Chapter 1

525 5 0
                                    

Chapter One (The Heart Breaker Girl)





Riley's POV

"I'm really sorry. But ayoko na. We're over." Tinignan ko yung lalaking naka-luhod sa harap ko ngayon.

"A...Ano bang ginawa kong mali? Sabihin mo babaguhin ko." Namamaga pa rin yung mata nya. I heard he cried last night after ko makipag-break via text. Then bago pa lang ako maka-pasok sa room ko hinarang na nya agad ako gusto daw nya pagusapan yung reason kung bakit ako nakikipag-break. Bayaan!

"Jake..." Sabi ko habang pinipilit syang tumayo.

"Please Riley. Tell me what I need to do to make things right." Tumayo na sya pero hawak hawak pa rin nya yung kamay ko. Pilit ko naman tinatanggal yun pero makulit eh. Tss.

"No. Its... Its not you..."

"Alam mo naman na since first year tayo mahal na kita diba? Gagawin ko lahat wag mo lang akong iwan." Niyakap nya ako pero agad akong kumalas.

"Jake. You're a really nice guy." Ehem. Tss. Yabang kaya nito. In one month of him being my boyfriend kung maka-asta akala mo sya hari ng mundo. Di naman ganun ka-gwapo sakto lang. Bat ko ba to sinagot? Ah! Haranahin ba naman kasi ako sa gitna ng field naming tapos ang dami daming tao sino ba naman di magye-yes nakakaawa naman kung mapahiya pa sya no. "Pero di ako yung girl na para sayo." I continue.

"Ano bang mali sakin??" He said raising his voice. Sus. Sabihin mo ayaw mo makipag-break dahil ayaw mo mawala yung kasikatan mo.

"Ja—"

"She said ayaw na nya so don't force her! My ghhhad! You look pathetic begging her like that to come back to you! FYI! You don't deserve my cousin! You're not even gwapo and you're so yabang pa. Pathetic." The conyo girl who spoke just now is my cousin Audrey Price. Yup. She is conyo like eww! Okay nagagaya na ako sa pagka-conyo nya. Fil-Am kasi yun eh. Nasa likod naman nya si Nathan 'Nate' Jimenez ang bestfriend ko. Ngumiti lang si Nate sakin at di na nag-salita. Nate hates it every time I break a guy's heart. Pero di naman nya ko mapigilan. Love nya ko eh. Hehehe

"Maka-karma ka din Riley!" Galit na sabi ni Jake at nag-walkout.

"Karma? Matagal na akong na-karma." Nag-shrug lang ako at hinarap ang dalawang nasa tabi ko.

"You okay Rye? Nag-absent ka daw kahapon?" Tanong sakin ni Nate. Di ko kasi sya classmate eh. Star section kasi sya. Matalino kasi.

"Ah. Umuwi kasi si Mom from states diba? So ayung nag-mother-daughter bonding kami." I said while giving them a smile.

"Anyway, all that drama just now wasted our time! We are so late! It's Ma'am masungit pa naman our first subject." Sabi ni Audrey sabay hila sakin. Nag-wave goodbye na lang ako kay Nate kasi malalate na talaga kami! Baka ma-tardy na naman kamiiii!





Ah! Oo nga pala. My name is Riley Alice Peralta. 4th year high school sa Scarlett University. And the drama just now was me breaking up with my 5th ex-boyfriend. Mean ko ba? Sorry na. Haba ba ng hair ko para maging isang heartbreaker? I'm not nagmamayabang no! I'm maputi kaya, literal na long hair, pretty, hmmm sexy? Sabi nila, and mayaman. May hotel ang parents ko dito sa manila. My mom is here with me kakauwi lang nya from New York and my dad naiwan dun. May business sya dun mas important daw ang family business nya sa NYC kesa sa hotel nya dito sa manila. I have four elder brothers na nasa NYC din. Dun sila nagco-college tine-train din kasi sila ni Dad para mag-handle ng business nya.





"Sis faster naman! Ang bagal mo mag-lakad." Tinignan ko lang si Audrey ng masama. Eh mas mabagal pa syang mag-lakad sakin eh. Baliw talaga to. Dahan dahan naming binuksan yung pinto at sabay kami na pa-sigh ng makita naming wala pa si Ma'am masungit sa classroom. Himala ata late sya. For the first time in forever??

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon