CHAPTER 17- The Promenade

24 1 0
                                    

APTER 17

Junior-Senior Prom

Angel’s POV:

February 8. Saturday.

Papunta kami ni Sarah, kasama ang mga mama namin, sa patahian. Last 2 weeks kasi pumunta rin kami dito para magpasukat at pagpatahi ng gown. Prom night na kasi this coming Friday. Mukang di ba excited? Hahaha.

Prom night na! Yeehah!!!

“Akin po ‘yung blue.” sagot ko sa mananahi ng itanong niya kung alin sa dalawang hawak niyang gown ang sa akin.

“Ow, eto itry-try mo na dear!” sabi niya sa ‘kin at inabot ang gown. Ibinigay din niya kay Sarah yung kanya at ipinasukat sa amin. Nauna ako, pumasok na ako sa dressing room para icheck kung tama ba ang sukat.

Paglabas ko, palagay ko natuwa naman sila at mukhang bumagay naman sa akin.

“Ang ganda! Panalo ang beauty mo dear!” sabi ng mananahing obvious na bading.

Royal blue gown na tube ang style. May malaking ribbon pa sa gilid. Nakahapit sa katawan ko kaya maganda at saktong sakto talagang tingnan. Maganda talaga. Natuwa ako at bumagay sa akin.

“Bagay na bagay sa ‘yo, anak!” sabi ni mama habang iniikot ikot ako para Makita niya yung likod na part. Parang mas excited pa kaysa sa akin.

Si Sarah naman ang sunod na nagsukat. At katulad ko, favorite color din niya ang ipinagawa niya. Dahil matangkad siya, nagmuka siyang beauty queen. Halted naman yung style ng kanya. Kulay violet na medyo paballoon.

“Ang ganda mo, friend!” sabi ko sa kanya, totoo naman.

“Haha, thank you! Ikaw rin ang ganda mo diyan.” Sabi naman niya.

“Dito lang?” biro ko.

“Baliw, syempre always, noh. Mas gumanda lang tayo ngayon.”

At sang-ayon naman dun ang mga nanay namin pati na rin ang modista na gumawa ng damit.

“May escort na ba kayo?” tanong ng mama ni Sarah.

“Kailangan pa ba ‘yun?” sabi naman ni Sarah.

“Si Angel yata may escort na,” biglang sabi ni mama.

“’Ma naman.”

“Di ba’t ‘yung Dave kamo ay niyaya ka na?”

“Ah, opo nga po pero hindi pa naman ako pumapayag.”

Niyaya ako ni Dave nung Sunday na maging prom date niya. Hindi pa naman ako sumagot agad kaya di ko pa masabing siya na nga ang escort ko.

“Ganun ba? Naku, anak, dapat may kasama ka rin para naman hindi ka mag-isa pag sumayaw si Angel.” Suggestion ng mama ni Sarah.

“Hay ewan, mama. Di ko kailangan ng kasama. Malaki na ‘ko.”

“Pag di ka nakahanap agad ako maghahanap ng escort mo,” pangungulit ng mama niya. Ngayon, obvious naman kung kanino nagmana si Sarah.

“Ay tigilan mo ‘yan, ‘ma. Sige, ako na po ang hahanap! Jusmiyo marimar!”

Tinawanan nalang namin si Sarah sa sinabi niya.

Ang totoo, sabi ni Dave, kung papayag akong maging escort siya, malamang daw na sumama si Jose para maging escort ni Sarah.

Actually, madami namang manliligaw si Sarah kasi nga ay maganda at matangkad siya. Kaso nga lang ay may pagkapranka siya. Sinasabi niya agad sa tao na basted na ito o ayaw niya dito. Pinagsusungitan niya at sinusupladahan ang lalaki kapag nangungulit pa. May mga nag-yaya na rin sa kanya na maging escort sa prom, ayaw lang niya sa mga ito.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon