CHAPTER 19- Meet his family

30 2 0
                                    

CHAPTER 19

Meet his family

Angel’s POV:

Niyaya ako ni Dave na pumunta sa kanila. At ngayon papunta na nga kami.

“Okay ka lang?” tanong niya sa ‘kin.

“Oo naman,” kasinungalingan ‘yun. Ang totoo sobrang kinakabahan ako. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa idea na makikilala ko na ang parents niya, dahil parang iba ‘yung kaba na nararamdaman ko ngayon.

“Sigurado ka? Parang hihimatayin ka, oh.”

Ganun ba ka-obvious?

Napatingin lang ako sa kanya at hindi nakapagsalita.

“Joke lang,” bawi niya. “Relax ka lang, ah.” Sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

I feel at peace sa ginawa niya. Parang biglang naging warm ‘yung nararamdaman ko. Nakatulong ng malaki para mabawasan ang kaba ko.

At sa tagal ng biyahe, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

“Angela…”

Naririnig kong may tumatawag sa ‘kin, “hmmm?”

“Angel… Angel gising na, malapit na tayo.”

Bigla akong nagmulat ng mata at napa-upo ng maayos. Nakatulog pala ako at balikat pa niya ang ginawa kong unan.

“Tulo laway.”

Napatakip ako sa bibig at tumalikod sa kanya.

“Hahaha, biro lang!”

Nang masiguro kong wala naman pala akong marka ng madungis na pagtulog, humarap na ko sa kanya. “Baliw ka!” sabay hampas ng mahina sa braso niya.

Tawa lang siya, “joke lang nga eh!” tapos ay pinag-interesan ang buhok ko at ginulo.

“Aray, ano ba, Dave! Magbubuhol yan!” sabi ko na kunwaring galit at ginantihan siya.

“Teka, yung wax ko!”

“Eh yung buhok ko din!”

Hinawakan niya ‘yung magkabilang pisngi ko at pinisil.

“Arrrrraaaay!!!” sabi ko habang pinapalo ang kamay niya hanggang mabitawan niya ang mukha ko. “Ang sakit! Salbahe talaga!”

“Ang cute mo, eh. Para kang cartoon.” at sinabayan ng malakas na tawanan.

“Sir, malapit na po tayo.” sabi ng driver. Pinasundo kasi kami ng mommy niya para hindi raw kami mahirapan sa biyahe.

“Ah oo nga. Umayos ka na kasi.” sabi niya sakin.

“Ikaw kaya ang umayos,” sagot ko habang nagsusuklay ng buhok na nagkabuhul-buhol na. Nawala na rin sa pwesto ‘yung ribbon clip ko.

“Malapit na?” tanong ko.

“Oo.” napansin yata niya na medyo na-tensed na naman ako, “Relax ka lang, Angel. Mabait naman si mommy.”

Alam ko naman ‘yun, di ba’t ka-share ang mom niya dun sa bracelet na binigay niya nung birthday ko. Pero wala pa akong narinig sa kanya tungkol sa daddy niya. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ng daddy niya pagdating ko.

“Sige, sabi mo eh.”

Sobrang gaan na ng loob ko kay Dave. Kumportable na akong kasama siya, nasanay na rin ako na palagi siyang nandyan. Aaminin kong lumalim pa ang paghanga ko sa kanya kasabay ng paglalim ng pagkakakilala namin. Parang hindi lang paghanga. Habang tumatagal, mas napapatunayan ko sa sarili ko na mahal ko na nga siya. Iba yung dating niya sa ‘kin. Ibang-iba. Grabe yung puso ko pag nakikita ko siya, parang ang saya-saya. Pag hindi ko siya nakikita, nakakaramdam ako ng sobrang pagkalungkot. Natatakot na rin ako na mawala siya sa ‘kin.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon