Chapter 60 (First Half)

79 0 0
                                    

Chapter Sixty First Half (This is Goodbye)

Riley’s POV

Pinagmamasdan ko ang gown na naka-hanger sa walk in closet ko. Isang white gown. Bukas na ang prom namin and after that practice na ng graduation then…graduation day! Yey! So happy!

*sigh*

Sinong niloko ko? Ako happy? Yeah right!

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng room. Malalate na ko…Ay wala na nga pala kaming class pero pinapapasok kami for the clearance.

“Bagal. Tss.” =____= Meanie Drake! Hmp! Sya na lagi kong kasabay papuntang SU. Nakakahiya naman kasi kay Chase ang dami ko ng atraso sa kanya. :( At wala sya ngayon nagbakasyon sa susunod na araw pa balik nya.

Sumakay na ako at dumiretso na kami ng SU.

Pagkadating ko dun as usual pinagtitinginan na naman kami. Unang una…Ang gwapo talaga ng kuya ko!! Second, they hate me. Tss. Wapakels ako no! Sino ba sila para intindihin ko?! Meron na nga ata akong haters fansclub eh! Nangunguna yung nambato sakin ng bato dati! Dapat binato ko yun ng tinapay with cream cheese para makabawi ako! Bwisit na yun! =____=

And speaking of that event…Yun na yung last time na nakausap ko si Zack. Never na nya akong kinausap o tinignan man lang. Para na nga lang akong hangin na dumadaan sa kanya eh. Siguro mas okay na yun para di na sya masaktan pa.

Pagpasok ko ng classroom ang ingay. Lahat may kanya kanyang ginagawa wala daw prof the whole day. So vacant ang araw na ito para daw makapag-prepare din for the prom. SANA SINABI NILA EDI DI NA AKO PUMASOK!! Tss.

Bahala na nga sila. Umalis na ako at pumuntang canteen. Nagugutom ang mga alaga ko.

Bumili ako ng chocolate mousse at water tapos umupo na ako sa tambayan namin. Namiss ko to. Ang tagal ko ng di umuupo dito. Kelan kaya yung last na tambay namin dito na happy lahat kami? Di ko na matandaan. Pero sana isang araw magsama-sama ulit kami na parang kagaya noon. Kasalanan ko naman diba? Ako sumira ng lahat? Ako ang dahilan kung bakit di na kami buo? Its my fvcking fault!

*lamon lamon!*

Nilantakan ko na lang yung chocolate mousse ko. Ayoko umiyak ehhh!

Pero natigil ako ng makita ko si Zack na may…kahalikang babae sa may isang tagong table dito sa cafeteria. Tago na nga nakita ko pa!! Bakit ba ang talas ng mata ko kahit na malabo na talaga sya pero pag si Zack ang nakikita instant HD agad?! TT___TT

Ano ba karapatan ko masaktan eh halos patayin ko sa sakit yung tao dahil sa ginawa ko. Wala akong karapatan…p-pero…Di ko mapigilan. Inubos ko ng isang subuan yung chocolate mousse at ininom yung water ko na parang wala ng bukas at agad agad umalis. Nararamdaman kong nangingilid na yung luha ko. Saan naman ako pupunta? Ayoko sa classroom madaming chismosa! AH! I know na!

The Heart Breaker's Bucket List [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon