CHAPTER 16- Mayaman Problems

30 1 0
                                    

CHAPTER 16

Mayaman Problems

           

Tapos na ang Christmas at New Year’s vacation. Simula na ulit ng klase. Pabalik na kami ni Sarah sa room galing sa canteen nang salubungin kami ni Marcus. Mag-isa lang siya at hindi kasama ang mga kaibigan niya.

“Hi Angel.”

“Hi.”

“Pwede ba tayong mag-usap?”

“Tungkol naman saan?” magsosorry na naman ba siya? Napatawad ko naman na siya sa nagawa niya dati, at hindi naman na naulit ‘yun.

“Tungkol sa panliligaw ko. Please, sana dumating ka. Mamayang uwian ako nalang ang maghahatid sa ‘yo habang nag-uusap tayo. Kahit kasama parin si Sarah.”

“Hinahatid siya ni Dave.” Si Sarah na ang nagsabi sa gusto kong sabihin.

“Alam ko ‘yun. Sana kahit ngayon lang ako muna ang maghatid sa’yo. Gusto lang kitang makausap ng mas matagal.”

Nag-isip ako. Matino naman siyang nagpapaalam at wala naman sigurong masama doon. Nakikita ko rin kasi sa mga mata niya yung eagerness na makausap ako.

“Sige.”

“Talaga?” parang hindi siya makapaniwala, at mukhang napasaya ko talaga ang araw niya dahil lang sa salitang ‘sige’.

“Oo, hintayin mo nalang kami mamaya.”

“Oo, sige. Salamat talaga, Angel.” Sabi niyang nakangiti at nagpaalam na para bumalik sa sarili niyang classroom.

“Pano si Dave?” tanong naman ni Sarah na parang nag-aalala.

“Itetxt ko nalang siya na h’wag muna tayong ihatid. I-explain ko nalang sa kanya.”

Tinext ko si Dave at sinabi ko ang dahilan kung bakit hindi muna niya ako pwedeng ihatid ngayon. Naintindihan naman niya at wala namang naging problema.

-      - - -

“ANGEL, NGAYON LANG ako naging ganito kaseryoso sa babae. Oo, alam kong hindi ako kasing gwapo niya at hindi maganda ang impression mo sa ‘kin. Alam ko naman lahat. Gusto ko rin sanang magpasalamat kasi napatawad mo ako. Gusto ko sana ulit pormal na sabihin sayo ang tungkol sa panliligaw ko. Hindi parin ako susuko, kahit alam kong gusto mo na siya.” Mahabang sabi ni Marcus.

Hindi ako sumagot, hinintay ko lang yung susunod na sasabihin niya.

“Gusto sana kitang imbitahan.” Sabi niya.

“Imbitahan? Saan naman?” tanong ko.

“Ah…” napakamot siya ng batok, “Gusto kang makilala nila mama.”

Ipapakilala niya ako sa parent niya? Wow. Ngayon lang may nag-invite ng ganito sa ‘kin.

“Ha? Sure ka?”

“Eh, oo. Kung okay sayo. Ayaw mo ba?” nahihiya pa niyang sabi.

Napaisip naman ako bigla. Wala namang masama at matino naman niya akong ininvite.

“Okay lang naman.” Sagot ko.

“Talaga?” parang nabuhayan siya ng lakas ng loob sa pagpayag ko.

“Oo. Kelan naman ba?”

“This Friday after class sana?”

Inisip ko saglit kung may mahalagang lakad ba ako nun. Parang wala naman.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon