CHAPTER 15- Crazy For You

28 1 0
                                    

CHAPTER 15

Crazy For You

“Hindi ba talaga pwedeng dito ka na ulit mag-stay, anak?”

“Mommy naman, 4th year na ako, oh. Siyempre dapat tapusin ko na ‘yun doon. Ayoko nang mag-stop, tumatanda na ako.” Pabiro kong sabi. Aalis na kasi ako mamayang hapon para bumalik sa Bulacan.

“Promise mo babalik ka sa new year.”

“Mom…”

“Magtatampo talaga ako kapag hindi ka bumalik.”

“Opo, sige babalik ako.”

“Good.” At sa wakas ay ngumiti na siya. “Sige, ayusin mo na nga ‘yan. Maghahanda ako ng babaunin mo, ha.”

“Sure, mom.”

Inaayos ko na kasi ang mga gamit ko, kumuha na rin ako ng kaunting damit pa. Para lang may bagong maisuot kapag niyaya ko ulit mag-date si Angela. Alam naman na niya na mayaman ang pamilya ko. Practical nalang na kukuha ako ng damit ko dahil wala na rin akong panggastos para bumili pa ng mga bagong damit.

Maaga pa naman. Mamayang lunch kasi ininvite kami ng family nila Keith. Close friend ni mommy ang mom ni Keith kaya nga siya rin ang kauna-unahan kong nakilala at unang naging best friend.

Naayos ko na’ng lahat ng damit. Iniisip ko naman kung paano dadalhin itong regalo ni daddy at mommy sa ‘kin kahapon as Christmas gift. Binigyan ako ni daddy ng bagong set ng formal wear. Siya daw mismo ang bumili noon, isuot ko raw sa Prom namin o sa graduation. May black slacks, light blue na striped long sleeves, black coat and navy blue-colored tie. May kasama ring pair of black leather shoes. Si mommy naman binigyan ako ng customized planner na may whole name ko at bagong wrist watch na white gold.

Bandang huli, wala rin akong choice kundi magdala ng isa pang bag dahil kahit anong baligtad ng bag ang gawin ko, hindi talaga maisingit yung regalo ni daddy, ayoko  namang masira ‘yon pag pinilit ko. Sinuot ko na ‘yung relo tutal wala naman akong sinuot na relo nung pumunta ako dito.

10:30am na kaya naghanda na rin ako para sa lunch. Casual lang naman daw dahil family lang namin at nila Keith ang magkakasama sa table sa restaurant na pinareserve nila. By the way, they own that resto.

Magkakasama kaming pumunta roon at magkakasama ring umuwi. Naging maayos naman ang lunch. Kamustahan lang at nag-usap sila ng kaunti tungkol sa business. Napag-usapan din ang tungkol sa pag-college namin. Naalala ko pa ang usapan tungkol doon…

“Keith decided to take up Culinary. Para daw pag nagbukas ulit ng bagong branch itong restaurant, siya na mismo ang magiging head chef.” Pagmamalaki ng mother ni Keith.

“Ikaw hijo, anong plano mong kuhanin?” tanong sa akin ng papa ni Keith.

“Ah, I’m planning to take Civil Engineering.” Mahina kong sabi. Napatingin rin ako kay daddy. Wala akong nabasang emotion sa mukha niya. Si mommy naman nakangiti lang.

“That’s a tough course, but its good. Akala ko nga related sa business ninyo ang kukuhanin mo, eh. Pano ‘yan kumpare, sino ang magmamanage ng company mo?” tanong ni Tito Reynan kay daddy, papa ni Keith.

“Hindi ko pa alam.” Sagot niya kay Tito Reynan, tapos ay tumingin siya sa ‘kin. “Anak, hindi ba talaga pwedeng sa company ka nalang?” sabi ni daddy pero agad na hinawakan ni mommy ang kamay niya, parang sinasabi na, Tama na, h’wag na natin pagtalunan.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon