CHAPTER 23
Leaving without Goodbye
FOURTH YEAR NA kami ni Sarah! Yahooo!!!
At dahil senior citizens na kami, este senior students pala, nag-level up na rin ang mga teachers. Strict na talaga sila ngayon. Buti nalang at na-warningan kami ni Dave sa mga need to watch out na teachers.
Second week na namin ngayon ng 1st grading period. First week naman nila Dave ng Prelims nila sa college. Busy siya agad kaya hindi na talaga siya makapunta dito. Hanggang sabado kasi may pasok siya. Although hindi naman whole day lahat.
Ayos nga ‘yun. Maging busy na siya sa buhay niya para hindi na niya ako masiyadong maisip at baka unti-unti na rin niya akong makalimutan.
Hindi naman ako tanga, hindi rin ako manhid. Alam kong malabong maging kami at tanggap ko na ‘yun. Kaya nga ako nalang ang iiwas. Masakit at mahirap para sa akin. Ayoko mang mapalayo sa kanya pero ‘yun na ang pinakamatinong bagay na magagawa ko. Ayoko namang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Ayokong lalong magalit ang pamilya niya sa akin at mas lalong ayokong magalit ang daddy niya sa kanya.
Hindi ko masabi na tama itong desisyon ko pero hindi ko rin masabi na mali ito. Ito ang dapat. Ito ang realidad. Hindi kami bagay sa isa’t-isa. Ang dasal ko nalang ay sana balang araw, sumaya siya kahit hindi na ako ang nasa tabi niya.
Ako? Ayos lang sa ‘kin. Para kay Dave naman ito, eh. Mahal ko siya. At patuloy ko siyang mamahalin dahil duda akong mawawala ‘tong pagtingin ko sa kanya. Mamahalin ko siya kahit na iba na ang mahal niya. Ang mahalaga sa akin ay maging masaya siya.
Masaya na rin naman akong isipin na minsan ay minahal niya ‘ko, nagkaron kami ng parang mutual understanding. Okay na sa ‘kin ‘yun. Dahil dati, ni kelan ay di ko nagawang maisip na posibleng magkatotoo yung dasal ko na mapansin niya ako. At dahil natupad iyon, sapat na sakin. Masaya na ako roon.
Dave’s POV:
Hindi na ako nakakapunta kina Angel. Bihira na rin kaming magkatext. Dahil either busy ako or busy siya. Mukhang hindi nagkakasundo ang schedule namin. Miss na miss ko na nga siya eh. Kamusta na kaya siya? Nililigawan parin kaya siya ni Marcus? Balita ko ay dun parin sa Bulacan nag-college si Marcus, mas may chance siya na bisitahin si Angel.
Ang swerte naman.
Pinagbubutihan ko ang college ko. Para na ‘to sa future namin ni Angela. Pangarap ko na mabigyan siya ng magandang buhay na galing sa sarili kong pagsisikap. Ako mismo ang magdedesign at mamamahala sa paggawa ng bahay namin.
Kulay blue kaya para tulad ng paborito niyang kulay?
Tapos mag-aalaga kami ng aso. Naalala ko sabi niya dati na gusto niyang mag-alaga ng aso kundi lang may allergy yung mama niya sa balahibo nito.
Marami akong pangarap para sa amin na pagsisikapan kong matupad lahat. Mahal ko si Angel. Kahit kontra si daddy sa kanya, hindi ako papayag na maging hadlang ‘yon para magkatuluyan kami.
Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang mapasaya siya.
( Fast-Forward )
BINABASA MO ANG
Heaven Love Earth
RomanceThis is a love story of high school teens na nainlove at nagkalayo dahil sa status ng kanilang buhay. Let's find out kung ano'ng mangyayari sa kanila in the end. Manaig kaya ang rule of fame and money, or their love will move mountains para sa magan...