CHAPTER 13- Truth

38 1 0
                                    

CHAPTER 13

Truth

Okay, sasabihin na nga ba ni Dave yung totoo?

Dave’s POV:

“Yes, mom.”

“Make sure, ha. Miss na miss ka na namin. I know that your dad misses you too. See you soon, honey.”

“See you soon mom, bye.”

Babalik ako sa bahay. But only for a few days. Sabihin na nating bakasyon lang. 2 days lang for Christmas. Hindi kasi ako nag-christmas dun last year kasi nga hindi ako nagparamdam sa kanila ng mahigit 1 year. Miss na miss ko na rin si mommy. Pati sa daddy. Sana pag nakita niya ako, magkaayos na kami. Matanggap na sana niya ako bilang ako. Mukhang malabo pero sana. Hindi naman ako humihinto sa pag-asa na balang araw tatanggapin ni daddy yung gusto kong path of life. Sana makita niya yung effort ko para mapatunayan yung sarili ko.

“Hi, Dave.”

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Si Ashley. “Hi.”

“Anong ginagawa mo dito? Ayaw mong makisali sa games?”

Christmas party namin kaya may mga games. Pero hindi naman talaga ako mahilig makisali. Kaya akala ng iba suplado ako o pa-mysterious daw. Ayoko lang talaga. Saka tinatawagan ako ni mommy kaya nandito ako sa labas.

“Ikaw, bat di ka sumali dun?”

“Nakita kasi kita dito, sasamahan nalang kita. Sino ‘yung kausap mo kanina sa phone?”

“Wala ‘yun.”

“Ows? Girlfriend?”

“Wala akong girlfriend.”

“Really? Can I be?”

Humarap ako sa kanya at tiningnan siya na parang nawweirdohan ako. ‘Yun naman ‘yung totoo. Alam kong may gusto sya sa akin. Hindi naman kasi niya nililihim yun. Sinabihan pa niya yung buong klase na gusto niya na kaming dalawa ang maging escort at muse. Kahit ayoko, wala naman akong magagawa dahil botohan ‘yun.

“Okay ka lang?” tanong ko sa kanya.

“Yes, of course. Mukha bang hindi?”

Lumapit pa siya lalo sakin at humawak sa braso ko. Lumayo ako agad dahil hindi ako kumportable. Hindi lang niya ngayon to ginawa kaya hindi  na ‘to bago sa ‘kin. Umiiwas nalang ako lagi.

“Hindi ka na nasanay, biro lang!” sabay tawa.

Ganyan siya lagi kahit halata naman na nag-fflirt siya. Maganda naman talaga siya pero hindi lang talaga ako kumportable sa mga ginagawa niya.

“Ang swerte naman ni Angela.”

Bigla akong napatingin sa kanya. Bakit alam niya yung tungkol kay Angel? Okay, possibleng nabalitaan niya dahil hindi ko naman tinatago na nililigawan ko si Angel.

“Kanino mo nalaman yan?”

Tumawa siya ng bahagya at sinabing, “I have my ways.” Tapos ay tumalikod na siya.

$%^$%^$%^$%^$%^$%^

“Hi, Angel!”

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon