CHAPTER 7- Is the feeling mutual?

63 1 0
                                    

CHAPTER 7

Is the feeling mutual?

As promised nag-upload agad ako :D Medyo minadali ko pala pag-eedit kaya baka may mga typo na or something. Pero sana wala hahaha :D

Happy reading :)

­­­­­­­­­­­­­­­­­­_____________________________________________­­­­­­­­­­­­­­­­­­__

Angela’s POV:

Hindi ko kinakaya ‘yung atmosphere kanina. Ang tagal naming nag-uusap ni Dave. Nakikipagtawanan na rin siya sa amin ni Sarah. Parang… magkaibigan na kami?

Hoy, Angela. Masyado kang nag-iisip. Malay mo ikaw lang ang may gusto na maging magkaibigan kayo. Baka nagkataon lang na nasa mood siya kaninang mamansin ng ibang nilalang sa mundo. Kontra agad ng kabilang bahagi ng isip ko.

Masama bang umasa?

Oo, nakakaadik ‘yan. Aasa ka nang aasa pero wala ka rin mapapala sa huli. At anong inaasahan mo? Magkagusto siya sa’yo? Gumising ka nga, Angela.

Grabe naman ‘tong kabilang part ng isip ko. Masyado akong dinadown.

Nandito pala ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo sa sahig at nakasandal sa side ng bed habang hawak ‘yung panyo ni Dave.

Hayy.. naalala ko na naman nung hinawakan niya ‘yung kamay ko nung ibinalik niya ‘yung panyo. Hindi ko maiwasang kiligin. Ang warm pa ng kamay niya.

Parang pwedeng ‘yung kamay nalang niya ang hawak ko habang buhayyy… (ayan na naman po ang pag-de day-dreaming ko.)

Inilapit ko sa mukha ko ‘yung panyo. Inamoy ko pa na parang nalalanghap ko ‘yung amoy ng pawis ni Dave dito, kahit nilabhan ko naman na ‘to. Hahaha!

Grabe talaga kanina. Hindi ako makatagal sa presence niya. Gustung-gusto ko nang tumili sa kilig kaso nakakahiya. Kaya niyaya ko na si Sarah na umuwi kasi baka kapusin na ako ng oxygen. Mukha lang talaga akong kalmado lagi kapag kaharap siya.

Tumayo ako at pumunta sa study table ko. Binuksan ko ‘yung isang drawer dun at kinuha ko ‘yung isang pirasong papel. Ito ‘yung last page ng trigo-notes ko. Binasa ko ulit ‘yung nakasulat dun tapos itinupi ko at inipit sa panyo ni Dave, na ngayon ay napasakamay ko na. Bwahahaha.

Kamusta na kaya si Dave ngayon? Ano na kaya ang ginagawa niya.

Hmm.. san ba siya nakatira? Kahit stalker niya ako hindi ko naman tinry na sundan siya hanggang sa inuuwian niyang bahay. Okay na sa akin ‘yung makita ko siya sa school at sa Prince’s Fb. Pero medyo curious na ako ngayon.

Kasama kaya niya ang parents niya sa bahay nila? Bakit kailangan niyang magtrabaho kung high school palang naman siya. At bakit wala siyang masyadong kaibigan o ka-close sa school namin? Lalaki naman siya, hindi ba’t kapag lalaki tapos high school pa, bumubuo sila ng tropa? Pero wala si Dave nun. O baka naman hindi ko lang napapansin.

Dave’s POV:

“Ano’ng ibig sabihin kapag gusto mo laging makita ang isang tao at masaya kang kasama siya?” tanong ko sa kanila. Seryoso’ng mga mukha namin. Pero biglang tumawa si Keith. “Problema mo?”

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon