CHAPTER 4- Malas nga ba o Swerte na?

89 1 0
                                    

CHAPTER 4

Malas nga ba o Swerte na?

Angela’s POV:

Nasabi na ni Sarah. Wala na akong mukhang ihaharap kay Dave.

Bigla akong nanghina. Pakiramdam ko hinigop ng tiles na inaapakan ko ang lahat ng lakas ko. Ayokong gawin ‘to pero naiiyak na talaga ako. Pakiramdam ko dapat kong iiyak ‘to dahil kung hindi, baka sumabog ako na parang bomba.

Napaupo na ako sa sahig. Umiyak na ‘ko sa kamay ko. Pinipilit kong umiyak ng walang tunog. Tahimik lang. Pero hindi ko na mapigilan.

Humihikbi na ‘ko hanggang sa pinakawalan ko na ‘yung iyak ko. Parang iyak ng isang bata na inagawan ng pagkain.

Iyak na kung iyak! Di ko na talaga mapigil.

Sarah, bakit mo sinabi? Pa’no na ko nito. Alam na ni Dave. Sabi ng isip ko habang umiiyak ang parehas na puso at isip ko.

Isipin man ng iba na OA pero wala akong ibang magawa kundi ito. Wala akong ibang maisip na gawin kundi umiyak. Hinang-hina na talaga ang pakiramdam ko.

Bigla kong naramdaman na tumabi sa akin si Sarah. Tinapik tapik ako sa likod na parang sinasabi, Tahan na, magiging maayos din ‘to.

Lalo akong naiyak. Ganun talaga ako. Lalo akong naiiyak kapag may biglang nag-co comfort sa akin.

Bestfriend ko parin siya. Kahit nabunyag na niya ‘yung sikreto ko, mananatili siyang bestfriend ko at hindi na magbabago ‘yun. Naiintindihan ko rin naman kung bakit niya nagawa ‘yun. Hindi ko lang talaga alam kung paano ako haharap kay Dave ngayon.

Napayakap ako kay Sarah at umiyak sa balikat niya.

Pero, teka.

Hindi ganito ang amoy ni Sarah at parang masyado naman atang malaking tao si Sarah kung siya ito.

Kumabog bigla ‘yung dibdib ko. Sobrang lakas.

At na-shock na naman ako sa pangalawang pagkakataon ngayon.

Lalayo na sana ako para mabawasan ‘yung mga kahihiyan ko pero pinigilan ako ng mga braso niya. Niyakap niya ako.

“Tahan na, okay lang ‘yan. H’wag ka nang mag-alala.” Tinapik tapik niya ‘yung likod ko na tulad kanina. Nararamdaman ko parin yung comfort at pang-unawa.

Biglang nawala lahat ng iniisip ko. Parang kumalma ‘yung kalooban ko dahil sa ginawa niya.

Ilang hikbi pa at maya-maya’y tumahan na rin ako sa pag-iyak.

Nahihiya parin ako sa kanya pero nakakaramdam rin ako ng kapayapaan. Parang totoo lahat ng mga sinabi niya na hindi dapat ako mag-alala.

Nang mapansin niyang tila kumalma na ako, niluwagan na niya ‘yung pagkakayakap niya sa akin. Ayaw ko man pero signal na ‘yun para lumayo ako at ayusin ang sarili ko.

Tumayo na kami habang pinupunasan ng kamay ko ‘yung mga luha ko na malapit ng matuyo sa mukha ko.

“Heto, gamitin mo muna.” Binigyan niya ako ng panyo.

Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba ‘yun. May panyo naman ako sa bulsa.

Pero tinanggap ko ‘yung iniabot niya.

Galing kay Dave to, eh. Naisip ko agad.

Tiningnan niya ako saglit habang nagpupunas ng mukha.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon