CHAPTER 12- You're Worth Fighting For

57 1 0
                                    

CHAPTER 12

You’re Worth Fighting For

Akala ko okay na nga sila. Pero after a week magkakatapat na naman pala sila.

Hindi na ako nanood ng game nun. Bukod sa tinatamad ako, ibang schools naman ang maglalaro nun. Pero nandun pala sila Marcus para manood ng game. Nandoon din si Dave kasi niyaya siya ng mga classmates niya na basketball players din (pero hindi tropa ni Marcus yung classmates ni Dave na basketball players).

Nagulat ako nang may tumawag sa ‘kin na classmate ko, nakita daw niya si Marcus at yung tropa nito na kinakausap si Dave. Mag-isa lang daw si Dave nun sa bandang likod ng court bago magsimula yung game. Parang nag-aaway, at narinig niya yung pangalan ko kaya niya ako tinawagan.

Pinuntahan ko kaagad si Sarah para magpasama. Pumunta kami sa court at hinanap sila Marcus at Dave.

Hindi ko inasahan yung nakita ko. Pinapalibutan ng mga tropa ni Marcus si Dave. Lalapit na sana kami pero nagsalita si Marcus. Pinili kong pakinggan muna sila.

“Sinabihan na kita na tigilan mo si Angela di ba. Nauna ako, eh. Pumapapel ka pa!” narinig kong sabi ni Marcus tapos ay tinulak niya sa dibdib si Dave. Buti nalang hindi natumba si Dave!

“Walang batas na nagbawal sa akin na ligawan siya.” Sabi ni Dave.

“Pwes, gagawa ako ng batas.” Pagkasabi niyon ay sinuntok niya si Dave na sinwerteng nakailag bigla. Pero hinawakan ng mga tropa ni Marcus ang braso ni Dave kaya nagpakita na kami sa kanila. Ayokong magkasakitan sila dahil lang sa ‘kin.

“H-huwag!” sigaw ko nang Makita kong aamba ulit ng suntok si Marcus.

“Angel!” gulat ang rumehistro sa mukha ni Marcus.

“Marcus, ano ba ‘to?!”

“Angel.” Nagulat din si Dave nang makita ako roon. Binitawan na siya ng tropa ni Marcus.

“Sorry, Angel. Masyado kasi---”

“Wag ka nang magdahilan.” Putol ko sa sasabihin ni Marcus. “Kahit anong sabihin mo, hindi parin tama yung mga nakita at narinig ko.”

“Sorry!” pagkasabi nun ay nagmadali na silang umalis na magbarkada.

Lumapit ako kay Dave na wala namang galos.

“O-okay ka lang?” tanong ko sa kanya

“Bakit ka pa pumunta? Kayang-kaya ko sila kahit sampu pa, ‘no!” tumawa pa siya.

“Ewan ko sa ‘yo. Hindi kita pinagtanggol, ayoko lang na may nag-aaway dahil lang sa ‘kin.”

“You are worth fighting for.” Tumitig pa siya sa mata ko.

“Tse, muntik ka nang mag-ambunan ng pasa at sugat, eh.”

“Nag-alala ka ba?”

“Tulad ng sinabi ko, ayaw ko lang na mag-away kayo dahil lang sa akin.”

“Pero nag-alala ka nga?”

“Aminin mo na kasi, Anj!” sigaw ni Sarah na nasa isang tabi lang at tuwang tuwa habang pinapanood kami.

“Tumigil ka nga, Sarah! Umuwi na tayo.” Tumalikod na ko kay Dave pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan.

Napatingin naman ako sa kamay namin, tapos ay sa kanya. “O bakit?” simpleng sabi ko kasi ramdam ko ‘yung kuryente gawa ng paghawak niya sa kamay ko.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon