CHAPTER 11- Wonderful Night

45 1 0
                                    

CHAPTER 11

Wonderful Night

Angel’s POV:

Saturday, November 23.

“’Ma, okay lang?” Tanong ko kay mama. Nakaharap ako sa kanya at pinapakita yung ayos ko. Simpleng dress (as in simple lang) na kulay blue at sandals na 2 inches, cream color. Casual lang.

“Yes,” sabi niya na nakangiti. “Pretty as always. Mana sa mommy.” Natawa pa siya ng bahagya.

Napatingin ako sa watch ko. 6:15pm. Naghintay pa ‘ko ng around fifteen minutes pero siyempre nag-ayos ayos parin ako. Naglagay ng light make-up para hindi halata ang oily face. Buti nalang at hindi ako tubuin ng pimples. Hahaha!

DING DONG!

Sumilip si mama sa bintana para malaman kung sino ang nag-doorbell. At tulad ng inaasahan, si Dave na nga ‘yun. Parang bigla akong kinabahan. Ngayon lang kasi ako magdidinner sa labas na lalaki ang kasama.

Lumakad na ko papuntang pinto.

“Sure ka okay na hitsura ko, mama?” humarap ulit ako kay mama. Ayoko lang magmukang chaka sa harap ni Dave.

“Oo nga, anak. Kelan ba naman tayo pumangit?” biro niya.

Lumabas na kami ng pinto.

“Good evening po, Mam.” Bati ni Dave sa mother ko.

“Good evening din, hijo. Mag-ingat kayo, ah. At before 9:30pm dapat nakauwi na si Angel dito.” Paalala ni mama. Oo nga pala, may curfew ako.

“Yes, mam.” Nakangiti niyang sabi.

Napansin ko ‘yung porma niya. Simple pero maganda. Lalo siyang gumwapo. Jeans at white v-neck shirt at topsider na brown (di ba mahal yun?), naka-relo rin siya na mukang mamahalin.

“Tara na?” nakangiting sabi ni Dave sa ‘kin.

“Ah, oo sige.” Lumingon ako kay mama at humalik sa pisngi niya para magpaalam.

Naglakad kami ng ilang metro tapos at may nakita akong itim na kotse sa bandang kanto ng street namin. Nagulat ako nang naglakad kami papunta doon at binuksan ni Dave yung pinto sa tabi ng driver’s seat at sinensyasan niya ako na maupo roon.

Nagtataka man pero umupo na rin ako. Parang wala pa akong lakas para magtanong kahit marami ng tanong na naiipon sa ulo ko.

Sumakay siya at siya na rin ang nag-drive.

Wow. Marunong pala siyang mag-drive ng kotse kahit student palang. May license kaya siya? At saka, saan naman galing ‘tong kotse pati na ‘yung mga gamit niyang sapatos at relo. Alam ko hindi naman siya mayaman?

“Saan mo gustong kumain?” untag niya sa ‘kin. Napalingon naman ako sa kanya, nakita ko siyang nakangiti kahit sa kalsada parin nakapako ang paningin.

“H-ha? Ah, kahit saan.”

“May ganun ba na kainan?” biro niya at sumulyap saglit.

“Ha-ha” sarcastic kong tawa, “Ikaw na nga ang bahala.”

“Okay.”

Katahimikan.

At ang awkward, ha.

Lumipas ang mga sampung minuto.

Ang awkward talaga.

          “Saan tay---”

          “Anong gust---”

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon