Chapter 2- When You See It, You'll... >.<

105 3 2
                                    

CHAPTER 2

When you see it, you'll... >.<

Angela's POV:

"Thank you rin," sabi ko nung binigay na niya mga order ko. Kinikilig na naman ako.

Nilagay ko sa table namin ni Sarah yung mga inorder namin. Sabay nagkatinginan kami. Ngiting-ngiti.

"O ayan ah, nakita mo ulit sya. Halos araw-araw nalang mula ng malaman mong dito sya nagpapart-time lagi ka nalang nagyayaya dito, wala naman tayong pera." Sabi ni Sarah.

She is my best friend since elementary. Nakatira siya sa kabilang street namin. Magkaibigan din mga magulang namin.

"Oo, super kilig to the max na nga ko eh," namumula kong sabi sabay tingin sa counter. Tiningnan ko saglit si Dave habang busy na sa pag-aasikaso sa ibang customer.

Mula nang malaman ko na nag-tatrabaho sya dito, half a year ago, madalas na akong pumunta dito para lang bumili ng isang pirasong burger, or isang regular fries or ice cream lang.

Actually, para lang makita sya.

Minsan di ko sya naaabutan dito. Siguro off sya nun or ang iba schedule nya. Pero madalas parin akong nagpupunta.

Three to five times a week siguro.

Wala din naman kasi akong pera para araw-arawin. Di naman kami mayaman no. Kaya nga sa public school lang ako nag-aaral.

"Mga hanggang anong oras ba tayo dito?" tanong ni Sarah. Naiinip na ata ang loka.

"Saglit nalang, five minutes." Sa totoo lang, mag-iisang oras na kami dito. Ubos na lahat ng pagkain namin at wala na rin naman talagang dahilang para magtagal pa.

Meron pala. Gusto ko pa 'syang' makita. Kahit saglit pa.

"Kanina pa 'yang five minutes mo, eh" sabi ni Sarah. "Hinahanap na 'ko ni mama." Dagdag pa niya.

Hay nako naman, di pa 'ko mapagbigyan, "Sige na nga, tara na." yakag ko sabay ubos ng lumiit nang yelo sa baso ng orange juice.

Inayos na namin mga gamit namin at tumayo na kami. Ayoko mang umalis pa pero wala na 'kong magawa. At tama naman si Sarah, medyo matagal na kaming nakatambay. Nakakahiya, baka kilalang kilala na kami ng mga crew dito.

Bago lumabas ng pinto, lumingon ulit ako sa counter. Saktong paglingon ko, nakatingin 'sya'!

Biglang talikod na ako.

Bigla kasing bumilis heartbeat ko. Kumakabog na parang lalabas na sa ribs ko na hindi ko maintindihan. Nag-init 'yung pisngi ko, feeling ko pulang pula na ko.

Kahit gusto kong lumingon pa, di ko na magawa. Baka kasi makahalata na sya.

"Tara na dali," hinila ko na si Sarah at nagmadali na kong lumabas.

Sumakay na kami ng tricycle papasok sa barangay namin.

Pagbaba...

"Anj, galit ka ba?" akala ata ni Sarah kaya ako nagmadali dahil nainis ako sa kanya. "Sorry na, next time mas tagalan nalang natin." Sabi niya na nakangiwi. Di alam kung ngingiti o sisimangot.

Nagulat naman ako dun. Akala pala nya galit ako.

"Ha? Hindi, wala 'yun. Naiihi na rin kasi ako kaya nagmamadali na rin akong makauwi." Pagdadahilan ko nalang.

Umuwi na kami sa sarili naming mga bahay.

Kinikilig parin 'yung puso ko dahil sa nangyari kanina.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon