CHAPTER 24
When It Happen Twice
Angels POV:
Nakakatoxic pala ang mag-organize ng company outing! Naging scratch paper nalang lahat ng page nitong notebook ko. Pero kapos parin yung mga naiisip kong activities para hind imaging boring yung outing.
Lumabas muna ako ng office at lumapit sa cubicle nina Sarah at Tyler.
“Tulungan niyo naman akong mag-isip ng activities for outing oh.” nakikiusap na ako dahil ang haggard na ng brain ko.
“Sure Mam Manager!” sabi ng bading na si Tyler.
“Assistant Manager palang, Tyler.” paliwanag ko.
“Ano na ba’ng naisip mong ideas?” tanong naman ni Sarah na kasalukuyang kumakain ng ensaymada.
“Hm, ang plano ko kasi, tutal 4 days naman ‘yun, siguro yung second day parang leadership training nalang.” nakikurot ako ng tinapay at kinain ito.
“Second day agad? Wala munang first? Chakables naman!” maarteng sabi ni Tyler.
“Wala nga ako masyadong maisip.” nakasimangot kong sabi, “Kaya nga I need your help.”
“Sige ganito kaya,” kumuha si Tyler ng bond paper at kinuha yung ballpen na hawak ko. “Sa first day,” sinusulat niya ang sinasabi niya, “First day. Hm. About communication muna siguro at forming ng teams and theme!”
Inimagine ko ang sinabi niya. “Okay ‘yan. Bubuo muna tayo ng theme ng outing. Sige sulat mo na, magandang panimula nga ‘yun.”
“Pwede na siguro ‘yung training na plano mo para sa second day,” sabi ni Sarah having her last bite of ensaymada.
Nagpatuloy ang pagpaplano namin hanggang matapos rin ang 4-day activity plan.
“Ayan! Bongga to!” winagayway ni Tyler ang papel na pinagsulatan namin.
“Oo nga! Sana mag-enjoy lahat.” natutuwa kong sabi. Sa wakas at natapos rin ‘tong pagpaplano ng outing. Aayusin ko nalang pagbalik sa office.
Tinupi ko yung bond paper at inilagay sa pocket ko. Saktong lunch break na kaya tumuloy na muna kami sa cafeteria.
Pagbalik sa office, sinimulan ko nang itype sa desktop ang plan na nagawa namin nina Sarah at Tyler kanina. Kaso may biglangpumasok sa isip ko. Bigla kong naalala na parang may kulang…
Shocks! Yung notebook ko, san ko nalagay???
Pinilit kong alalahanin kung saan ko ‘yun naiwan pero hindi ko talaga maalala. Saan-saan ba ‘ko pumunta kanina?
Dito sa office, sa cubicle nila Tyler at Sarah, sa powder room, sa cafeteria.
Naku!!! Ang dami ko palang napuntahan.Natataranta yung isip ko. Favorite ko yun eh!
Dave’s POV:
Ibinigay sa ‘kin ni Sarah ‘yung notebook ni Angel na naiwan nito sa table ni Tyler. Nakita ko rin silang nag-uusap usap kanina mula dito sa opisina ko.
Dahil nagkasakit si daddy, liver problem daw, ako muna ang mamamahala ng buong The Crown Group, pansamantala. At dahil isa ito sa mga company under ng The Crown, kailangan ko rin itong puntahan at icheck.
Sumilip ako sa window para makita ang mga empleyado. Nakita kong parang may hinahanap si Angel. Silip dito, silip doon. Tingin dito,tingin doon. Pati mga basurahan binubuksan niya para makita ang bagay na ‘iyon’. Well, alam ko naman kung ano ang hinahanap niya.
BINABASA MO ANG
Heaven Love Earth
Storie d'amoreThis is a love story of high school teens na nainlove at nagkalayo dahil sa status ng kanilang buhay. Let's find out kung ano'ng mangyayari sa kanila in the end. Manaig kaya ang rule of fame and money, or their love will move mountains para sa magan...