Chapter 57

142 0 0
                                    

Chapter Fifty Seven (The Start)

Zack’s POV

Mabilis pa sa alas kwatro ako nakarating sa bahay ni Riley. Dali dali akong pumasok sa bahay nya at nadatnan sya sa sala nya na nakaupo at nagte-text habang tumatawa.

“R-Riley?” Napatingin agad sya sa gawi ko at tinago yung phone nya.

‘Zack” tumakbo sya papunta sakin at niyakap ako. Shit! Ito! Itong yakap nya. Damn! I missed it so much!

“Where were you!? 3 fvcking weeks na halos wala akong balita sayo! Alam mo ba kung gaano mo ko pinakaba?!” Hinigpitan ko ang kayap ko sa kanya pero napadaing sya sa sakit.

“Ouch. Sorry Zack. Medyo masakit kasi ulo ko.” Humawak sa sa ulo nya.

“Bakit ano nangyari?” Natatarantang tanong ko. Tumawa naman sya at umiling.

“Wala. Nadulas ako sa Korea at nauntog. Nagmamadali na kasi akong umuwi eh. Hehehe” Hahawakan ko na sana yung ulo nya ng ilayo nya.

“W-Wag na. Okay na yan. Halika may pasalubong ako sayo!” Hinila nya ako papuntang sofa nila.

Tinitigan ko lang sya habang busy sya na naghahalungkat sa maleta nya. Ang dami kong gustong itanong. Kung bakit hindi nya kasama si Drake sa Korea nung umalis sya? Sino yung kasama daw nya papuntang Korea na sinabi sakin ni Drake? Bakit naging 3 weeks yung 2 weeks nya dun? Bakit sya hindi tumawag sakin for more than 2 weeks? At bakit sya nagsinungaling na parents nya ang pinuntahan nya dun. Pero wala. Walang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya. Ninanamnam ang presensya nya. Yung mga tanong ko na gustong gusto ko itanong sa kanya nawala lang bigla dahil sa isang ngiti nya sakin.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko. May nilabas syang t-shirt mula sa paper bag na hawak nya. Isang t-shit na may ‘I’m HERS’ at sinukat ito sakin. Ngumiti sya sakin ng pagkalapad lapad at tinuro yung shirt nya na may print na ‘I’m HIS’. Napangiti naman ako. Dapat ata every time na aalis kami eh yan suot nya ng malaman ng lahat na akin tong babaeng to!

“Sa susunod na date natin yan suotin natin ah! Plus yung panda Jacket natin.” Yung mukha nya excited na excited. Hmm…Kelan kaya next date namin? Sa sabado na kaya? Hehehe

“Saturday date tayo?” Pagaaya ko sa kanya. Tumingin sya sakin at ngumiti ng malapad.

“Okii! ^____^” Tatayo na sana sya ng hilain ko sya at bumagsak sya sa lap ko.

“Kiss ko? *pout* “ Nakita kong namula yung mata nya habang nakatingin sa lips ko. Hehehe Kita nyo na epekto ng gwapo kong mukha kay Riley ko? Wahahaha

“M-Manyak ka pa rin pala. Tss.” Umiwas sya ng tingin habang nangangamatis pa rin yung mukha nya. Tss. Mahiyain ang pumpkin ko kaya ako na magnanakaw ng halik ko!

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon