CHAPTER 14 -Ang Suhol ni Dave

38 1 0
                                    

CHAPTER 14

Ang Suhol ni Dave

 --------------------------

Okay, this is a short chapter. :) pero kakilig na part. Hahaha!

Enjoy reading! :D

 -------------------------

Angel’s POV:

From Dave: Open your window. :)

Woah. Bigla akong kinabahan na na-excite nung mabasa ko ‘yung message. Nasa labas ba siya ng bahay? Malalaman ko lang kung titingnan ko di ba? Okay titingnan ko na.

Pero una akong tumingin sa salamin. Maganda pa ba ko? Maayos pa ba hitsura ko? Nang makuntento, lumapit na ako sa bintana.

Binuksan ko. Pero walang tao.

Nag-ring ulit ang phone ko. Si Dave ulit. Sinagot ko na.

Dave: Bakit mo binuksan ‘yung bintana mo?

Hindi ko naman siya nakita sa labas, eh. Baka sinusubukan lang niya ko at hinuhuli kung ginawa ko ‘yung text niya.

Me: Hindi ko binuksan ‘yung bintana ko.

Bigla kong naisara yung bintana.

Dave: Oh, bakit sinara mo na?

Me: Pake mo ba.

Dave: Sungit. Buksan mo ulit.

Me: Ayoko nga.

Dave: Edi binuksan mo nga kanina. Hahaha.

Me: Ha-ha, nakakatawa.

Dave: Sungit mo naman, eh. Sorry na.

Me: O, bakit ka nag-sosorry?

Dave: Kasi galit ka sa ‘kin, di ba?

Me: Bakit mo naman naisip na galit ako?

Dave: Ramdam ko lang.

Me: Ramdam daw.

Dave: Angel, ikkwento ko lahat sa ‘yo. Pakinggan mo sana ako.

Me: Kung magku-kwento ka, sana ‘yung totoo.

Dave: Lahat ng sasabihin ko ngayon ay totoo. Angel, hindi ako galing sa hirap. Pero totoong mahirap ang buhay ko ngayon. May mga bagay na hindi ko pa masabi sa ‘yo dati dahil na rin napaka-kumplikado ng sitwasyon ko.

Kinwento niya sa ‘kin ang tungkol sa pamilya niya. Tungkol sa kagustuhan ng magulang niya at sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ko alam kung nagsasabi na nga siya ng totoo pero parang may nagsasabi sa akin na magtiwala sa kanya.

Dave: Ngayon, walang wala talaga ako dahil mag-isa lang akong sumusuporta sa sarili ko. Pero okay lang ‘yun kasi kaya ko pa naman. Oo, magulo ang pamilya ko sa ngayon, pero aayusin ko na ulit. Aayusin ko na para na rin maging at peace na ang pakiramdam ko. Miss ko na rin pamilya ko at gusto kong makilala mo sila. Angel, sana maintindihan mo.

Me: Okay.

Dave: Okay?

Me: Okay nga.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon