CHAPTER 8- Ang Karibal

56 1 0
                                    

CHAPTER 8

Ang Karibal

Ayun, sorry kung may typo man. Sana wala XD, minadali ko lang kasi pag-eedit hahaha :) Last chapter to na upload ko ngayong day. Baka two or three weeks ako hindi makapag-upload dahil sa in-house review namin kaya eto tatlo agad :) upload ko agad next chapters pagbalik namin ditto hahaha :D

Happy reading! :)

­

Dave’s POV:

Nakaramdam ako ng inis kay Marcus. Bakit kailangan niya akong warning’an? May nagsabi ba na siya lang ang may karapatan na ligawan si Angel? Ayoko sa taong tulad niya, masyadong maangas at bilib na bilib sa sarili.

Uwian na, pumunta ako sa canteen para tingnan kung nagmerienda sila Angel dun. Pagpasok ko, nabwisit ako sa nakita ko. Oo nandun nga si Angel, pero nandun din si Marcus at ang tropa niya.

Tumuloy ako ng pasok. Mukhang hindi naman nila ako napansin. Bumili ako ng turon at softdrinks. Umupo ako sa medyo malapit sa kanila. Alam ko hindi tama pero pinakinggan ko ang usapan nila.

“Gusto ko lang itanong kung pwede ba kitang ligawan?” narinig kong sabi ni Marcus, confident pa ata na mapapasagot si Angel.

Matagal bago siya sumagot, “Wala pa sa isip ko ‘yan.”

Nice answer, Angel. Isip ko.

“Hindi mo naman kailangang magmadali, Angela. I’m willing to wait.” pangungumbinsi  ni Marcus na nagpapaka-Mr. Right kunwari.

“Madami namang iba diyan, mas maganda pa.” sabi ni Angel.

“Pero ikaw ang gusto ko. Matagal na kitang gustong ligawan, ngayon lang ako nakahanap ng tiyempo.”

“May iba na kasi siyang gusto, Marcus.” sabat ni Sarah na parang naiinis na. Nakatalikod ako sa kanila pero parang nakikita ko ang mga mukha nila base sa tono ng boses.

Hindi agad nakasagot si Marcus. Buti nga sayo! May warning warning ka pang nalalaman ah.

“Meron na? S-sino?

“Di mo na kailangang malaman ‘yun.” Si Sarah parin.

“Alam mo miss, si Angel ang tinatanong at kinakausap ni Marcus, hindi ikaw.” sabat ng kasama ni Marcus. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Jack na kasamahan din ni Marcus sa basketball team. Grupo sila ng mayayabang. May isa pa silang kasama na hindi ko na maalala ang pangalan pero pamilyar siya.

“Best friend ako ni Angel,”

“Pero hindi ikaw si Angel”

“Lalo mong binabawasan ang points ni Marcus sa ginagawa mo.” banta ni Sarah kay Jack.

Napatahimik naman si Jack.

Narinig kong tumikhim si Marcus, “Pasensya na kayo, ganyan lang talaga siya minsan pero napagsasabihan naman. Pasensya ka na, Sarah.”

Aba, nagpapanggap na mabait, ah. Sa pagkakaalam ko maikli lang ang pasensya ni Marcus kaya nauuwi sa bangasan ng mukha ang laro nila sa basketball. Ngayon, pinipilit niyang pahabain ang pasensya niya para kay Angel? Mukhang seryoso nga siya.

Sumilip ako sa kanila, lumingon lang ako palikod saglit. Pero hindi ako pwedeng magkamali, nakita kong nakatingin si Angel sa akin. Parang kanina pa niya alam na nandito lang ako.

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon