CHAPTER 10- He's asking for a date!

45 2 2
                                    

CHAPTER 10

He’s asking for a date!

Medyo marami ng tao nang makarating kami sa covered-court. Nakahanap parin naman kami ng magandang pwesto.

Sana hindi nalang ako makita ni Marcus.

Nakapagitna ako kay Sarah at Dave. Baka mawala sa focus si Marcus kapag nakita niyang katabi ko si Dave. Syempre ayaw ko naman ng ganoon.

Thirty minutes nalang at mag-i-start na ang game. Nakita ko ang team ng school namin sa right side ng court. Nakaupo lang doon si Marcus. Maya-maya pa, nakita ko siyang tumayo at parang may hinahanap sa bleachers.

Naku, baka ako ang hinahanap

Buti nalang at tinawag sila ng coach niya. Nakahinga ako ng maluwag.

“Ang daming human beings. Ang ingay dito, friend!” reklamo ni Sarah.

Hindi ko siya masisisi. Ngayon lang kami pumunta sa basketball game. Kahit ako ay naiingayan.

“Ganyan talaga kapag inter-school. Mas madami rin kasi ang nanonood.” Sabi ni Dave na medyo lumapit kay Sarah para magkarinigan sila. At dahil nasa gitna nila ako, medyo napadikit si Dave sa akin.

Muntik na akong ma-ground. Biro lang. Parang nakuryente kasi ako sa kanya. Ha-ha!

Bigla kong naisip na magbukas ng topic.

“Naglalaro ka rin ba ng basketball?” tanong ko kay Dave.

“Oo, naglalaro naman pero hindi ako sumasali sa mga team. Hobby lang sa ‘kin.” Paliwanag niya.

“Ah, bakit hindi mo i-try sumali sa team?”

“Hindi ako player talaga kaya wala yung interest ko roon.”

“Ano pa’ng hobby mo bukod dito?”

“Hmm. Marunong naman akong mag-gitara.”

Dave’s POV:

Tanong ng tanong si Angel. Kailangan ko na namang maging maingat sa mga sasabihin ko. Muntik ko ng masabi na nagpapiano rin ako.

“Wow, gitara? Gusto kong matutunan ‘yun.” Sabi niya na nakangiti.

Napaisip ako. Wala naman sigurong masama o mali kung turuan ko siyang mag-gitara.

“Gusto mo turuan kita?”

“Tuturuan mo ako?”

“Kung gusto mo, pero basic lang kasi hindi naman ako magaling dun, marunong lang kaunti.”

“Sige.” Lalong umaliwalas ang mukha niya. ‘Yun ang isang bagay na gusto ko sa kanya.

Nag-announce na na malapit ng magsimula ang game. Nakita ko si Marcus na may hinahanap sa bleachers. Mukhang hindi pa niya kami nakikita.

Hindi ko alam kung ano na’ng mga pangyayari sa panliligaw ni Marcus kay Sarah. Hindi ko rin naman pilit na inaalam, pero parang gusto ko rin naman talagang malaman. Siyempre, parehas lang naman kasi ang goal namin at isa lang ang pwedeng sagutin ni Angel kung sakali mang may sagutin nga siya.

“Gusto ninyo ng inumin? Kahit bottled water or juice lang?” tanong ko kina Angel at Sarah.

“Hm, sige.” Sagot ni Angel

“Ako ayaw ko,” nakangiting sabi ni Sarah. “Magbabantay nalang ako ng seats ninyo dito, kayong dalawa na ang bumili.” Dagdag pa niya na nakangiti parin. Sa akin siya nakatingin, parang sinasabi niya na Go na!

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon