CHAPTER 6- Dave and Friends

56 1 0
                                    

CHAPTER 6

Dave and Friends

Dave’s POV:

Hindi ako mahilig makipag-usap sa babae. Hindi talaga ako nakikipag-usap sa kanila unless it concerns group projects or group works. Lalong hindi ako nag-aapproach sa iba. Ngayon lang. Kay Angel palang.

Hindi ko alam kung bakit pero magaan talaga ang loob ko sa kanya. Siguro dahil nga maaliwalas lagi ang mukha niya.

Kanina habang nasa pila kami, nagulat ako nang makita ko siya na kasunod ko. Matagal ko rin siyang hindi nakita. I am not sure but I think umiiwas talaga siya sa akin. Gayunpaman, nakaramdam ako ng tuwa nang makita ko siya.

Sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung bakit iba ang pakitungo ko sa kanya. At sa ngayon, ayoko munang mag-isip ng mga bagay na pwedeng magpakomplikado ng nagsisimula pa lamang naming pagkakaibigan.

Kung hindi ako palakausap sa babae, mas lalong hindi ako palatawa. Kaya medyo nagulat din ako sa sarili ko kung bakit nakisabay ako sa malakas at matagal na tawa ngayon kasama sila.

Tawa kami ng tawa nang biglang nag-burp si Sarah.Ang lakas naman kasi talaga, dinaig pa’ng lalaki.

Hindi ko maiwasang hindi mapansin ‘yung nakakatuwang tunog ng tawa ni Angel. Parang five year old kidna mahiyain,at ‘pag patapos na’ng tawa niya, para nalang siyang sinisinok. Nakakatawa rin tuloy pakinggan.

Amuse na amuse ako sa kanilang magkaibigan. Parehas silang kwela.

Napatingin ako sa relo ko. Four thirty na pala. Off naman ako sa trabaho ngayon kaya hindi ko kailangang magmadali.

Mumurahin lang na klase ‘tong relo ko, dahil sinadya kong iwan lahat ng mamahaling gamit ko sa mansion namin. Ang tanging dala ko lang pag-alis ko ay isang lumang backpack na may lamang pitong pares ng simpleng damit. Simple pero mamahalin lahat. Kaso wala na akong choice, sa dati kong buhay, ‘yun na ang pinakacheap na gamit ko. Kasama ng mga damit ay isang pares ng tsinelas at isang rubber shoes. Nagdala ako ng kaunting pera, ipon ko ‘yun mula sa isang buwan kong baon bago ako maglayas. Medyo malaki na ‘yun kaya hindi na ako nagdala ng ATM o credit cards. Ayoko na nga rin kasing umasa sa pera ni daddy.

“Busog na ‘ko, tara na.” narinig kong yaya ni Sarah kay Angel, tapos ay tumingin siya sa akin, “Ikaw, ‘di ka pa ba uuwi?” tanong niya.

“Uuwi na rin,” sagot ko, “Saan pala kayo nakatira?” hindi ko rin alam kung bakit ko tinanong ‘yun.

“Sa malapit lang,” si Angel ang sumagot, “Tara na, Sarah.” hinawakan na niya si Sarah sa kamay. Humarap siya sa ‘kin, “Sige, una na kami ah. Bye.”

Umalis na agad sila na parang nagmamadali. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Hindi rin niya sinagot man lang ng maayos ‘yung tanong ko.

Okay lang, may next time pa naman siguro.

Next time? Umaasa ako na magkita pa ulit kami?

Nawiweirdohan na ako sa sarili ko.

Maya-maya pa’y naisipan kong kunin ang cellphone ko at magdial.

Tatawagan ko si Keith. Matapos ang tatlong ring ay may sumagot naman.

“Hello?” tanong ng nasa kabilang linya.

“Keith, si Dave to.”

“Dave! Buti naman at kumontak ka na ulit! Gustung-gusto na kitang tawagan kaso baka magalit ka.” sinabi ko kasi sa kanila dati na ‘wag akong tatawagan except kung emergency o urgent na talaga.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon