CHAPTER 5- It's a new Dave

87 1 0
                                    

CHAPTER 5

It’s a new Dave

 ___________________________________________________________

Ayan, medyo mahahaba na ang chapters ko. hahaha. nag-eenjoy na akong magsulat eh :)

Sorry kung medyo late na ko nag-upload, super busy kasi sa graduation at inhouse review :) pero pilitin ko parin mag-upload regularly :D

i dedicate this chapter sa mga kaibigan ko na kasama ko ngayon sa compshop na nagdodota sa tabi ko. hahahaha. wala lang :) pati kay Arjun na laging nagbabasa ng stories ko!! :) 

Enjoy reading!

___________________________________________________________

Dave’s POV:

Nagpalit na agad ako ng damit nang makarating sa bahay. Ang daming customer kanina. ‘Yung high school daw yata malapit dun ay may event kaya madaming grupo ng mga estudyante na naglibot at kumain sa labas. Ayun, pagod talaga ako.

Humiga na ‘ko sa maliit kong kama. Pagod nga ako pero gising pa’ng utak ko.

Nakatitig ako sa kisame. Maya-maya pa, may naalala ako na biglang nagpangiti sa ‘kin.

Kakaibang encounter talaga ‘yung nangyari sa ‘min ni Angel kanina. Hindi ko rin inasahan ‘yun. Pagkaalis nga nila nung Sarah, hindi na ‘ko tumuloy sa PE class ko, eh. Tinamad na rin kasi ako. Nung bumalik mga classmates ko sa classroom, tinanong nila ako kung bakit hindi na ‘ko sumunod sa PE. Sabi ko nalang sumakit ulo ko, mukhang naniwala naman sila sa dahilan ko.

Lalo kong nginitian ‘yung ceiling nung maalala ko ‘yung time na nayakap ko siya. Akala pala niya si Sarah ‘yung tumabi sa kanya habang umiiyak siya.

Nung una nagulat ako kasi bigla siyang yumakap at umiyak sa balikat ko pero nung lalayo na sana siya, pakiramdam ko dapat ko siyang i-comfort sa ganung paraan kaya pinigilan ko ‘yung paglayo niya. Pakiramdam ko kakalma siya kung itutuloy ko ‘yung pagyakap sa kanya.

Don’t get me wrong. Walang malisya ‘yung pagyakap ko. Instinct ko lang ang nagsabi na kailangan niya ng kaibigan na yayakap sa kanya. Na mas kakalma siya kung i-cocomfort ko siya. Nagkataon lang na ako na ‘yung nandoon sa tabi niya nang mga oras na ‘yun. At tama naman ako, mukhang gumaan naman ‘yung pakiramdam niya nung hinayaan ko siyang umiyak muna sa balikat ko.

Para siyang bata. May pagkaweird talaga pero I found it, somehow, cute.

She looks so fragile. Iyakin.

At bagay sa kanya ‘yung pangalan nya.

Angel.

Again, I smiled at my thoughts.

Hindi ko na siya nakita sa fast food kanina. Aaminin ko, hinanap ko siya dun. Nasanay na rin ako na lagi siyang nakatambay dun kahit konti lang naman ang binibili niya at mabilis lang maubos.

Baka nahihiya sayo. Sabi sa ‘kin ng isip ko.

Mukang nagsisimula na ‘rin akong maging weird, ah. Nakakahawa ba ‘yun?

Bakit naman siya mahihiya? Dahil alam ko na ‘yung secret niya sa notebook? Malay ko ba kung sinong Dave ‘yun. Baka mamaya kabatch niya ‘yun. Hindi ko naman agad inisip na ako nga ‘yung Dave na ‘yun dahil madami namang Dave sa mundo. Pero naiisip ko rin minsan na baka ‘yung Dave na tinutukoy sa secret letter na ‘yun ay ako nga.

Hindi kaya ako ang dahilan ng madalas na pagtambay niya sa fast food na pinagtatrabahuhan ko?

At kaya siya umiyak ay dahil nabunyag na ‘yung secret niya na sa kanya pala ‘yung notebook na ‘yun na may hidden letter para sa ‘kin?

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon