban nila.

“Pupunta ba talaga tayo next week sa game?” tanong ni Sarah. Ramdam kong tinatamad siya at hindi nga kami nanonood ng sports fest dati.

“Pagbigyan na natin, kahit sa unang game lang. Maayos namang nakiusap si Marcus.” sagot ko. Sa totoo lang, tinawagan pa ako ni Marcus at kinausap ng personal para lang piliting manood ng game nila. Effort di ba?

“Okay, whatevah.”

Uwian na kaya pauwi na rin kami. Pagkalabas namin ng school, may natanaw akong pulang sasakyan. Halatang mamahalin at ubod ng kintab. Parang nakakatakot malagyan ng fingerprints. Siguradong mayaman ang may ari nito.

Pero may mas nakaagaw ng atensyon ko. Madaming estudyanteng naglalakad pauwi na humaharang sa tinatanaw ko pero palagay ko ay si Dave ang nakikita kong nakikipag-usap sa taong nasa loob ng sasakyan.

Sino ‘yung kausap niya? di ko maiwasang mapatanong sa isip.

“Angel, di ba si Dave ‘yun?” mukhang nakita rin ni Sarah.

“Oo, sino kaya ‘yung kausap niya sa sasakyan na ‘yun.”

“Tara, lapitan natin.”

Nakakahiya pero ayaw akong tigilan ng curiosity ko. Madami pa akong hindi alam tungkol kay Dave. Alam kong wala akong karapatan na malaman ang mga bagay tungkol sa kanya pero hindi ko maiwasang hindi alamin.

Nahila na ako ni Sarah bago pa ako nakapag-isip ng matino.

“Dave!” malayo pa kami ay sumigaw na si Sarah para mapansin kami ni Dave.

Napalingon naman siya pero bakit parang nagulat siya. Pero saglit lang ‘yun, ngumiti siya agad at sinabing, “Hi, kayo pala.”

“Hi, ahm, sino ‘yang kausap mo?” ako na ang nagtanong.

“Ha? Ah.” Parang nag-iisip siya ng sasabihin, bigla siyang lumingon sa tao na laman ng sasakyan, “Sige po, mag-ingat kayo.” Kumaway pa siya ng bahagya. Humarap siya sa amin. Pero naghihintay parin ako ng sagot. Sa totoo lang, okay lang naman kung ayaw niyang i-share. Nagbabakasakali lang ako para mabawasan ‘yung mga tanong ko sa utak. “Ah, tiyuhin ko yun na mayaman. Napadaan lang siya dito dahil galing siyang Nueva Ecija. Kinamusta lang niya ako bago bumalik ng Manila.”

“Ah, mayaman nga.”

“Oo,” sabi lang niya, “Gusto niyong kumain? Libre ko kayo kakasweldo ko lang.” nakangiti niyang tanong.

Matatanggihan ko ba naman ang ganitong mukha?

“Sige bah!” naunahan na ako ni Sarah.

“Saan niyo ba gusto? Basta ‘wag lang masyadong mahal, ah.” Natatawa niyang sabi.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon