CHAPTER 20- Langit + Lupa≠ Love

36 2 2
                                    

CHAPTER 20

Langit + Lupa≠ Love

Kung idi-describe ko ang sitwasyon namin ni Dave, para kaming mantika at tubig na hindi pwedeng pagsamahin. Parang parte ng magnet na nagrerepel. Parang siko ko na kahit kalian hindi makakatagpo ang tainga ko. Langit at lupa. Sobrang layo, sobrang labo.

Hayyy… Di ko maiwasang mapabuntoung-hininga.

Nakakatawa. Bakit ba madalas ko parin maisip yung failed love story namin. Dapat malinaw na sa akin na hindi kami para sa isa’t isa. Na walang paraan para maging kami tulad ng pinapantasya ko. Simula’t sapul hanggang pantasya lang naman talaga ang pwede kong gawin, eh. Dahil hindi naman ‘yun magkakaroon ng katuparan. Imposible.

At isa pa, tama naman ang daddy ni Dave. Sisirain ko lang ang future niya. Ano ba’ng kakayahan ko para patakbuhin ang malaking kumpanya nila, di ba? At una sa lahat, anong angkan ang meron ako. Hindi sikat, hindi kilala, hindi mayaman. Walang wala ako sa pangarap ng parents niya para sa kanya.

Tama ang dad niya, mas magiging maganda ang future ni Dave kung hindi ako ang makakatuluyan niya.

Kunsabagay, bata pa naman kami, baka balang araw makalimutan ko rin siya. Sana makalimutan ko nga siya. Kahit parang sobrang labo rin nun.

Si Dave makakalimutan ko? Alam kong mahirap pero kailangan kong kayanin. Kung talagang mahal ko siya, dapat kayanin ko para sa ikabubuti niya.

PUMIPILI AKO NGAYON ng magandang gift wrapper para sa regalo ko kay Dave. Graduation na kasi nila bukas. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang junior palang siya, crush ko palang siya at di pa niya ako napapansin. Ngayon, may feelings na kami sana para sa isa’t-isa kaso magkakalayo naman agad. Sobrang bilis talaga noh?

“Anj, eto kaya.” suggest ni Sarah at tinuro ang isang gift wrapper na blue at may konting yellow na kulay, may nakasulat na maraming Congratulations!

Tumango ako, “Pwede… yan na lang!” kinuha ko na dahil favorite color namin parehas ni Dave ang blue.

Bumili na rin ako ng white ribbon na bagay sa gift wrapper na napili namin at isang maliit na dedication card kahit hindi ko pa alam kung ano ang isusulat doon.

March 28, 2014.

Nakakatuwang isipin na pumunta ang mommy at daddy ni Dave ngayong graduation niya. Nagulat pa ang ibang classmate ni Dave dahil sakay ng maganda at mamahaling kotse ang magulang niya at halatang mga respetado at matataas na tao. Napakaelegante talaga ni tita Mara at palangiti.

Kunsabagay, sinong parents ba ang hindi magiging proud kung tulad ni Dave ang anak. Bukod sa ubod ng gwapo, ito pa ang Valedictorian ng batch nila. Kaya kahit ako sobrang proud sa kanya. Yun nga lang, sino ba ako sa buhay niya?

Kahit hindi kami pwedeng sumama sa graduation nila ay pinilit ko parin pumasok. Sinabi ko nalang sa guard na kapatid ko ang isa sa mga gagraduate. Syempre kasama ko parin si Sarah. Gusto ko lang makitang gumraduate si Dave at ibigay itong regalo ko. Pinag-ipunan ko ‘to! Kahit hindi ito kasing mahal ng iba niyang gamit, sana ma-appreciate parin niya.

“Ayyy! Si Dave na’ng magsasalita!” ingay ni Sarah, mas excited pa sa ‘kin.

Nakinig kami sa speech ng Valedictorian. Ikinwento niya ang naging buhay niya, at nagpakatotoo siya. Ngayon lang din nalaman ng lahat ang tungkol sa pagkatao niya bukod sa principal at adviser niya. Alam pala ng mga ito ang tungkol sa sitwasyon ni Dave, dahil daw tuwing may PTA, wala siyang naisasamang parent kaya ipinaalam nalang niya sa mga ito ang sitwasyon niya. Humanga ang lahat sa tapang at motivation niya. Kitang kita rin na proud ang parents niya sa napili niyang landas. Nagpasalamat si Dave sa mga taong sumuporta at tumulong sa kanya kapag nahihirapan na siya, pati ang mga kaibigan niya ay kasama sa speech niya. At hindi ko malilimutan ang isang parte ng speech na niyon…

“… Nagpapasalamat din ako sa isang babae na nagsilbing inspirasyon ko, lalo na ngayong senior year ko dito. Inspite all my problems and shortcomings, lagi siyang nandiyan at iniintindi ako. She is my inspiration, and will always be. Lalo na ngayon na college na ang haharapin ko, I know that you’d be my angel…”

Hindi ko mapigilang umiyak. Etong luha ko pasaway. Hindi niya alam na pumunta ako dito pero kasama parin ako sa speech niya.

“Huy, bakit ka umiiyak? Dapat kinikilig ka!!!” kilig na sabi ni Sarah pero nag-aalala rin sa kilos ko.

“W-wala, natutuwa lang ako.” sabi ko nalang.

“Sus, tears of joy lang pala. Yiiee! Grabe super sweet ng sinabi ni Dave!”

“Oo nga eh.” sang-ayon ko naman.

Pero ang totoo, naiiyak ako dahil alam kong hindi na pwede ang sinabi ni Dave. Hindi na pwede. Pagkatapos ng high school life niya, kailangan ko na ring tapusin ang lahat sa amin. Para sa mas magandang future niya. Hindi ako ang dapat na maging inspiration niya, may ibang karapat-dapat para sa title na ‘yun.

Matiwasay na natapos ang graduation, sumabay kami sa dami ng tao at pinilit kong maabutan si Dave. Masikip dahil maraming naglalabasang estudyante at mga magulang.

“Dave…” medyo malakas kong sabi, sapat para marinig niya. Nasa unahan lang kasi niya ang parents niya.

Lumingon naman siya. Hinawakan ko agad ang kamay niya at ibinigay ang regalo. Tapos ay hindi na ako sumunod sa paglalakad. Hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Habang nawawala siya sa paningin ko, nakakaramdam ako na parang unti-unting may humihiwa sa puso ko. Masakit. Habang nawawala siya sa paningin ko, alam kong unti-unti na rin siyang mawawala sa buhay ko.

“Angel!” sigaw ni Sarah.

“Oh! Dito ko!” sigaw ko rin.

“Kala ko kung san ka na napunta eh. Nabigay mo na? Nasan na siya?”

“Magcecelebrate pa siguro sila, pero naibigay ko naman na yung gift.”

“Ay hindi ka kasama? Hindi tayo kasama sa celebration?” dismayadong sabi ni Sarah.

“Ano ka ba, family bond na nila ‘yun.”

Ang totoo, inimbitahan ni Dave kaming dalawa ni Sarah na sumama sa lunch nila after graduation pero ang sabi ko may lakad kami by lunch time kaya silang family nalang.

“Nagbabakasakali lang na makakain ng pang-sosyal.”

“Ang takaw mo talaga! Halika at ililibre nalang kita ng mangga saka ice scramble!”

“Ang poor naman! Pero pwede ng pagtyagaan basta libre! Le’ go!!!”

---------------------------

please don't forget to vote (only if you like :D but i hope you do) :)))

-cuddlybimbibear 

Heaven Love EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon